Part 6 √

8 2 0
                                        

Tiningnan ko ang katabing upuan ko , nanlumo ako ng hindi ko man lang nakita ngayon si Zen , alam niya kaya na kapatid ko si Trina ? Ano bang meron kay Trina at Meg ? Napabuntong hininga ako. Hindi naman ako makapaniwala , wala naman kasing problema sakin kung ganun nga si Trina ! Pero hindi ko kasi akalain ! Hindi siya lantad e . Ibig sabihin ba lesbian din si Zen at Meg ? Ang ganda naman nila kapag ganun nga! Tiningan ko si Kin na nakatingin rin sa upuan sa tabi ko, lumapit siya saakin at umupo sa upuan ni Zen. " Hindi ka pa rin makapaniwala ? " nanlulumong tanong niya sa'kin . " Sino ba namang maniniwala? Kapatid ko 'yon ! Hays. Sana kung lagi lang akong nasa bahay edi nababantayan ko pa siya ! Kasalanan ko rin ito e " tinapik ni Kin ang balikat ko . " Hindi naman kasi natin hawak ang puso ng kapatid mo, kung ganun siya ,kahit magbantay sarado ka pa wala ring mangyayari ,siya yun bro , si Trina 'yon. " Sabi niya saakin kaya naman napahilamos nalang ako sa mukha ko. Nanahimik na kami ng dumating ang prof , wala ako sa mood kaya naman nakatitig lang ako sa white board , buti nalang hindi mahilig sa recitation ang prof namin ,kundi nganga ako kapag tinawag ako. Natapos na ang klase pero walang Zen ang pumasok sa room . Pumunta na rin kami ng tambayan ni Kin pero wala rin siya don. Nagkayayaan kami sa padis kaya naman kahit papaano ay nawala ang iniisip ko. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na mag c-cr na muna.

Pagbalik ko ay hinahanap ko ang pwesto namin kanina ,nakita ko naman si Min kasama ang mga kuya niya na sumasayaw na sa dance floor. Pabalik na sana ako sa pwesto namin ng may mahagip ang mata ko. " Zen ? " mahinang usal ko ng makilala siya. Agad naman akong lumapit sakaniya at tiningnan siya ng mabuti ,may dugo ang kamay niya ! " How dare --- " napatigil siya ng makilala ako. Ang itim ng labi niya gawa siguro ng lipstick. Para siyang nakakain ng tinta ! tsss. " why are you here ? " iritang tanong niya saakin. Binawi niya ang kamay niya na hawak ko at nagparaya naman ako. Sinamaan naman niya ako ng tingin. " I'm here , because you're here " sabi ko pa sakaniya ,medyo malakas ang pagkakasabi ko pero sapat na para marinig niya. " Back to your friends " utos niya saakin ,pero tiningnan ko lang siya, broken hearted ba siya? " You mind if I join you ? " tanong ko sakaniya , bago siya magsalita ay nilagok niya muna ang beer na hawak niya ! Literal na napanganga ako sa ginawa niya. Ano yan tubig ? " Leave me alone " sabi niya habang pinupunasan ang labi. " ang sama mo sakin ah " inirapan naman niya ako. " leave me alone " ulit niya saakin pero hindi ko siya pinakinggan. Bahala siya! Kinuha ko ang beer na dapat ay kukunin niya at diretsong ininom iyon ! Peeteeeeee ! Ang pait ! Paglingon ko sakaniya ay ang sama na ng tingin niya saakin kaya naman ngumiti ako. " ang sarap ng beer mo ah " nakangiwing sabi ko pa sakaniya. Kinuha niya ang beer na ininuman ko at ininuman niya rin ito ! Napailing na lang ako sa ginawa niya. Ininuman ko na, Ininuman niya pa ? " bakit ka nandito ? " tanong ko sakaniya . " it's none of your bussiness. " matabang na sagot naman niya. Bakit ba kasi ako nandito ? " I'm sorry " pakiramdam ko ay tumigil sa pagsasayawan ang mga tao at tumigil ang pagtugtog ng mapahawak ako sa kamay niya na ngayon ay nakahawak sa beer niya. Ang balak ko lang talaga ay pigilan siyang uminom ! Agad naman akong napabitaw sakaniya. Tinitigan niya ako. " Ibang klase ka rin nu ? Nagsorry ka muna bago mo hawakan ang kamay ko " napapailing na sabi niya , bigla naman akong napaayos ng upo. " Hindi ko sinasadya " sabi ko sakaniya. Sumeryoso ang mukha ko. "ako na ang humihingi ng sorry para sa ginawa ni Trina " diretsong sabi ko sakaniya. Nilingon ko naman siya. Natigilan siya sa sinabi ko nakataas ang kilay na nakatingin siya saakin. " Bakit ikaw ang nag sosorry? " tanong niya sakin. " at kaanu-ano mo ba siya? " tanong niya pa. Bumuntong hininga ako bago magsalita. " kapatid ko si Trina " parang naging bitter ang mukha niya ngayon. " at nagso-sorry ako dahil , hindi ko man lang nabantayan ang kapatid ko ." natawa siya sa sinabi ko,kumuha ulit siya ng beer at ininom iyon. " huwag kang mag-sorry , hindi mo kasalanan yun " lalong naging seryoso ang mukha ko na nakatingin sakaniya ngayon, kitang kita ko ang scar sa mukha niya , pati na rin ang nakapilang hikaw sa gilid ng tainga niya. Dinaig pa ako ng isang ito .

" Ano mo ba si Meg? " natigilan siya sa planong pagtungga ng beer at humarap saakin. " Bakit gusto mong malaman ? " seryosong balik tanong naman niya saakin. " I just want to know , kasi hindi ka magkakaganyan kung she's just nothing " sabi ko pa sakaniya. Ngumisi siya na kinatayo ng mga balahibo ko . " She's my girlfriend -- oh my ex girlfriend " mapait na tawang sabi niya. So totoo nga na lesbian siya ? " Ilang taon na kayo ?" natawa naman siya sa tanong ko. " ang chismoso mo talaga ano ? Ilang beses na kitang nakitang nakikinig sa usapan ng may usapan then ngayon ? Hahahaha " namangha naman ako sa tawa niya , basta ang astig eh ! " 5 ... 5 years sana ngayong araw na 'to " tiningnan ko naman siya at nahabag ako sa nakita ko , tumutulo ang luha niya habang umiiling , natawa pa siya. Baliw na ! " here " abot ko sakaniya ng panyo pero umiling siya ,nakita ko naman na pinunasan niya ang mukha niya gamit ang jacket niya. " my jacket would be enough " natatawa pa niyang sabi saakin . " Are you okay ? " Ayyy ?! Ang tanga naman ng tanong ko ! Gusto kong sapakin ang sarili ko ! " I'm okay , but ... my heart ? I don't know " buti hindi ako nabara. Nakahinga naman ako dun. Kumuha pa siya ng beer , hindi niya ako binibigyan ! Kinuha ko ang isa at hindi naman siya umangal. " Back to your friends , ayos na ako dito " sabi na naman niya. " marami na sila dun , hindi naman sila maghahanap ng matanda na diba ? " natawa naman kami pareho .Natahimik ako ng bigla siyang sumandal sa upuan at pinakinggan ang tugtog.

[ np : Someday by Nina]

" ang saklap naman , kapatid pa ng karibal ko ang kasama ko sa araw ng anniversary namin. " napapailing na sabi niya kaya naman napababa ako ng tingin. Ako na ang nahihiya sa ginawa ng kapatid ko. " Baka may ginawa ka kaya nagkaganun ? " hindi ko na naman napigilan ang bibig ko ! " Sana nga may ginawa na lang ako , baka sakaling naintindihan ko kung bakit " nanghihinayang na sabi niya, kinuha niya ang chips at kinain iyon . Tinuloy ko na lang ang pag inom sa beer ko , hindi na ako lumingon sakaniya, baka lalong hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong ng magtanong. Pero bakit sabi ni Meg interesado siya sa'kin ? Hindi ko maintindihan.

---

Namalayan ko na lang ang init ng sikat ng araw ng tumama sa mata ko. Hinawakan ko ang sentido ko at minasahe iyon. Napabalikwas ako ng bangon ng naramdaman ko na wala ako sa condo ! Nilinga ko ang kwarto na kinaroroonan ko. Kanino namang kwarto to ? Bago pa pumasok sa utak ko ang iba't ibang katanungan ay may bumukas na ng pinto , bumungad sa'kin ang isang napa cute na bata ! May dala siyang tray na mayroong iba't ibang pagkain , nakaramdam tuloy ako ng gutom. " Hello sweetie " nginitian naman niya ako at natuwa ako ng mamula ang pisngi niya , nahihiyang inilapag niya ang tray sa lamesang naroon at umupo sa paanan ko. " come here " yaya ko sakaniya kaya naman tumayo siya at lumapit saakin. " anong pangalan mo? " tanong ko sakaniya pero biglang nanlaki ang mata niya at tumakbo palabas ! " anong nangyari don ? " pero nakita ko naman na pumasok siya ng kwarto at may hawak siyang pentel at maliit na white board marker. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot ng nagsimula siyang magsulat sa white board , ng matapos siya ay itinaas niya ito para makita ko. " Denden ang pangalan mo ? " pinipilit ko na wag magpakita ng awa sa bata , pero hindi ko mapigilan na malungkot , tumango siya saakin na tuwang tuwa. " Ang ganda naman ng pangalan mo . Hi Denden ako si kuya Julian " nagsimula naman siyang magsulat sa white board ng matapos ay pinakita saakin . " Nice meeting you too Denden " sabi ko pa sakaniya tsaka naman niya tinuro ang pagkain at niyaya niya ako . Tuwang tuwa naman akong kumakain habang nagkukwento siya gamit ang white board. Naagaw ang atensyon namin ng may pumasok sa kwarto. " Den , tara na kumain ka na dun huwag munang saluhan iyan " sabi pa niya ng nakangisi. Zen ? Nakilala ko siya dahil sa scar niya sa mukha ! Maayos ang mukha niya ngayon,walang eyeliner , walang lipstick at litaw na litaw ang puti niya dahil sa suot na pulang long sleeve. " tapos mo na ba akong pagnasahan ? Una na kami sa baba ,sumunod ka nalang kapag naka-get over ka na " natauhan nalang ako ng biglang nagwave si Denden sa mukha ko. Ha ?! Pinagnanasahan ?! Nino ?

Unbelievable !

****
comment , vote and follow :)

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon