Part 14√

5 2 0
                                    


Zen

Nagising ako dahil sa kalam ng sikmura , minulat ko ang mata ko at napatitig sa kisame. Hinilot ko ang sentido ko dahil sa sobrang sakit nito. Napabangon ako ng biglang may naalala ako ! Tiningnan ko ang kwartong gamit ko , napahinga ako ng maluwang ng makita ko na kwarto ko ito. Nanlaki ang mata ko ng may maalala ako ! Napahawak ako sa labi ko. At napapikit ng madiin . " sheeeeeeet !!! Ano bang ginawa mo Zen ?! " sigaw ko sa sarili ko. " Ano bang kalokohan ang naisip mo at ginawa mo iyon?! " Napahilamos pa ako sa mukha ng maalala ko na naman ang paghalik ko kay Julian. " ugh ! " singhal ko pa. Ano pang mukha ang ipapakita ko kay Julian nito? Tsss ! Hindi naman siya ang first kiss ko pero nakaramdam ako ng kakaiba ng sumagot siya sa halik ko. Tapos nagising na lang ako na wala siya dito sa kwarto. Humarap ako sa salamin at sinamaan ng tingin ang sarili " Hinding hindi ka na iinom Zen ! Tandaan mo ! " sabi ko habang dinuduro ang sarili ko sa harap ng salamin. Nababaliw ka na Zen ! Nagitla ako ng biglang may kumatok sa pinto ,bigla naman akong kinabahan. Kung si Denden yan , hindi na siya mag-aabala pang kumatok. Kung si Julian naman yan ... Katapusan ko na ! O baka naman si Manong ? Pero hindi niya ugaling pumasok dito sa bahay. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng medyo lumakas ang katok. Naglakad ako palapit sa pinto at nakiramdam. Napaupo ako sa sobrang gulat ng kumatok na naman siya at sobrang lakas pa ! " Ano ba Zen ?! Wala ka bang balak na magising ?! " Napatayo ako dahil sa boses na narinig ko. " Ninya? " takang tanong ko pa. " Oo ! Ako nga ! Dalian mo at bumaba ka na ! " at padabog siyang naglakad palayo sa pinto. Napahinga naman ako ng maayos ng si Ninya pala ang kumakatok. Kaya naman naligo na ako at nag-ayos.

Hindi na ako nag effort pa masyado dahil hindi naman iba sakin ang mga bisita ko , si Ninya bisexual siya , si ayrah girlfriend niya 4 years na . Si Khey naman siya ang pinakamoody samin. Kapag masaya siya ng umaga , sa tanghali badtrip na tapos sa gabi , beastmode na. Parang Rodhora X kasi nagpapalit palit siya ng katauhan. Si Rhy naman les din siya katulad ko may girlfriend siya si Lieann 2 years na sila. Si Pau naman , hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niya , kasi may boyfriend siya ,pero mas gusto niya na kami ang kasama palagi kaysa sa boyfriend niya. Si Sarah naman Bi din siya katulad nila Ninya , nagkakagusto siya sa lalaki at babae ,siya rin ang pinakasalawahan. Oo , salawahan talaga. Nakarinig ako ng mga hiyawan at tawanan bago ako makababa ng hagdan ,kaya naman minadali ko na ang sarili ko para makita ko sila , nakita ko si Denden na nagsusulat at pinapakita niya sa mga kasama niya kung ano ang isinulat niya ,tuwang tuwa naman silang lahat. Napangiti nalang ako dahil nakatawa ng malaki ang kapatid ko. Matagal na rin ng makalipat kami dito sa bahay , pero parang sariwa pa rin ang nangyari dati. " Dyan ka na lang ba , Zen ?! " natauhan ako ng biglang sumigaw si Pau kaya naman napatango ako at bigla silang tumawa . " Bakit ?! " singhal ko sakanila habang pababa ako. " oh akala ko ba dyan ka lang ? " natatawa pang tanong ni Pau sakin. " Ha ? " hindi ko naman kasi naintindihan sinabi niya pero natawa lang sila sa reaksyon ko . Nakita ko si Ninga na umiiling iling pa . " Bakit ba ?! " sigaw ko sakanila . " malala ka na Zen " naiiling pa na sabi ni Lieann sakin.Nangunot naman ang noo ko at umismid sakanila . Nilinga ko ang mga kasama ko at nangunot ang noo ko. " nasaan si Sarah ? " inginuso naman ni Rhy ang direksyon ni Sarah . " I'm here , good morning Zen ! " napalingon naman ako sa direksyon ni Sarah at nakita ko siya na may hawak na tray palabas ng kusina , napatayo ako ng makilala kung sino ang nasa likuran niya ,naka apron ito at may hawak pa na kaldero at pitchel. " Bakit nandito ka?! " tanong ko pa sakaniya . Nagpalipat lipat naman ang tingin ni sarah samin ni Julian. Ano bang ginagawa ng lalaking ito ?!

Julian

Nagdesisyon ako na bumalik sa bahay nila Zen para naman asikasuhin siya , hindi ko rin alam kung bakit ko ba ito ginagawa . Basta gusto ko lang ,wala namang masama eh. Pinark ko ang motor ko katabi ng mga kotse sa tapat ng gate nila Zen. Tiningnan ko pa ang mga kotse na iyon ,mukhang mamahalin. May ganyan din ako sa bahay ,kaso mas ligtas ako pag nakamotor .Madali pating makasingit pag traffic. Bumaba na ako sa motor at binati ako ni Mang Ben kaya naman binati ko rin siya ,nasabi niya saakin na may mga bisita si Zen kaya parang nag dadalawang isip ako. Magpapaalam na sana ako kay Mang ben ng ... " Heyyy ! " napalingon ako sa sumigaw at nakita ko ang isang magandang babae ,lumakad siya palapit sakin at kumaway kaya naman napatango ako. " Kaibigan ka ni Zen ? " nakangiting tanong niya sakin kaya naman napatango ako . Nalipat ang atensyon ko sa poodle na nasa likod niya . " ooh Baby ! There you are " lumuhod pa siya para kunin ito at kargahin . At humarap siya sakin. " Tara pasok na tayo ? " napatingin naman ako sakaniya . Papasok ba ako? " Tara ? " yaya niya ulit kaya naman napatango na ako. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mag-isip . Sino ang babaeng 'to ? Girlfriend ni Zen ? May kung anong sumakit sa loob ko. Napahinga naman ako. Pagpasok namin sa loob ng bahay nila Zen ay agad akong pinuntahan ni Denden at niyakap . " Hello Sweetie , kamusta ? " tanong ko naman sakaniya ,kaya naman nagsulat siya at pinakita ito sakin ,napangiti ako sakaniya . " Mabuti naman kung ganun , ayos lang si kuya Julian . " at niyakap niya ulit ako. " So ... Julian pala ang pangalan mo ? " Napabitaw si Denden sa pagkakayakap sakin ,napaangat naman ako ng tingin sa nagsalita. Muntikan na akong ma out of balance ng makita ko na nakatingin silang lahat sakin ! Napataas ang kilay nang isa at tumayo . " Anong ginagawa mo dito ? " tanong niya sakin at nakahalukipkip pa. Pero naagaw ni Denden ang atensyon niya ng nagsulat ito,nanlaki ang mata ko sa sinulat ni Denden . "boyfriend siya ni ate "

" Kailan pa ? Hahahaha ! Langya yun si Zen ah . " natatawang sabi ng pinakamaikling buhok . Siguro siya ang pinaka Les kasi nakadamit panlalaki siya. " Hi ! Ako si Sarah ! " tuwang pakilala ni Sarah , siya yung nagyaya saking pumasok dito ,nakipag shake hands naman ako sakaniya ,tumayo din ang mga kasama niya at inilahad ang mga kamay sakin. " Rhy " sabi niya na mukhang kinikilala pa ang mukha ko kaya naman napatango ako. " Lieann " siya yung panlalaki ang kilos maging ang pananamit. " Pau " may salamin siya sa mata ,mukha rin siyang kagalang galang . " Khey " ang blangko ng ekspresyon niya at medyo maangas . " Ayrah at si Ninya , girlfriend ko " turo niya sa katabi . Napatango nalang ako sa kanila . " Julian " pakilala ko at nakipag shake hands sakanila. Bumalik na naman sila sa pwesto nila . " Sarah ! " nagulat si Sarah at napatingin dun sa Khey. " umayos ka nga ! Halatang halata yang kalandian mo " napatingin naman ako kay Sarah ,nakanguso siya at mukhang nahihiya. Magaganda sila , pero may kaniya kaniyang angas . Hindi ko alam na hindi lang pala si Zen ang les dito. " ayos ka lang ba dito ? Gusto mo tulungan mo akong magluto ? Tulog pa naman si Zen eh " yaya naman sakin ni Sarah kaya naman tumango ako ,tiningnan ko si Denden at nilapitan siya. " Sweetie , sa kusina lang ako ah , kapag nandyan na si Ate Zen mo puntahan mo ako ah " tumango naman siya kaya kiniss ko siya sa noo . " Ayyy ! Ako wala ? "

" sarah ! " sigaw ulit ni Khey kaya naman nagtawanan ang mga kasama niya . " ang KJ mo ! " sigaw niya kay Khey at nagdadabog na pumunta ng kusina , sinundan ko naman siya . Narinig ko na lang ang mga tawanan nila sa labas . Tiningnan ko ang kabuuan ng kusina , ang ganda . Mukhang hindi nadadapuan ng alikabok ang bawat gamit dito . " kailan pa kayo magkakilala ni Zen ? " tiningnan ko siya na ngayon ay naghahanda na ng mga ingredients " Here " abot niya sakin ng pink na apron ,kaya naman sinuot ko ito . " Bagay sayo ang pink hahahaha" hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya kaya naman nginitian ko nalang siya. " Grabe ! Ang gwapo mo ! " kinikilig na sabi pa niya . Napakamot ako sa ulo . " alam mo ba si Zen , malupit yan lalo na sa chix hahahahah . kaya nagulat talaga ako nung sinabi ni Denden na boyfriend ka ng ate niya . " natatawa pa niyang sabi sakin habang binubuksan ang mantika . " aah. kasi ... " natigil ako ng biglang tumawa ng malakas ang mga kaibigan ni Sarah . " masanay ka na sa mga kaibigan ko , nahihiya pa yan kaya ganyan palang ang tawa nila ,pero asahan mo kapag kumportable na sila sayo ,panigurado maaamoy mo na rin ang utot nila hahahahaha " napangiwi naman ako sa sinabi niya. " kailan lang kayo nagkakilala ni Zen ? " tanong pa niya sakin. " pabuksan naman yang harina ,salamat " sinunod ko naman ang sinabi niya bago ako sumagot . " kablock mate ko siya . " mukhang hindi naman siya makapaniwala. " ang gwapo ng boses mo hahahahahaha ! " napapailing na lang ako. " Vocalist din siya ng banda namin kaya doon nagkakasama kami . " mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko ,nanlalaki ang mga mata niya na nakatingin sakin kaya naman napaatras ako. " Vocalist ? Diba pag vocalist ,lead singer yon ? " taka naman akong napatango sakaniya . " O em gii . " nilagay niya ang dalawang kamay sa bibig niya . Ano bang problema ng isang ito ? Bigla niyang binaba ang kamay at ngumiti sakin . " Hahahaha wala lang ! " at tinuloy na ang ginagawa. Napangiwi naman ako dahil sa isang ito . " matagal na rin kasi yung huling narinig namin ang boses ni Zen eh, ang ganda talaga ng boses niyan , although magaganda rin ang boses namin pero wala kaming kakayahan na magpanganga ng mga tao , siya kasi kaya niyang patigilin ang mundo hahahaha " naalala ko nung unang narinig ko ang boses ni Zen , parang anghel .Napangiti na lang ako " mukhang ang lakas ng tama mo sa kaibigan ko ah " napatingin naman ako sakaniya. Nakita ko na lang na umiiling iling pa siya. " pwede ba akong humingi ng favor sa'yo ? " naging seryoso ang mukha niya kaya naman nakinig na lang ako . " alagaan mo si Zen ah , wala akong tiwala sa Meg na 'yon , hindi na ako nagtaka na nagawa niyang lokohin si Zen, kawawa ang kaibigan ko ,mahal na mahal niya si Meg , pero hindi man lang niya pinahalagahan. " kitang kita ko ang hinanakit sa mukha niya,bigla akong nakonsensya. Yung kapatid ko ang may dahilan, pero kung nagawa niyang lokohin si Zen , si Trina pa kaya ? " ayos lang ba ang favor ko ? Magagawa mo ba ? " sabi pa niya sakin kaya napatango ako " sisikapin ko " at ngumiti naman siya. " Nasaan si Sarah ? " nagkatinginan kami ni Sarah at nginitian naman niya ako. Napailing na lang ako. Natapos na namin ang niluto at lumabas na si Sarah . " I'm here ! good morning Zen ! " bati pa niya kay Zen kaya naman sumunod na ako at nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni Zen ng makita ako sa likuran ni Sarah " Bakit nandito ka ?! " gulat na gulat na tanong niya sakin. " good morning Love ! " Bati ko sakaniya at napanganga siya. " Love ?! " sabay sabay pa nilang tanong sakin. Kaya naman natawa ako.

Love tss tss ..

"***
comment , vote and follow :)

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon