Part 12√

7 2 0
                                    


Napakamot ako sa ulo , dahil ngayon ko lang na realize na parang ang bading ng mga nasabi ko kay Zen ! " move on na bro ! " natatawang sabi naman sakin ni Kin ,sinamaan ko lang siya ng tingin. Napapailing naman siyang naglakad papunta sa pwesto nila Zen . Tumayo ako dahil mukhang ako nalang ang inaantay nila. Nakita kong nakatitig si Zen sa mukha ni Min ,kaya naman napatingin rin sakaniya si Min dahilan para magngitian sila. Napaiwas naman ako ng tingin ng tumingin sakin si Min ,inabala ko nalang ang sarili ko sa pakikinig kay Brayan . Pinag-uusapan namin ngayon ang mga iba pang kanta na gagawan nila ng cover ,may balak pa silang mag-upload sa youtube para sumikat ang grupo , pero hindi sumang ayon si Zen , hindi ko alam pero ayaw niya talaga. Kaya naman wala ng nagawa sila Kin. Natapos na ang meeting kaya naman ipinahinga na namin ang mga sarili. Tahimik lang si Zen na nanunuod sa mga kasama namin, pero napapadalas na ang pagsulyap niya kay Min. Hindi kaya gusto niya si Min? Bigla naman akong nakaramdam ng panlulumo sa isipin na iyon. Tumayo si Min kaya naman napatingin kaming lahat sakaniya " bibili lang ako ng makakakain, sama ka sakin Zen " nakangiting yaya niya kay Zen ,agad naman itong tumango at sumama kay Min . Ng makalabas sila ay agad akong napahiga sa sofa. Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang braso ko. " Mukhang may naaamoy ako na love triangle. " natatawang sabi ni Brayan sa mga kausap. " Ha ? Anong amoy ? " gatong pa ni Lelouch. " Malay ko , dapat amuyin niyo rin para alam niyo hahahaha " sabi pa Brayan . Natatawa nalang si Kin sakanilang dalawa . Natahimik sila ng bumangon ako ,nagkatinginan naman sila at napatingin sakin. " Uuwi na ako " sabi ko sakanila , hindi ko na inantay ang mga sagot nila at lumabas na ako . Narinig ko naman sila na parang nagsisisihan. Bago pa ako makasakay sa motor ko ay nakita ko si Zen , nasa gilid siya ng kotse niya at nagsindi ng sigarilyo. Ang dami niyang bisyo . tsss. Napaayos ako ng tago ng may lumapit sakaniya na lalaki , pilit kong inaaninag ang mukha ng lalaki at naaalala ko na kung saan ko siya nakita , siya yung pumigil kay Zen na habulin si Meg. Bakit kaya sila magkasama? " Tigilan mo na si Meg " ma-autoridad na sabi sakaniya ng lalaki .Lalo akong nahila ng curiosity ! " Zen ,listen ! hindi ka na dapat maghabol pa sa kaniya , namili na siya at si Chantine yon ! " Kilala niya ang buong pangalan ng kapatid ko?! " masama bang umasa na babalikan niya pa ako ? " Napapikit ako sa sinabi ni Zen ,nanlumo ako ng marinig ko siyang humikbi. May dapat ba akong gawin para hindi na siya masaktan? Nahilamos ko ang sariling kamay sa mukha ko. " Itigil mo na yan , Zen. It's over " nakita kong tinalikuran siya ng kausap niya , naupo nalang si Zen sa kahoy sa gilid ng pwesto niya. I'm so sorry Zen. Hindi na ako nagtagal sa lugar na iyon.

Dumiretso ako sa condo at dito na muna magpapalipas ng sama ng loob ,pagmamahal nga ba ang nararamdaman ni Meg kay Trina? Ibang klase talaga. Inihiga ko ang sarili ko sa sofa at duon na nag-isip. Naninikip ang dibdib ko dahil sa sitwasyon, walang masama kung ganun si Trina ,pero yung manloko sila? Ibang usapan na yun eh. Hindi katanggap tanggap. Natauhan ako ng biglang nag-vibrate ang phone ko. Sinagot ko ito ng makilala ko ang tumatawag . " Hello Ma " bati ko sakaniya. [ Miss you nak ,kasama mo ba si Trina ngayon? ] Masiglang tanong niya sakin ,napapikit naman ako . "Nasa condo ako ,Ma . " sagot ko nalang sakaniya at hindi ko naiwasan ang mapabuntong hininga. [ Mukhang may problema ang baby boy ko , spill it out ] natawa naman ako . " ma naman , ako pa ba ang baby? " sagot ko sakaniya. [tss. Lumaki kalang ng gwapo at matangkad ayaw mo ng magpatawag ng baby ? Parang dati lang ayaw mong tawagin kong baby si Trina kasi ikaw lang ang baby ! ] " ma naman ! " natawa naman kami pareho. [By the way, uuwi kami dyan next week ng tito mo ah, make sure na kumpleto tayo sa bahay , at gusto kong makilala ang girlfriend mo ! Hindi ka na nagsasabi sakin. ] nangunot naman ang noo ko ,nahihimigan ko ang pagtatampo sa boses ni mama ." ma , wala ho akong girlfriend " [ nako baby boy! Si Trina na mismo ang nagsabi sakin! Nakakatampo ka ,kung hindi ko pa siya kinulit hindi niya sasabihin sakin] sabi pa niya , umayos ako ng upo . " ma , wala ho talaga akong girlfriend . " [ baby boy wag ka nga magtago sakin ! Gusto kong makilala si Meg ! ] " Meg ?! " [ yes si meg ! Kaya dalhin mo siya sa pag-uwi namin dyan haaa ! love you nak .] at pinatay na niya ang tawag. Matiim kong tinitigan ang phone ko. You can't do this to me Trina ! Ako ang pinapahamak mo ! Binato ko ang phone ko at pumasok ako sa banyo at naligo.

--

" Gabing gabi na ang uwi mo iho ah , nagkayayaan ? " tanong ni manang sakin . " oho manang , dito na ho ako dumiretso gusto ko rin pong makausap si Trina " tumango naman siya , nilapag ko sa sofa ang gamit ko at dumiretso sa kwarto ni Trina , pero bago ako makakatok ay narinig ko silang nag-uusap . " Hon , natatakot ako " si Meg iyon . " Bakit ? " narinig ko naman na humikbi si Meg. " sssh , Hon don't cry , kay kuya ka ba natatakot ? O sa parents ko ? " tanong pa ni Trina , hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. " Pareho Hon , hindi ko kaya kapag hindi nila ako natanggap , Natatakot ako na baka hindi mo ako kayang saluhin " pigil ang hikbing ginagawa ni Meg . " Hon , hindi ako mangangako ,pero gagawin ko lahat para maging maayos tayo sakanila ah , mahal na mahal kita Meg , sobra " Hindi ko na kaya pa silang pakinggan , narinig ko na lang ang tunog ng isang halik kaya naman dumiretso na ako sa kwarto ko. Natatakot siya na hindi siya ipaglaban ni Trina samin. Pero hindi siya natakot na niloko niya ang 5 years girlfriend niya. Napabuga ako ng hangin. Hindi pwede na si Meg ang makilala nila mama na girlfriend ko ,hindi ko sila kukunsintihin sa mga kalokohan nila , tanggap ko na ang kalagayan nila ,pero ang lokohin sila mama , hinding hindi ako papayag.

--

Nagising ako ng may kumatok sa kwarto ko , bumaba ako sa higaan at binuksan iyon . " Kuya " si Trina na parang hindi nakatulog. " Bakit? " pinaglaruan niya ang mga daliri at hindi makatingin sakin ng diretso. " uuwi na sila mama next week . " sabi pa niya sakin. " alam ko " napatingin siya sakin, mukhang hindi niya inaasahan na alam ko na. " alam mo kuya ? " napangisi naman ako . " alam ko na uuwi sila mama at tito dito , at alam ko rin na ... sinabi mo kay mama na girlfriend ko si Meg . Ano bang iniisip mo ?! " singhal ko sakaniya . Nakita ko naman na tumakbo sa pwesto ni Trina sa Meg . " k-kuya gusto ko lang sanang makasama si Meg sa family gatherings natin pero --- "

" pero ano ? tss . Alam mo Trina ang dami ko ng kasalanan kila mama ! Ang pangungunsinti ko sainyong dalawa at ang pagpapabaya sayo ! Please lang wag mo ng dagdagan ! " nawawalan ng pasensyang sabi ko sakanila . Nakita ko naman na tumulo ang luha ni Meg. " pwede mo siyang isama next week. Pero ipapakilala mo siya bilang girlfriend mo ! At hindi bilang girlfriend ko ! " tiningnan niya ako at tiningnan si Meg sa tabi niya. " gusto ko lang naman na humingi ng tulong sayo kuya . " sabi Trina sa pagitan ng mga hikbi. " Trina , hindi pa ba tulong ang ginagawa ko sainyo ngayon? " mukha naman siyang natauhan kaya napatungo siya . " tama na ang panloloko Trina , Meg . Please lang ,sana si Zen na ang huling taong niloko niyo. excuse me " at isinarado ko na ang pintuan .Napapailing nalang ako dahil sa panlulumong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ng isang kuya sa kapatid niya. Wala akong tiwala kay Meg, pero mahal siya ni Trina ,nababasa ko ang mga mata niya. Hanep ka kupido ! Bakit sa babae mo pa pinana ang kapatid ko? Napahilamos nalang ako ng mukha.

Love can experience in a different ways.

****
comment , vote and follow :)

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon