Part 4 √

12 3 0
                                    


" Sana naman may maayos na mag-o-audition ngayon " nakapangalumbabang sabi ni Min . Napailing nalang ako . Meron sanang matinong boses ,pero hindi naman matinong kausap . Kaya wag ko nalang sabihin sakanila. " Sa tingin niyo marami pang magta-try? " tanong naman ni Jin na ngayon ay umiinom ng beer . " meron yan , pero panigurado walang matino " natatawang sagot naman ni Kin sakaniya kaya naman umismid siya. " Pasok na ko sa room ha , mga 2 hours na ata ako nandito " tumango naman sila saakin at lumabas na ako sa tambayan. Naramdaman ko naman na sumunod si Kin kaya sabay na kaming pumanhik . Pagkapasok namin sa room ay nakita ko na naman si Zen na nakatungo , ang aga naman niya , di ko siya maunahan ! " Hi Zen ! " umangat naman ang ulo niya at tumango saamin, kinusot kusot pa ang mata " Mukhang puyat ka " sabi ni Kin sakanya at umiling naman siya . Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng tumingin siya sakin . " goodmorning " bati pa niya sakin ! Nagkatinginan kami ni Kin dahil sakin nakatingin si Zen " G-good morning din " nauutal na bati ko sakaniya . Bigla akong kinabahan ! " maupo na kayo , nandyan na si Ma'am . " sabi niya kaya naman napaayos na kami ni Kin. Nasa pwesto niya kahapon si Kin nakaupo , siguro tanggap na niya na ayokong lumipat. Puro lecture lang ang ginawa ngayong araw . Nagpadismiss na ang prof kaya naman nag-ayos na ng mga gamit ang mga ka-blockmate ko , kinuha ko ang flyers na nasa bag ko. " para saan ba yan ? " tanong naman saakin ni Zen , pinakita ko ang flyers sakaniya at iniabot ito. Mukhang namangha naman siya pero agad ding nakarecover. " Para saan at naghahanap kayo ng vocalist? " Umayos ako ng upo at humarap sakaniya , nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na papunta na saamin si Kin. " Para sa social week , 2 weeks preparation nalang kaya kailangang magmadali , marami rin kasi kaming gagawin kaya hindi kami pwede ni Kin . " umupo naman si Kin sa tabi ko. " I see " sabi pa ni Zen na tatango tango . " sasali ka ? " tanong naman ni Kin sakaniya . Nanlumo kami pareho ni Kin ng umiling siya . " I have some important things to do , I have to go " sabi niya at dali daling lumabas ng room . Nagkatinginan na lang kami ni Kin.

---

" Marami pa ang nakapila ? " tanong ko kay Min , at tumango naman siya . Mukhang pagod na siya pero dahil mahal niya ang grupong ito , hindi niya iyon pinapahalata samin. Hindi na rin ako nagpamigay pa ng flyers , tatapusin nalang namin ang lahat ng nakapila , pag wala kaming nahanap , mag gigive up ang isa saamin ni Kin para maging vocalist. At kapag nangyari iyon , hindi na maaasikaso ang maiiwang organization. " iready mo na yung kasunod . " utos ni Jin kay Min , agad naman siya nitong sinunod. Napatayo ako at si Kin ng makita si Zen ! Nakasuot siya ng gray na tshirt at jagger pants. Mukha siyang tibo sa itsura niya. Teka ? Tibo? Hindi kaya ....? " waaaah ! Zen ! " nagulat ako ng biglang tumakbo si Kin at yakapin ito. " magkakilala sila ? " natatawang tanong naman ni Min saakin . " puppy love " sabi ko sakaniya dahilan para mangunot ang noo niya. " siya yung ... --- Omygod . " sabi niya nalang ng tumango ako sakaniya . Tiningnan niya si Zen at manghang mangha siya sa babae . Hindi ko mapigilan na mapangiti , pumunta si Zen dito. Pero sabi niya may importante pa siyang gagawin? " okay ! Let's start ! Umayos ka na Kin ! " singhal naman ni Jin sakaniya. Napakamot nalang sa ulo si Kin na bumalik sa pwesto niya kanina . Hinawakan na ni Zen ang microphone " Hello mic test " sabi pa niya ,napalingon ako kay Min at Jin na mukhang excited . Tumugtog ang minus one ni Zen . " Sa hindi inaasahang .. Pagtatagpo ng mga mundo , may minsan lang na nagdugtong ... Damang dama na ang ugong nito oooh " Napapikit ako ng kinanta niya ang unang stanza . Minulat ko ang mata ko at tiningnan ang mga katabi ko na ngayon ay literal na napanganga ! " Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat , na hinding hindi ko ipararanas sa'yo .. Ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pagsinta .. " Bumwelo siya at nilipat ang mic sa kabilang kamay . " Ba't di papatulan ang pagsuyong nagkulang , tayong umaasang hilaga't kanluran , ikaw ang hantungan .. At bilang kanlungan mo oooh , ako ang sasagip sa'yo . oooohwoooooowwhhh oooooohhh wooohh --- Thank you " lahat kami ay natahimik , walang kumikibo. Nakatingin lang siya saamin. Ako naman ay nakikiramdam lang . Biglang tumayo si Jin at pinalakpakan si Zen ,kaya naman tumayo na rin si Kin kasunod si Min ... Ganun rin sila Lelouch , Brayan , Vj at Van , halos lahat ay pinalakpakan siya kaya naman pumalakpak na rin ako. Pero natigil sila at napatingin saakin. Taka ko naman silang tiningnan , tiningnan ako ni Min at sumenyas siya na tumayo ako . Oo nga pala ! Dali dali akong tumayo at pumalakpak. Pumalakpak naman silang lahat at nagngitian. " It's wonderful ! " lumapit sakaniya si Min at niyakap siya , niyakap niya rin naman ito pabalik. Mukhang ang saya ng mukha niya kapag si Min ang kumakausap sakaniya .Pero pag kami nila Jin at Kin ang kumakausap sakaniya biglang sumeseryoso ang mukha niya ! Ano bang problema nito? " So , magpapractice na tayo bukas ? okay ba yun sa'yo ? " nakangiting tumango naman siya kay Min . Nalipat ang tingin niya sa mga kasamahan ko . " kasama natin sila ? " nakangiwing tanong niya kay Min , alanganin namang tumango siya . " I see " parang nanlumo na sabi niya ! Siya na nga ang maswerte at makakasama niya kami eh ! Pambihira naman ! Pinanuod namin na lumabas si Zen sa pinto matapos namin siyang batiin , nagkatinginan kaming lahat at ...
" waaaaaaaaaaaaaaahhhhh !!!!! " nagtatalunang sigaw nila Lelouch at Min . Tuwang tuwa sila. Nagkakantahan sila na parang baliw. Napailing na lang ako . Ang laking tulong nito Zen. Napangiti nalang ako.

--
Bumalik na kami sa klase at nakita kong nakaupo sa pwesto ko si Meg , agad naman siyang kumaway saakin. Tinanguan ko lang siya at umupo sa tabi niya . " Hindi ka uupo dito ? " turo niya sa pwesto ni Zen , nagdadalawang isip pa ko kung sasagutin ko siya . " may nakaupo na kasi dyan ,kaya dito na ako " tiningnan naman niya ako . " sino ? " at nagkibit balikat naman ako. Siya na lang ang dapat makakita kung sino ang nakaupo don. Nanahimik nalang siya , nakatingin lang siya sa may pinto. May inaabangan ba siya? Napalingon ako sa pinto ng biglang pumasok si Kin ,saglit niya lang kaming binati , maya maya ay pumasok na ang prof .Nanlumo ako ng hindi ko nakita si Zen na kasunod nito. Nag lecture na ang Prof ng... " sorry Miss , I'm late " tumango ang prof sakaniya at pumasok na siya sa room , saglit pa siyang natigilan ng makita si Meg , ganun din naman si Meg sakaniya. Umupo nalang siya sa unahan kung saan absent ang may-ari nun . Nakita ko naman na kumuyom ang kamay ni Meg. Napatingin ako sa mukha niya ng lumingon siya saakin. " are you okay?, " tumango siya saakin at tumango tango rin ako. Binabagabag ang loob ko , parang may nagawa ako na wala ,parang may kasalanan ako na wala . Hindi ko maintihan . Natapos na lang ang discussiong wala man lang akong naintindihan.

Ano bang nangyayari ?

****
comment , vote and follow :)

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon