Part 31 √

18 1 0
                                    

Dedicated to : LieannXD4

Zen

" Are you ready? " tanong ni Chris sakin kaya naman tumango ako . Inalalayan ko si Denden na makapasok sa kotse at pinasok ko na rin ang mga gamit na kakailanganin namin sa pag-alis . Pinasadahan ko muna ng tingin ang bahay , dito sa bahay na to naganap ang lahat . Una , ang paghalik ko kay Julian na nauwi sa pagmamahal , ang corny pero totoo .Pangalawa ang unang pag ngiti ni Denden kapag nandyan si Julian . Pangatlo , ang second kiss . Napahinga ako ng malalim , siguro nga ... Hindi kami ni Julian para sa isa't isa . Dumaan lang ako sa buhay niya para guluhin ang buhay niya. Kaya kailangan ko ng umalis. " Hindi mo na ba babalikan si Robert ? " tanong ni Chris mula sa likod ko. Tumungo ako. " Hindi na. Lalo ko lang masisira ang buhay ni Julian kapag ginulo ko pa ang pamilya nila" Naglakad siya papunta sa harap ko at tiningnan ako. " Zen , masisira at masisira ang buhay niya kapag hindi mo pinaalam sakaniya ang kahayupan ng tito niya ! " madiing sabi niya sakin . " tingin mo ba paniniwalaan niya ako? sa buhay ngayon ni Julian at Trina masasabi ko na , naging maayos si Robert sa pagpapalaki sakanila ,lahat ng luho meron sila , lahat ng wala ako meron sila. Tama na yung isang beses ko siyang nasaktan , tama na yun Chris. Katulad ng plano natin " Napabuntong hininga naman siya. " Hindi ko na ba mababago ang isip mo? "

" hindi na . Umalis nalang tayo Chris . Umalis nalang tayo ng walang inaagrabyado " ngumiti siya sakin at nagpatango tango pa. " wala ka bang galit kay Trina ? I mean ...dahil kay Meg " umiling ako . " ngayong alam ko na may nararamdaman ako para kay Julian ,laking pasasalamat ko kay Trina kasi siya ang pinili ni Meg. Kung nagkataon na ako ang pinili niya at mahal ko na si Julian ,malaking gulo yon " natatawa kong sagot sakaniya . " sabagay ,mas maganda na nga yon .. pero hindi ka ba aamin kay Julian bago ka man lang umalis? " napamaang ako sa sinabi niya . Nginitian ko siya bago sumagot. " ito nalang ang meron ako , ang itreasure ang pagmamahal ko sakaniya , malaman man niya o hindi isa lang naman ang point don ... niloko ko siya " mapait ang ngiting naipakita ko sakaniya kaya naman hinawakan niya ang dalawang braso ko. " Zen , lahat ng problema mo ... iwan mo na dito ,wag mo ng isama si Singapore ah " tumango naman ako sakaniya . " By the way nasan si Denden ? " Tiningnan ko ang pwesto ni Denden kanina pero wala siya . Sabay kaming napatingin ni Chris sa isa't isa . Tumakbo ako papasok ng bahay para tingnan siya. Nakita ko naman na may dinadial si Chris kaya naman tumuloy na ako sa bahay para matingnan si Denden . " Den ! " sigaw ko ,nagbabakasakali na lumabas siya. " Denden ! Nasaan ka ?! " sigaw ko pa pero walang Denden na lumalabas. Nasapo ko ang noo ko , hindi kailangang magpanic ngayon . Nandito lang si Denden . " Zen ! Wala si Denden sa labas , tinawagan ko ang guard ng subdivision pero wala daw silang napansin na batang lumabas " hinilot ko ang sentido ko at nagpalakad lakad. " Hindi ugali ni Denden ang umalis ng walang paalam Chris ! " singhal ko sakaniya. " alam ko , pero kung sakaling ganun nga ang ginawa niya ,may alam ka ba na pwede niyang puntahan? " umiling ako . Kung kila Julian siya pupunta , pano naman niya nalaman ang bahay nito? Napaupo ako . " Zen , tatawag na ako ng pulis ,kailangang maireport na agad natin ito " tumango ako sakaniya . Naramdaman ko na nagvibrate ang phone ko kaya mabilis ko itong kinuha at tiningnan ko sino ang tumawag . Napansin ni Chris na hindi ko sinasagot kaya napatingin siya sakin . " sino yan? " tanong niya . " unregistered number " sagot ko naman na ikinanuot ng noo niya. Inaasahan ko na si Julian to , pero hindi . " Hello ZENISE " pagkarinig ko ng boses niya ay agad akong nakaramdam ng kaba. Hindi pwede ! " sino to ? " hindi ako nagpapakita ng panic . Nilapitan ako ni Chris . " nakalimutan mo na agad ako? Hahahahahaha ! Kamusta naman ang burol ng pakelamero mong kaibigan? Haaa ? " Napatayo ako ng marinig ko 'yon . " Ikaw ang may gawa kay Brix non ?! " nakarinig lang ako ng tawa sa kabilang linya . Gusto kong maiyak . Gusto kong manghina ngayon pero hindi pwede. Tumingin ako kay Chris na ngayon ay nakatiim na ang bagang. " Oo nga pala ... salamat dahil nasira mo na ang buhay ng anak anakan ko ! Medyo nakakairita na kasi siya e " parang baliw na sabi niya . Hindi ko na napigilan ang luha ko. " akala ko nagbago ka na ! Demonyo ka pa rin talaga ! " sabi ko sakaniya pero natawa lang siya . " hindi ka pa rin talaga nagbabago Zenise . tss tss tss . Ang tanga tanga mo pa rin " pinunasan ko ang luha ko . " Ibalik mo sakin si Denden ! " sigaw ko sakaniya pero tumawa lang siya . " Not so fast , Zenise ! Bakit ba kasi sumusulpot pa kayo sa buhay ko ngayon e ! Ngayon tuloy nagsasayang ako ng oras para sirain ang buhay niyo " napakahigpit na ng hawak ko sa phone . Gusto niyang makipaglaro.

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon