Part 2 √

21 3 0
                                    


Tahimik lang akong kumakain habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Kin kay Meg , sila na super close . Nakukuha pa kasing manghampas ni Meg sa braso ni Kin ,pero ang loko ay tuwang tuwa pa ! Napapailing nalang ako sa halakhakan nilang dalawa , may mga lumilingon pa sa table namin para lang makita kung sino ba ang mga eskandalosa . " Ibang klase ka ding kasama , hanep ! Tawa talaga ako . " tuwang tuwa pang sabi ni Kin kaya naman ngumiti si Meg , tiningnan niya ako kaya naman napatingin din ako sakaniya. Nilagay niya ang buhok sa gilid ng tainga niya at ngumiti saakin, tinanguan ko nalang siya . " Saan ka nga palang galing na school,Meg? " pambabasag saamin ni Kin,nakahinga naman ako ng maluwang. " sa BEU , isang sakay lang mula rito makakarating ka na roon . " sagot naman sakaniya ni Kin at nagpatango tango pa ito . " Bakit ka nga pala nagtrasfer dito? Magandang school ang pinanggalingan mo , although maganda rin dito , pero mas kumpleto roon . " Sabi pa ni Kin , natahimik naman si Meg ,pero maya maya rin ay sumagot siya . " May nilalayuan ako, gusto ko lang na maging malaya . " ngiting sabi ni Meg saamin, napukaw naman ang atensyon ko sa sinabi niya . Sino namang nilalayuan niya? As if naman may pakailam ako. " ganun pala yon, lalayo ka na lang bakit dito pa sa malapit ? " ngumiti naman si Meg tsaka siya sinagot . " mas malayo kasi , may chance na mahanap niya ako , pag dito lang ako sa malapit , malamang hanapin nila ako sa malayo " manghang mangha naman siyang tiningnan ni Kin kaya naman napataas ang kilay ko sakaniya. " oh bakit naman ganyan ang reaksyon mo Julian ? " umiling naman ako sakaniya at tumingin kay Meg . Nakangiti siya saakin, napagkakamalan ko na siyang baliw . Haays. " masaya ka naman na dito ka nakapasok ? " tanong ko sakaniya at tumango siya saakin . " Kasi nakilala kita . " napamaang ang bibig ni Kin at naiiling naman ako sa sinabi niya .She's flirting with me haa. Napangisi nalang ako at tumingin kay Kin na ngayon ay nakamaang pa rin sa mukha ni Meg . Tapos si Meg naman nakangiti habang nakatingin saakin. May sira na sila sa utak. " oh saan ka pupunta ? " sabi nilang dalawa ng tumayo ako sa upuan , tiningnan ko sila at sumenyas sakanila na sa taas ako . Sabay naman silang alanganing tumango .

Naglakad na ako papuntang room , may mga kasabay ako na kaklase ko na papasok sa room pero ni hindi ko sila pinansin , mas gusto ko na si Kin lang ang kilala ko dito at sila Jin at Min . Ang ganda ng mga pangalan no ? Magkakapatid sila , si Min ang bunso ,nag iisang babae at nasa 2nd year college siya , si Jin panganay siya pero dahil maloko ay nasa 3rd year college palang siya , si Kin naman kabatch ko siya , naunahan na niya si Jin kasi mas matino nga daw siya siya sa kuya. Kaya naman madalas silang mag-away. Bago pa ako makapasok sa room ay nahagip ng mata ko ang babaeng nakaupo sa upuan ko ! Ano ba yan ?! Nakatungo siya kaya naman hindi niya namalayan na nakalapit na ako sakaniya.

" Miss ? " tawag ko sakaniya ,kaso hindi man lang siya gumalaw . " Miss ? " tawag ko pa sakaniya . Nakatingin na saakin ang mga kaklase ko dahil sa pagtawag ko sa babae . " kanina pa siya dyan , pag pasok niya ng room , nakatungo agad siya . " sabi nang babaeng laging nakakasagot sa klase. Tumango naman ako sakaniya . Maya maya ay nakita ko ng inayos niya ang buhok sa tuktok at unti-unting nag-angat ng ulo , biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ng kaba dahil sa pag angat ng ulo niya . Takte ! Ngayon ay hindi na ako makapagsalita at nakatitig lang sa mukha niya, napamaang ang bibig ko ng biglang tumaas ang kilay niya. Ang ganda niya ,kaso mas maganda sana kung pula o pink ang lipstick niya . Ang dark kasi ng lipstick niya parang brown na ewan. Tapos ang dami niyang hikaw sa kanang tainga . " Bakit? " tanong niya saakin kaya naman napaayos ako ng upo . " Ikaw ba ang gumigising sakin? " seryosong tanong niya. " siya nga ! " agad kong nilingon ang lalaking sumigaw nun at sinamaan siya ng tingin ! Tinamaan ng magaling nga naman ! Muntikan na akong malaglag sa kinauupuan ko ng pagharap ko ay napakalapit na ng mukha niya sa mukha ko ! Maling kilos lang ay mahahalikan ko na siya ." bakit ? "tanong niya hindi man lang niya nilalayo ang mukha sakin ! Amoy na amoy ko ang amoy ng sigarilyo sa bibig niya, pero hindi mabaho , amoy chocolate. " Dyan kasi ang upuan ko " seryosong sabi ko sakaniya . " Dito ? " turo niya sa inuupuan niya kaya naman tumango ako. " Okay " sagot niya at nakahinga ako ng maluwang ng inilayo na niya ang mukha niya sakin at umupo ng maayos. Hindi ba siya aalis sa upuan ko ?! "Lumipat ka na lang sa ibang upuan. " sabi ko sakaniya . " ako pa ang palilipatin mo ? " takang tanong naman niya . " oo ! Dahil upuan ko yan " tiningnan naman niya ang upuan ko , tingin sa gilid , sa kanan , sa kaliwa. Ano bang ginagawa niya ? Pagkatapos niyang tingnan ang upuan ay agad naman siyang tumingin sakin. " wala namang pangalan mo , so hindi mo ito pagmamay-ari . " sabi pa niya . Nahilamas ko ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Basag ako dun ah ! " I mean , dyan na ako nakapwesto since pasukan " pigil inis na sabi ko sakaniya . Pero nagkibit balikat nalang siya. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang umupo sa pwesto ni Meg kanina . " Why are you here? " takang tiningnan ko naman siya .Nakataas ang kilay niya na nakatingin sakin. " Because You're here ! So I'm here . " sarkastikong sabi ko pa sakaniya,nakita ko na napatiim bagang pa siya pero hindi ko nalang siya tiningnan pa .

" O my god ! " napaangat ako ng tingin sa sumigaw at nakita ko na nakanganga si Kin sa harap ng babaeng katabi ko . Tinaasan lang siya ng kilay ng babae kaya naman napailing na lang ako . Dali daling lumapit si Kin sa babae ! " Ikaw na ba yan ? " tanong niya dito . Teka ? Sino ba iyan ? " Ang ganda mo talaga !!! Akala ko hindi totoo na magtatransfer ka dito ! " parang baklang kinikilig naman si Kin habang nakaluhod sa harap ng babae . Tiningnan ko ang mukha nito , mukhang pilit niyang inaalala ang mukha ni Kin . " tumayo ka nga dyan , I'm not your Princess. " sabi nung babae kaya naman napanguso si Kin sakaniya . " naalala mo na ako ? " nakangiting sabi ni Kin ,pero umiling lang ang kausap . Gusto kong matawa dahil sa reaksyon ni Kin ,mukha siyang kawawa ! " Zen naman ! Ako ito si Kin ! Grade 3 crush mo ! " Zen ? Dahan dahan akong lumingon sa katabi ko, siya si Zen ? Wow ! Ang ganda niya na nga, agad kong napansin ang mahabang scar sa mukha niya , natakpan lang pala ito ng buhok niya kaya hindi ko napansin kanina . " Oo na ! Naaalala na kita ! Umayos ka nga ng upo ! " singhal niya kay Kin na ngayon ay malaki na ang ngiti na nakatingin kay Zen . " Naalala mo pa ba si Julian ? Siya yan ooh ! " tinuro naman ako ni Kin kaya tumingin siya saakin, nginitian niya naman ako kaya ngumiti ako sakaniya. " Alis na dyan , Julian " bulong sakin ni Kin na kinasama ko ng tingin sakaniya . " Dali na bro ! Ako na dyan ! " tumaas ang kilay ko sakaniya . " Diba nandoon ka kanina ? Dun ka na lang ulit , ayoko ng lumipat. " sumama na naman ang mukha niya. " Dali na bro ! Si Zen na yan eh ! " bulong na naman niya sakin . Hindi ko siya pinansin kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang pumunta sa pwesto niya kanina , ang haba ng nguso niya. Tsss. Sakto naman na dumating na ang prof kaya hindi na rin ako nakipagpalit . Tahimik naman na nakikinig tong katabi ko, paminsan minsan tinitingnan ko siya ,pero parang hindi naman niya napapansin ang presensya ko. Psssssh.

Dapat pala nakipagpalit nalang ako kay Kin . Hays.

*****
comment , vote and follow :)

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon