Epilogue √

13 1 0
                                    


Zen

Inaasahan ko na magagalit si Julian kapag nagpaalam pa ako sa kaniya. Kaya naman hindi na ako nagsabi , nandito na kami sa airport nila Chris at Denden . Dalawang araw bago ako nakalabas sa ospital ay hindi na kami nagkita ni Julian , siguro maganda na rin yon para hindi na kami mag-iyakan pa. Napahinga ako ng malalim . " Ready? " napalingon ako kay Chris na ngayon ay nakatayo na at hawak ang mga maleta . Tumango na ako sakaniya at hinawakan ang kamay ni Denden . Ngumiti siya sakin pero hindi umabot sa mga mata niya . Alam ko na nalulungkot siya dahil hindi niya nakita ang kuya niya. Nginitian ko siya. Hinila ko na ang ibang maleta at ganun din si Denden at Chris . Sorry Julian ,mas makakatulong sating dalawa to . Isipin mo na ... para patunay to sa mga nararamdaman natin . Napangiti ako ng mapait . Hindi ko yata kaya na makita na may kasama siyang iba . Nanikip ang dibdib ko ,napalingon sila Denden at Chris sakin dahil napatigil ako. " Zen , may problema ba ? " ngumiti ako at umiling sakaniya . Naglakad na kami papasok sa eroplano . Naramdaman ko nalang na pumapatak na ang luha ko kaya naman mabilis ko itong pinahid .

---

Julian

" Bakit di niyo man lang sinabi sakin ?! " sigaw ko kila Trina at Meg ng malaman ko na umalis na sina Zen at Denden . Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko . " Kuya , gusto ko talagang sabihin pero ayaw ni Zen " malungkot na sabi ni Trina kaya naman napatiim bagang ako " Ilang beses mo na tong ginawa sakin Trina ! Bakit ganyan ka?! " hinawakan niya ako sa braso pero mabilis ko itong tinanggal ,napatungo naman silang dalawa " Saan sila pupunta ? " iniwas nila ang mga mata sakin ,mukhang wala silang balak na sabihin sakin . " Kuya .. hayaan mo na muna si Zen . Patunayan mo sakaniya na kahit anong mangyari , siya pa rin ang mahal mo " napatingin ako kay Trina . Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi niya . Sa pinapakita ko , daig ko pa ang hindi makapaghintay . " Ang tanging magagawa nalang natin ngayon ay , mag-aral at magtapos ng pag-aaral " si Meg na ngayon ay nakahawak sa kamay ni Trina . " Hanggang kailan? " nanghihinang tanong ko . " Hanggang sa maging maayos na siya " silang Dalawa . Napahinga ako ng malalim .

Hihintayin kita Zen .

---

5 years later ...

" Bro ! " si Kin na malaki ang ngiti sakin . Binati ko naman siya pati sila Min at buong banda . Reunion ngayon ng Batch 2015-2016 Colleges kaya naman required kaming pumunta . Lahat kami ay may mga trabaho na ,masasabi na maganda na rin ang buhay namin ngayon. " Lalo kang gumwapo Bro ! Takte ! " si Kin na halatang nagtatampo kaya naman natawa kaming lahat sakaniya . " Lalo ka namang nagmukhang trabahador " asar ko sakaniya kaya lalong lumukot ang mukha niya " Biro lang ito naman " inirapan niya ako kaya natawa ako. " Kamusta naman ang pagpapatakbo ng business Julian ? " si Min na ngayon ay dala ang kaniyang baby kay Lelouch . Oo , nagkaaminan sila bago kami grumaduate ng 4th year . Kung hindi pa nga nanakot si Lelouch na mag-aabroad hindi pa aamin si Min . Natawa ako ng maaalala ko iyon . After 3 years nagpakasal sila at ngayon may 2 years old baby girl na sila . " Ayon , medyo nakaka-stress pero kaya naman " ngumiti naman sila " Ikaw pa ? Eh cum laude ka kaya ! Lakas mo tol ! " si Brayan na tatawa tawa pa . " Hahaha . Lahat naman tayo may kakayahan e . Pero mabilis lang talaga si Lelouch ! Hanep ! " sumama naman ang mukha ni Lelouch dahil sa sinabi ni Jin . " buti nalang hindi niya kamukha si Sese " napapailing na gatong pa ni Kin . Inismiran naman sila nito . " Syempre mas wild ang mommy namin ni Sese nung mga time na ginagawa namin siya eh haahahahahaha - Aray ! Love naman ! " reklamo ni Lelouch ng hampasin siya ni Min ng bag ,natawa naman kami .

" Ang sadista talaga nito " nakangusong sabi pa niya kay Min . " Ako lang ba ang wild ? Tss . kung alam lang nila " nakangising sabi naman ni Min kaya napamaang ito sakaniya . " Love naman ! " namumulang suway niya sa asawa kaya nagtawanan kami . Love . Lihim akong napangiti, yun yung tawag ko kay Zen nun . Bigla akong nakaramdam ng panlulumo . Babalik pa kaya siya ? Kamusta na kaya siya ? May boyfriend ba siya ? O baka nagkagirlfriend ulit siya ? Tss . " Ayos ka lang Bro ? " si Jin . Tumango naman ako sakanila . Nagkainan na kaya naman natahimik na kaming lahat . Pagka-graduate namin ay hindi kami nahirapang maghanap ng trabaho dahil na rin sa business man and woman ang mga magulang namin ay duon na nila kami pinapasok . Pero dahil Education kami ni Kin ay naiba ang linya namin . Professor na kami sa dati naming school . Tertiary ang level ng tinuturuan namin ,pagkatapos ng sched ko sa college ay pumupunta naman ako sa office para tulungan si Trina at Meg . Si Trina ang manager ng Wedding department at si Meg naman ay mas pinili na maging wedding coordinator . Speaking of Wedding , natuloy ang wedding ni Layca at Nico ,1 month after ng pag-alis ni Zen . Naramdaman ko na nalungkot si Layca pero hindi na daw dapat ipostpone pa ang kasal . Alam din namin na ayaw namang mangyari ni Zen yon . Si Mama ang C.E.O ng Hotel Company namin . Namatay si Tito Rob 1 year after niyang makulong , na-cardiac arrest siya . Nakita ko naman na sising sisi na siya sa mga nagawa niya kaya hindi na rin ako nagtanim ng galit sakaniya . Natapos ang party sa isang awiting naging bahagi na ng buhay ko .

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon