Part 5 √

19 3 0
                                        


Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa sakit ng ulo, nagkasayahan kagabi dahil na rin sa successful na paghahanap namin ng vocalist . Saktong sakto si Zen sa criteria namin , may ganda na may boses pa ! Pero sabi ni Min ,siya lang kinakausap ni Zen , madaldal daw ito kapag silang dalawa lang , pero pag nanduon na sila Jin ay puro tango at ngiti lang daw ang ginagawa nito . Kagabi may celebration , dahil na rin sa hindi pa kami kasundo ni Zen kaya naman hindi siya sumama . May susunduin pa raw siya. Kaya ang nangyari, ang celebration namin para sakaniya ,kami nalang ang nagtuloy. Nag-ayos na ako para makababa na at makakain.

Naabutan ko si manang na inihahanda ang pagkain. Nilibot ko ang paningin ko . " ahh manang , nasaan sila mama ? " tumingin muna siya saakin at ngumiti . " pumasok na sila iho " sagot naman niya saakin . Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko na sila naabutan. " nasaan si Trina ,manang ? " nilagyan niya muna ng pagkain ang plato ko bago sumagot. " nasa kwarto pa niya iho ,may kasama siyang babae kagabi , over sleep ata yung ginawa nila? " natawa naman ako ng kumamot ng ulo si manang . " sleep over ho manang " mukha naman siyang natauhan at natawa. " oo nga ayun nga iyon hahahaha " nagkatawanan kami ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Trina. Napatayo ako ng makilala ko kung sino ang kasama niya ! " Meg/Julian ?! " sabay naming sabi . Nagkatinginan naman sila manang at Trina at nagpalitpat lipat ng tingin saamin. " anong ginagawa mo rito ? " sabay pa na tanong naming dalawa . Natawa naman si Trina dahil doon. " magkakilala kayo kuya ? " taka naman siyang tiningnan ni Meg si Trina. " oo ,kablock mate ko siya Trina" sagot naman ni Meg sakaniya . " Oh-kay? Hahahaha napakaliit ng mundo hahahaha " natatawa pang sabi ni Trina . " kumain na kayo at lumalamig na ang pagkain " agad naman kaming umupo at nagsimulang kumain. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, bakit nandito si Meg? Paano sila nagkakilala? Dapat ko ba silang tanungin ngayon? Tiningnan ko si Trina na iiling iling naman ngayon. May nararamdaman ako na iba kay Trina. Oh baka naman paranoid lang ako ?! Ipinilig ko ang ulo ko ." kuya may problema ? " tiningnan ko si Trina tsaka ako umiling. Ngumiti naman siya saakin. Tahimik lang kaming kumakain.

---

Pinanuod ko lang kung paano alalayan ni Trina si Meg. Hinatid na niya ito.Pumasok na ako sa loob ng bahay. " manang ? " nilingon niya ako pero agad ring itinuon ang atensyon sa hugasin. " matagal na po bang pumupunta si Meg dito ? " tanong ko sakaniya . " oo iho , kapag sa condo ka umuuwi ,nandito sila ni Meg " napatiim naman ang bagang ko. " Ano pong ginagawa nila kapag nandito manang? " nagpunas si manang at humarap saakin. " Yung madalas na ginagawa ng mag best friend iho hahaha. ano ba namang mga tanong yan ? Babae palang iyan ha . Pano pa kapag lalaki ang bumisita dito iho ? " natatawang sabi ni manang kaya naman napakamot ako sa ulo. " huwag kang mag-alala dyan sa kapatid mo , malaki na yan " Tumango nalang ako sa sinabi ni manang. Hindi naman ako nag-aalala , natatakot lang ako na baka totoo ang nasa isip ko.

---

" oh bakit late ka ? " sabi ni Kin saakin pagkaupo ko palang. Nandito ako ngayon sa tambayan , nakatanggap kasi ako ng text galing kay Min na may practice sila at panuorin ko kung magugustuhan ko. Kaya naman pumunta na ako. " Hinintay ko pa bumalik si Trina ,may hinatid lang siya." tumango tango naman si Kin sakin. Maya maya lang ay dumating na sila Brayan at Lelouch mga nakangiti na parang nanalo sa lotto. " Bakit? " tanong ko sakanilang dalawa pero nagkibit balikat lang sila " ano nga ? " asar na tanong sakanila ni Kin. Napapailing nalang si Lelouch na nakatingin sa'min. " May shooting kasi sa labas " sabi pa niya. Nagkatinginan naman kami ni Kin at sabay na tumayo , pumunta kami sa may labas ng tambayan. Nakita ko si Zen na galit na nakatingin kay Meg , si Meg naman ay nakahawak sa kamay ni Zen habang umiiyak. " Anong nangyari? " mahinang tanong saakin ni Kin pero hindi ko siya pinansin nakatingin lang ako kay Zen na ngayon ay mukhang galit na galit . Marami ring mga tao sa paligid , halos napapatigil dahil sa sigawan nila ! Hindi ko man marinig ay alam ko na galit na galit si Zen sakaniya. Teka ? Dahil ba kasama ni Meg si Trina? Napasinghap kami ng biglang bitawan ni Meg ang kamay ni Zen at lumakad palayo, nanlaki ang mata ko ng humabol si Zen at niyakap siya sa likod . " Ano bang nangyayari ? " hindi makapaniwalang tanong ni Jin sa tabi ko. Pati ako hindi makapaniwala ! Biglang kumirot ang dibdib ko ng kumalas si Meg sa yakap ni Zen at tumakbo palayo. Hahabol pa sana si Zen pero agad siyang napigilan ng kung sino ! Nakipagtitigan siya sa lalaking nakahawak sa kamay niya, binawi niya ang kamay niya sa lalaki at nagtagumpay naman siya. Nanigas ang katawan namin ng humarap si Zen sa lugar namin ! Agad namang nagsipasukan ang mga loko sa tambayan at naiwan akong nakatulala sa mga mata ni Zen. Napahinga ako ng maluwang ng pumasok na siya ng campus. Nanlulumo akong bumalik sa loob at tiningnan sila ng masama. Hindi naman nila ako pinansin kaya naman binato ko sakanila ang chips na nakakalat. " What the --- Woooooy ! Sayang yan ! " sigaw ni Lelouch sakin ,napapailing naman ako na umupo sa couch.

" Parang nakapanuod ako ng romantic movie kanina " napapailing na sabi ni Van . " Hindi ko nga maintindihan eh, huwag niyong sabihing .... " hindi na maituloy ni Brayan ang sasabihin niya dahil nakatitig ako sa mukha niya, napaayos siya ng upo. " huwag muna kayong magconclude dyan , hindi naman natin alam yung tunay na nangyari" sabi ko sakanila kaya naman nagkatinginan sila . " ang hb mo bro ! " natatawang sabi ni Kin . Umiling nalang ako para hindi na humaba pa . Nagulat nalang kami ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Min. " galit na galit ? " natatawang sabi ni Lelouch pero binato lang siya ni Min ng bag. " Ouch " reklamo naman niya. Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako. " Bakit? " pinag-cross niya ang mga braso at itinaas ang paa sa upuan .Ano na naman bang problema nito? " Anong nangyari ? " Natawa siya kaya nangunot ang noo ko. " Nasaan si Trina ? " Bigla naman akong kinabahan sa tanong niya. " Nasa bahay ,bakit?" tinaas niya ang kilay niya. " sinong kasama ? " nagkibit balikat ako kaya naman tumayo siya ng padabog ! " ano bang problema mo ? " naiiritang tanong ko sakaniya. Nanahimik naman sila Kin ng makita na seryoso na kami. " ang kapatid mo ang problema ko , Julian " seryosong sabi niya sakin kaya naman napatayo na rin ako. " anong ginagawa sa'yo ni Trina ? " pigil ang inis na sabi ko sakaniya. Nagpalakad lakad siya. " muntikan ng umayaw si Zen sa grupo " napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. " so anong kinalaman ng kapatid ko dun ? " galit na tanong ko sakaniya . Sinisisi niya ang kapatid ko ?! " Huminahon nga kayo ! Ano ba Min ? Bakit naman ganyan ang galit mo ? Eh si Trina naman pala ang may kasalanan ! " isa pa itong si Lelouch eh. Nasapo ko ang noo ko , ang sarap manapak. Sinamaan ko sila ng tingin. " Hindi kasi sinabi sa'tin ni Julian na lesbian ang kapatid niya ! "

" Haaaaa?! " sabay na sabay na tanong namin kay Min. " What the ?--- Ano ? " hindi makapaniwalang tanong ko pa sakaniya ,tiningnan naman niya ako na parang nagulat rin. " You mean ... hindi mo alam ? " hindi ring makapaniwalang tanong saakin ni Min. " Baka naman nakikinig ka lang ng mga kwentuhan sa labas Min ! Kung ano ano ang --- " pinigil niya si Kin " Hindi ako maniniwala kung hindi ko nakita ! My god ! " halatang nawawalan na ng pasensya si Min kaya naman tiningnan ko lang siya. Hindi ako makapaniwala . " anong nakita mo ? " tanong naman ni Brayan.Tumingin muna saakin si Min at bumuntong hininga bago nagsalita. " Nakita ko si Trina at Meg kaninang umaga, nung una hindi ko sila pinansin kasi akala ko kung sino lang , pero nung makita ko yung damit na suot ni Trina alam ko na siya nga yon , kasi regalo ko yun sakaniya eh " Tumigil siya kaya naman napalingon kami sakaniya. " Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin ito hays . " nagpalakad lakad siya na para bang hirap na hirap. " si Trina at Meg , nag kiss sila ! " napatayo ako sa sinabi niya. No way ! " Are you sure ? " tanong ko pa sakaniya at tumango naman siya sakin. "Hindi lang kasi basta friendly kiss eh , hays. Ang masaklap kasi , nakita sila ni Zen ,kaya ayun " No way !

No way !!!

*****
comment , vote and follow :)

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon