Part 20 √

14 2 0
                                    


Social week :)

Kotse ni Zen ang dala namin , dahil na rin sa maraming gamit ang dala niya,hinayaan naman niya akong mag drive. Tahimik lang si Zen habang bumabyahe kami papuntang school , hindi ko na rin siya tiningnan , kinakabahan ako na ewan ! Hays . Bakit naman kasi ganun ang tanong ng mga kaibigan niya ? Nalukot na ang mukha ko , kasal agad ? Hahahaha ! Ang gwapo ko sigurong groom no ? Ang ganda rin siguro ni Zen . Napailing na lang ako. Ano ba naman 'tong iniisip ko ? " nasaan nga pala yung ipapakita mo saking picture ? " napalingon ako saglit sakaniya . Muntikan ko ng makalimutan iyon . " pakikuha nalang sa may bag , nasa gilid mo lang " tumango naman siya at sumunod. Aba ! Hindi man lang siya nagreklamo na inutusan ko siya ? Napatingin ako sakaniya saglit ng bigla siyang napasinghap. Kitang kita ko sa mukha niya ang iba't ibang emosyon. Pero ang nangingibabaw ay galit. Isang malaking galit . Inihinto ko ang kotse at tumingin sakaniya ,nakita ko na lang na lukot lukot na ang envelope dahil sa higpit ng hawak niya. " Zen , anong problema ? " tumingin siya saakin at umiling . " Imposibleng wala , hindi mo naman sisirain yan kung wala. " inirapan niya ako . " ikaw kaya ang makakita ng ganito tapos mukha mo ang nasa picture , sa tingin mo ba magdidiwang pa ako? " sarkastikong sabi niya sakin . " kaya nga tinanong kita diba ? Pero sinagot mo ako ng iling , which means sinasabi mo sakin na wala , na walang problema ! " nangunot naman ang noo niya , umayos siya ng upo para magkaharap na kami . " siguro , mamaya na lang nating pag-usapan ito , baka masira lang ang araw ko ." ngumisi siya sakin na parang may naisip na kalokohan . Napapailing na lang ako habang iniistart ang sasakyan.

--
school

Binati agad kami nila Min ng makarating kami sa school , tinadtad rin nila ako ng tanong , hindi ko rin naitago sakanila ang pagkailang ko sa mga tanong kaya naman hindi na sila nangulit . Pumunta na ako sa Avr para matingnan ang mga member ko. Nakita ko naman na ayos na sila ,kaya naman napahinga ako ng maluwag. " Pres , kanina ka pa po hinahanap ng President ng English Club. " sabi sakin ng secretary ko. " ha ? Bakit daw ? " tanong ko naman sakaniya. " hindi ko po alam Pres e . Sabi niya puntahan niyo daw ho siya sa booth nila bago daw ho ang start ng social week. " tumango naman ako. Ano naman kayang problema ng isang yun? Nagpaalam na muna ako sakanila at naglakad na papuntang Booth ng English Club, napapaisip ako , ano kayang problema ?

" Julian ! " bungad sakin ni Tracey , tumaas naman ang kilay ko , nahalata niya yun kaya napasimangot siya. " mukhang ayaw mo talagang makita ako dito a " malanding tanong niya sakin . Siya nga pala yung ex ni Jin . Siya ang dahilan kaya nabugbog ang mga kaibigan ko. " anong kailangan mo at pinapunta mo ako dito ? Pakibilisan kasi magsisimula na " nakita ko namang lumaki ang ngiti niya at biglang pumalakpak. Ilang segundo lang ay may lumabas na mga lalaki sa bawat room , 2 lalaki sa isang room sa tantiya ko. Wrong move ako sa pagpunta rito. Takte ! Napatingin ako kay Tracey na ngayon ay ngiting ngiti na ,lumapit siya sakin at hinawakan ako sa braso , mabilis ko namang tinanggal 'yon. " Ano ba ang kailangan mo ? " natawa siya sa tanong ko,kaya naman napaismid ako. Nawawalan na ako ng pasensya. " You know what am I need , Julian . " ngumisi siya . " tulungan mong bumalik sakin si Jin ... hahayaan kitang makaalis ng buhay dito. " ako naman ang natawa na dahilan ng pagka-kunot ng noo niya. " Wow ! Ganyan ka kadesperada ? At talagang ako pa ang gagamitin mo ah ! Wow ! " natatawang sabi ko pa. Lumapit siya sakin , napakasama ng tingin niya sakin pero hindi ko man lang nararamdaman na natatakot ako . " bakit pakiramdam ko hindi ka pumapayag sa alok ko? " nakataas ang kilay niya habang nawawalan na ng pasensyang makipag-usap sakin. " siguro , ganun nga . Patayin mo man ako dito , o pilitin ko man si Jin na bumalik sayo , hindi mo na ulit siya mapababalik ... Lalo na , ikaw ang dahilan kung bakit may cast ang ulo niya ... Siguro may pag -asa ka pa . " napatingin naman siya sakin . " bumili ka ng gayuma , if mayroon man nun , Much better ! " nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya , tumingin siya sa likod ko at tumango , sinundan ko naman ang tingin niya kaya naman nakatanggap ako ng malakas na suntok , dahilan para matumba ako. Di ako nakapaghanda dun ah ! Tumayo ako , nakita ko na may mga hawak silang arm chair ,balak pa yatang ihampas sakin . Natawa naman ako ng may humagis na upuan sakin pero agad ko ring nailagan . " Pucha ! palaban to ! " natatawang sabi nung pinakamalaking bulas sakaniya . Mukha siyang champorado , yung kulay at mukha niya kasi . Hahahahahaha ----- " wooooy ! Masakit yun ahh ! " napalingon kaming lahat sa sumigaw . Nanlaki ang mata ko na makita ko si Zen na nakaupo at sapo ang dumudugong ulo ! Tumakbo ako palapit sakaniya at hinawakan ang braso niya . " Ikaw ba bumato nun ?! " tiningnan ko ang tinuturo niya , isang bakal na mahaba ang tumama sa ulo niya ?! Tapos di pa siya nahimatay ? " tititigan mo na lang ba ako ? Kung dalhin mo na kaya ako sa clinic ng mabuhay pa ako diba ? " natauhan naman ako sa sinabi niya kaya binuhat ko siya , lumakad na ako ng mabilis , narinig ko ang sigaw ni Tracey pero di ko man lang siya tiningnan . Tumingin ako sa mukha ni Zen , nakapikit siya . " Zen ? " minulat niya ang mata niya at tumingin sakin . " Malapit na tayo , wag ka ng matulog . " inis na sabi ko sakaniya kaya naman tumango siya . Sinunod naman niya ako na huwag matulog hanggang sa makarating kami sa clinic . Naiinis ako kay Tracey , kubg mahal niya si Jin bakit niya nagawang saktan ito ? Tinapos ginawa pa niyang masama si Jin sa kuya niya kaya nag-away ang mga ito. Tapos ngayon ? Ano bang kalokohan niya ?! Inilapag ko si Zen sa clinic bed at lumayo sakaniya ng lapitan siya ng nurse. Lumabas muna ako ng clinic.

Tinawagan ko si Kin para sabihan sila sa nangyari , agad namang nag panic si Min dahil may kanta sila ngayon , sabi ko naman na kailangang magpahinga ni Zen kaya medyo kumalma siya , tutal 3 pm pa naman ang kanta nila kaya may oras pa si Zen para makapagpahinga . Sinilip ko si Zen sa nakaawang na pinto ng clinic . Nakakunot ang noo niya ,habang nakatingin sa nurse . Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hablutin ang gamot at binuksan iyon . Pumasok agad ako ng bigla niyang itaob ang gamot kaya naglaglagan ang mga laman nito . " Ano bang ginagawa mo Zen ?! " napalingon siya sakin , pati ang nurse ay umiiyak na kaya napaatras siya . " Ano bang ginawa mo ? Bakit tinatapon mo ang gamot ?! " hinawakan ko ang braso niya at iniharap sakin . Tiningnan naman niya ako ,napakaseryoso , parang galit na ewan. " hindi ko naman kailangan ng gamot na pwedeng pumatay sakin diba ? " seryosong tanong niya sakin. " Ha ? " tumayo siya at humarap sa nurse ,nakita ko naman na natakot ito sakaniya kaya hinawakan ko ang kamay niya kaya nahinto siya sa paglapit. " Oh " abot niya sakin ng botelya ng gamot.Isang klase ng gamot na pwede kang patulugin habang buhay. " Para saan to ?! " takang tanong ko sa nurse at nagsimula na naman siyang umiyak ! " Pinapainom niya sakin yan kanina pa , akala niya siguro hindi ko alam kung anong klaseng gamot yang inaabot niya ... mukhang balak niya akong patayin . " tumingin siya sakin . " kailangan ko ng abogado , mayaman ka diba ? Pahingi ako . " nagulat naman ako ng biglang lumapit sakaniya ang nurse at lumuhod . " please ! Parang awa niyo na po ,napag -utusan lang ako maam , hindi ko naman po talaga gustong gawin yon , pero pangangailangan lang po talaga maam " umiiyak na sabi ng nurse . " Sinong nag-utos sayo? " diretsong tanong niya sa nurse ,nakita ko naman na parang nanigas ang nurse dahil sa tanong ni Zen. " Sinong nag-utos sayo? " ulit ni Zen . " h-hindi ko po kilala maam , sabi niya lang po sakin ,oras na pumalpak ako , papatayin niya ako ! Maam ! please po ! Ayoko pa pong mamatay ! " nakita kong tinulungan ni Zen na tumayo ang nurse . " Ah !! " sigaw ng nurse ng suntukin siya ni Zen sa sikmura kaya naman tumakbo ako para makalapit kay Zen , nahinto ako ng biglang bumagsak ang nurse sa sahig , pero mas nahinto ako ng makita ko kung ano ang hawak ng nurse . Kutsilyo . Tumakbo ako kay Zen at hinawakan siya sa kamay . " Paano mo narandaman na may hawak siya? " napakibit balikat naman siya sakin kaya napaismid ako. " balik na tayo sa AVR ,may irerehearse pa kami nila Min " . Nauna siyang lumabas ,tiningnan ko na muna ang nurse , mukhang nawalan siya ng malay dahil sa sakit , sino ba ang nag-utos sakaniya? Lumabas na ako at sinundan si Zen. Nahinto ako ng huminto rin siya , nakatingin siya sa harap kaya naman tiningnan ko kung sino ang tinitingnan niya . Meg . " galingan mo mamaya " sabi sakaniya ni Meg kaya naman tumango siya . Naglakad na lang ulit siya kaya sinundan ko siya . Bago ako lumampas kay Meg ay tiningnan ko siya. " Back off " sabi ko ,hindi ko na siya hinintay mag react ,nilayuan ko na siya .

What is the meaning of " Back off" Julian ? Hmmmm !

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon