Part 9 √

6 2 0
                                    


Tahimik kaming kumakain nila manang at Trina ng biglang may bumusina sa labas , tatayo sana si manang pero pinigilan ko siya. Tiningnan naman ako ni Trina na ngayon ay parang kinakabahan . " Ako na ho manang , kumain na ho kayo " dahan dahan namang tumango si manang sa'kin at umupo muli. Lumakad na ako palabas at binuksan ang pinto. Nakita kong nakatayo sa labas ng gate si Meg. Bumalik ang tingin ko sa pwesto ni Trina na ngayon ay nakatingin na rin sakin. " Diba sabi ko sa'yo huwag mong dadalhin yan dito? " pigil ang inis na sabi ko sakaniya. " kuya aalis kasi kami ngayon, pupunta kami ng Baguio , pinapunta ko siya rito para ipagpaalam ako sa'yo " nakatungong paliwanag naman niya. Tiningnan ko si manang na ngayon ay nagpapalipat lipat ang tingin samin. " please kuya papasukin mo na siya mainit sa labas , masasaktan siya sa init ng araw " napangisi naman ako sa sinabi niya. Bigla siyang naguluhan. " Naisip mo na pwedeng masaktan siya sa init ng araw ? Pero yung taong niloko niyo ,hindi niyo man lang naisip ?! " Nanlalaki ang mata niyang napatingin kay manang , hindi na rin maipinta ang mukha ni manang , tumayo si Trina at lumapit sakin , papaiyak na siya. " Kuya please lang , wag nating idamay si manang dito " madiing bulong niya sakin , tiningnan ko siya at pinasadahan siya ng tingin . " Nahihiya ka? Sana inisip mo ang pwedeng mangyari dahil sa ginawa mo " at tinalikuran ko na siya. Narinig ko nalang ang pagbukas ng gate. Pumasok ako sa kwarto at nahiga. Tinitigan ko ang kisame. Ang sama ng loob ko , galit na galit siya sakin nung pinaasa ko ang kaibigan niya pero isa rin naman siyang manloloko. Pinikit ko ang mata ko at bumuntong hininga. I can't believe this.

--
Nagising ako dahil sa katok mula sa may pinto ng kwarto ko. Bumangon ako at pinagbuksan iyon. Bumungad sakin si Trina at katabi niya si Meg. " inistorbo niyo ang pahinga ko , sana importante 'yan. " malamig na sabi ko sakanila . " aalis na kami kuya , gusto ko lang magpaalam " nakatungong sabi niya sakin . " aalagaan ko si Trina huwag ka pong mag-alala " sabi pa ni Meg. " talaga ? Aalagaan mo siya? " sabi ko pa sakanila. Tumango naman si Meg kaya natawa ako. " oras na malaman ko na pampalipas oras mo lang ang kapatid ko , hindi ako magdadalawang isip na saktan ka . "

" Kuya ! Respetuhin mo naman si Meg ! " tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Bago sana kayo gumawa ng kagaguhan , sana naisip niyo na baka mawala ang respeto ko sainyo . " Nakatungo na si Trina at Meg . " You may go. " at isinarado ang pinto. Narinig ko nalang ang mga yabag nila pababa. Nakahinga ako ng maluwang. Hindi ko gusto na maging Rude sakanila , hindi ko lang matanggap na nagawa nilang manloko ng tao. Nasapo ko ang noo ko. Hindi ko rin alam kung bakit nag-iinit ang ulo ko kapag nakikita ko si Meg. Pakiramdam ko sinasaktan niya pa rin si Zen. Siguro nga nagkaroon na ako ng concern kay Zen , kahit sila Kin gusto siyang protektahan. Napahinga ako ng maluwag. Natuon ang pansin ko ng biglang may kumatok sa pinto,tumayo ako at binuksan iyon. " manang ,bakit po? " tanong ko kay manang na mukhang hindi alam ang sasabihin. " pwede ba tayong mag-usap iho? " pakiusap niya saakin kaya naman tumango ako. Sinundan ko si manang sa sala at duon kami naupo ,naghanda na muna si manang ng tea at egg sandwich bago naupo . Kinuha ko ang tea at ininom iyon. " Ano ba ang nangyayari sainyong magkapatid? " nag-aalalang tanong ni manang sakin , nilapag ko ang tasa at sumandal sa sofa. " Sa tingin ko manang si Trina na lang ang tanungin niyo dyan , at para siya na rin ho ang masermunan niyo" napapailing pang sabi ko sakaniya. " ayoko lang kasi na na nakikita ko kayong nag-iiwasan kapag nandito ka , hindi ako sanay .Lalo na kanina , parang kulang nalang magsuntukan kayo " hindi makapaniwalang sabi ni manang kaya naman napapikit ako at muling dumilat. " Hindi ko rin alam manang , hindi ko ho alam kong papaniwalaan ko ba ang mga nangyayari " tiningnan ko si manang , parang hindi niya ako maintindihan . " manang ,please ho. Si Trina na lang ho ang kausapin ninyo ,kasi ... ayoko ho talagang pag-usapan sila. " kahit ayaw ni manang ay napapayag ko nalang siya. Ayokong maging ganito kay manang ,alam ko na nag-aalala lang siya samin ,pero ... Hindi ako ang dapat magsabi kay manang, at lalo na kila mama . Nagpaalam na ako kay manang para gumayak papasok.

--

" hi Julian " Bati sakin ng katabi ko, siya pa rin ang nakaupo sa upuan ni Zen , tiningnan ko ang pwesto ni Zen kahapon at nanduon nga siya, wala na akong nagawa kung hindi ang umupo. " Bro ! " tawag sakin ni Kin kaya napaangat ako ng tingin sakaniya. " anong nangyari sa mukha mo ?! " lahat ng kaklase namin ay napatingin samin ni Kin ng sumigaw at napatayo ako , pakiramdam ko ay nakatingin na rin samin si Zen. " Anong nangyari dyan ?! " tanong ko pa ulit ! May pasa ang mukha ni Kin , sa kanang mata pati na rin sa pisngi , bukod sa galos sa mukha ay may putok pa ang labi niya , nakita ko rin ang braso niya na may nangingitim na pasa . " Magsalita ka ,pinapainit mo ang ulo ko ,Kin " nawawalan ng pasensya na sabi ko. Napatungo siya . " Si kuya Jin nasa ospital ngayon" Nakita kong tumayo si Zen ,naging magkaibigan na rin kasi sila kaya siguro nag-aalala siya. " Inabangan kami ng mga lalaki sa tambayan , mga naka-leather jacket , pakiramdam ko isa dun ay kapatid ni Tracey yung ex ni Kuya jin, akala ko nakatambay lang sila dun ,pero pagtalikod ko may tumulak sakin papasok ng tambayan, at nakita ko si kuya at Lelouch na naghihingalo na kaya nanlaban ako ... tapos ito " may iniabot siya sakin na letter , nakita kong palapit na samin si Zen kaya naman lumingon kami sakaniya. " Sabi niya ibigay ko sayo yan , kaya nandito ako ,kung walang dumating na intern di ko madadala sa ospital si kuya , si Lelouch nasa clinic . " Hindi ko na naintindihan ang mga sasabihin pa ni Kin dahil nakatitig ako sa black envelope na hawak ko ngayon. Napaupo kami ng dumating si Miss kaya naman tinago ko na muna ang envelope sa bag ,napalingon ako sa gilid ko dahil nakatayo pa rin si Zen sa gilid ko , seryoso at mukhang gusto akong sakalin . Anong ginawa ko sakaniya? " Miss Montevar , please sit down " lahat ng kaklase namin ay nakatingin sakaniya pero sakin lang siya nakatingin ,tiningnan ko naman siya , agad rin siyang sumunod kay Miss kaya nakahinga ako ng maluwag. Ang hirap pakisamahan ng taong 'to. Hindi na naman ako nakapag focus sa discussion , ilang araw na akong ganito. Buti nalang ay maagang natapos ang prof namin kaya tumayo na ako para puntahan agad si Lelouch sa clinic , hindi pa ako nakakalabas ng room ay may pumigil na kamay sakin. Gulat ko naman siyang tiningnan. " Zen ? " tumaas pa ang kilay niya dahil sa reaksyon ko. " sasama ako ,gusto ko silang makita " sabi niya pa. Hindi na ako nakapalag dahil hinila niya si Kin at sabay silang lumabas ng room. Nauuna silang dalawa sakin, tahimik at seryoso. Tumigil sila sa paglalakad ng tumapat na kami sa clinic , kinakausap ni Kin ang nurse at tiningnan naman ako ng nurse, napatango ako ng bigla siyang kumaway sakin. Ano ba naman 'to? Napailing nalang sa tabi si Zen na natatawa pa. Maya maya lang ay pinapasok na kami sa loob ng clinic ,hindi pa rin tinatanggal ng nurse ang malagkit niyang tingin sakin. Ang sarap dukutin ng mata niya ! Nanlumo naman ako ng makita ang mukha ni Lelouch na ngayon ay walang malay , puro pasa ang katawan at ang mukha."Nagising na siya kanina ,pero hindi na ulit siya nagising pagkatulog niya ulit " sabi pa ng nurse. Lumakad na ang nurse sa pwesto niya at duon ay nagpaka-busy. Naalala ko ang envelope na binigay sakin ni Kin kanina kaya kinuha ko ito at binuksan.

There's no way fucking out.

At nakita ko ang picture ni Trina kasama si Meg !

*****
comment, vote and follow :)

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon