Part 3 √

14 3 0
                                    


Buong klase ay tahimik lang ang katabi ko , paminsan minsan ay nagtataas siya ng kamay para sagutin ang mga tanong ng Prof , magaling rin siya sa mga situational na tanong ,kaya naman kitang kita ko sa mga mukha ng kaklase ko na humahanga sila sa katabi ko. Nakita ko naman si Kin na hindi pa rin makaget over ! Nakanguso pa din siya . Ganun ba niya kagusto 'tong katabi ko ?

" Class dismiss . " sabi ng prof kaya naman nagtayuan na ang lahat para mag-ayos ng sarili , mga nagpupulbo , naglilipstick tapos yung iba nagseselfie. Nagitla na lang ako ng hatakin ni Zen ang bag niya at padabog na lumabas ng room , taka ko naman siyang sinundan ng tingin, anong problema nun ? " Nasaan na si Zen ? " natarantang tanong sakin ni Kin kaya naman tinuro ko ang pinto ng nilabasan niya. Mukha naman siyang nanlumo at tumingin siya saakin na parang dismayado . " oh anong mukha yan ? " natatawang tanong ko sakaniya . " mukha ng dismayado ! Hindi mo man lang kami binigyan ng moment ni Zen ! " sabi niya habang parang baliw na kinakagat kagat ang mga kuko sa daliri. " Ano bang moment ang gusto mo ? Yung sa buong klase eh ,nag-uusap kayo? " tumango naman siya na parang nag-iimagine. " pssh ! Imposible yun no ! Ni hindi nga ako nilingon nung tao , buti nga at hindi nanakit ang leeg nun " sabi ko sakaniya at taka naman niya akong tiningnan . " At kailan ka pa naconscious na hindi ka nililingon ng babae ha ? Akala ko ba wala kang pakailam ? " parang detective na tanong niya saakin kaya naman napailing ako. " ginigising lang kita sa katotohan bro , na hindi niya malingon ang malapit sakaniya , eh ayun pa kayang malayo ? " Nanlumo naman siya sa sinabi ko , tinapik ko ang balikat niya at nauna na sakaniyang lumabas . Naramdaman ko na lang na sumunod siya sakin . Uwian na kaya naman nagdesisyon ako na pumunta muna sa tambayan , sa likod lang ng school syempre . Naabutan namin ni Kin si Jin na may hawak na gitara at tumutugtog , si Lelouch naman ay nakaupo sa drumset habang si Min ay nasa organ . Bumati muna ako sakanila bago umupo sa couch , tiningnan ko lang sila habang tumutugtog . Madalas mapagalitan si Kin dahil sa kakulitan ,napapailing na lang ako.

" Kamusta naman ang Cool boy namin ? " masiglang tanong ni Min saakin. Kumuha siya ng beer at inihagis saakin ang isa . Nginitian ko siya bago sumagot. " Hindi naman maayos pero pwede na rin " sagot ko sakaniya . " I see " uminom siya ng beer at medyo ngumiwi siya kaya naman natawa ako. " ang tagal ko ng hindi nakainom ng beer , ang pangit talaga ng lasa " natatawang sabi pa niya sakin . " hindi mo naman kasi kailangang uminom niyan eh , Juice and tea must suit to you " inirapan naman niya ako . " As if naman na bata pa ako " sagot niya sakin . " bata ka pa talaga ,kami nga bata pa ,ikaw pa kaya ? " natatawang sagot ko sakaniya. "oo nalang ! Ang KJ niyo talaga nila kuya ! " ginulo ko ang buhok niya kaya naman hinampas niya ang kamay ko at natatawang umirap. " Ano nga palang pinapractice niyo? " tanong ko sakaniya pagkatapos uminom ng beer . " nag cocover kami ng This I promise you , and I think magugustuhan mo " mayabang na sabi niya . " kayo pa ? sa Social week niyo ba yan ipeperform ? " nakangiting tumango naman siya kaso bigla rin siyang sumimangot . " oh bakit ? " nag-aalalang tanong ko naman sakaniya . " kasi kulang kami ng vocalist , kasi si Kin alam ko may seminar sila ng Kamfil tapos ikaw may seminar ka naman para sa DCLC so wala kaming ibang makita , pag ako naman ang kumanta ,mahihirapan ako kasi ako na ang nag ke-keyboard " mahinang sabi niya saakin , siguro ayaw niya lang na malaman ng mga kuya niya na pati siya ay namo-mroblema . " gusto ko sanang magpa-audition ,ang kaso baka kasi maraming dumumog dito at malaman ang hide out natin " natatawa pang dagdag niya . " sana makatulong ako sainyo " tumango siya na parang may naisip na paraan . " Pwedeng pwede kang makatulong Julian !! " napamaang naman ako sa mukha niya na ngayon ay tinataas ang kilay niya ng taas baba . Mukhang hindi maganda ang iniisip nito.

----

" sasali rin ako Julian , saan pwedeng magpalista ? " malanding tanong sakin ng babae at itinuro ko naman ang mesa na nasa tapat ng gym ,nanduon si Kin at siya ang naglilista ng mga mga mag-o-audition. Lahat ng ito ay pakana ni Min ! Sinabi niya sakin na magpapaaudition siya at sa gym nalang namin gaganapin, tutal close ko naman ang prof na humahawak sa gym ay agad siyang pumayag . Ang nangyari ay ako na ang nagbibigay ng flyers sa mga dumadaan para daw mas marami ang ganahan na sumali , hatak na hatak daw ang mga girls . May mga lalaki naman na sumali pero hindi nakukuntento sila Min . Marami ang nagtry ngayong araw pero mga nakangiwi naman kapag nakakalabas na ng Avr . Hindi na rin magkanda-ugaga si Kin sa lamesa dahil na rin sa marami ang nagpapalista . Ang hirap pala ng ganito . Si Min at Jin ang nasa Avr para marinig nila ang mga boses ng mga nag-audition .

Pareho silang nakangiwi ng lumabas sa Avr . Nandito kami ni Kin sa Gym at inaantay sila . " oh , parang luging lugi ah " natatawang sabi ko sakanila , binigyan ko naman sila ng tig-isang bottled water . Lumong lumo namang ininom iyon ni Jin . " Sana seryosohin nila ang audition ! " inis na inis na sabi ni Jin kaya naman natahimik kaming tatlo . " may sumali na parang naglalandi lang ! Tapos may pabebe ! May boses ipis ! Yung totoo ? " hindi makapaniwalang singhal ni Jin . " Dahil lang kay Julian kaya mga sumali yan " natatawa namang sabi ni Min kaya natawa ako . " wala akong kinalaman dyan ah . " sabi ko naman sakanila . " magpapakulay nalang ako ng gray na buhok para naman maagaw ko ang atensyon ng mga babae ! Hahahahaha " parang baliw na sabi ni Kin kaya naman napailing na lang ako .

Nagpaalam na ako sakanila , pagod na pagod ang katawan ko at ligong ligo na ako . Pag labas ko ng campus ay may natanaw ako , si Meg yun ah . Nagtago ako sa mga kotse para naman hindi nila ako makita . Narinig ko na may humikbi .

" Ssssh , don't cry Meg . " sabi ni .... Sinilip ko ang nagsalita , si Zen ? Magkakilala sila ? " I'm so sorry Zen " sabi ni Meg sa pagitan ng mga hikbi . " It's okay , ngayong magkasama na tayo rito ,mag promise ka na hindi ka na ulit tatakas ah " sabi naman ni Zen kay Meg . Nakita ko naman na tumango si Meg at niyakap niya si Zen . Magka-ano ano kaya sila? Nakita kong inalalayan ni Zen si Meg na makasakay sa kotse nito " Hindi ka pa ba sasabay ? " tanong ni Meg dito at umiling siya . " May gagawin pa ako , magkita nalang tayo bukas " Tumango naman si Meg at lumapit siya kay Zen at hinalikan ito sa labi ! Literal na napanganga ako . What the ?! Kinurap kurap ko pa ang mata ko , malinaw na malinaw ang nakikita ko ! Napaayos ako ng tayo ng umalis na ang kotse ni Meg . Sumandal naman si Zen sa likod ng kotse at mukhang nag-iisip . Tinitigan ko ang mukha niya , hindi ako makapaniwala sa nakita ko ! Ano ba iyon ? " Sa'yong tabi ang puso'y di mapakali , ngunit di mapaliwanag , di mapaliwanag . " napanganga ako sa boses na narinig ko , boses ni Zen yon ? Ang ganda ! Ang lamig ! napatago ako ng mabilis ng lumingon sa pwesto na kinatatayuan ko si Zen ! I'm doomed ! Unti unti kong sinilip si Zen sa kinatatayuan niya kanina . Napahinga naman ako ng maluwang ng di ko na siya natanaw . " Anong ginagawa mo dyan ? "

Woaaah !! -- Bakit ka ba nanggugulat ?! " Literal na napasigaw ako sa sobrang gulat ng pagtayo at pagharap ko ay si Zen ang nakita ko ! Ang sakit ng puso ko ! " Bakit nandyan ka ? Paano ka napunta dyan ? " tanong ko sakaniya na nakahawak pa sa puso ko , tinuro naman niya ang exit ng campus . Oo nga pala ! Bakit hindi ko naisip na pwedeng pumasok siya dun at lumabas dito . " Sa susunod kasi , kung gusto mong makinig sa usapan namin , sabihan mo ako . Para naman live na live makita at marinig mo kami . Pinapahirapan mo lang sarili mo " napamaang ako sa sinabi niya . Grabe ! May naalala ako . Kinuha ko sa bag ang flyers at inihabol ito sakaniya . " hindi ako naghahanap ng trabaho " sabi pa niya sa'kin ,hindi ko na siya hinabol pa . Sino ba ang nagsabi sakaniya na para lang 'to sa mga nagtatrabaho ? Hays . Pag Flyers trabaho agad ? Naiiling na pumunta nalang ako sa motor ko at umalis sa campus .

Long night ...

****
comment , vote and follow :)

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon