Naabutan kong nagsasayawan sila Zen at Denden , tawa ng tawa si Denden at siya namang hataw nitong si Zen ,magaling ding sumayaw si Zen , ano pa ba ang kayang gawin nito ? Napatigil ako sa pag- iisip ng sabay lumingon si Zen at Denden sa'kin. Kumaway naman ako sakanila , at buong siglang kumaway pabalik sakin si Denden , Pinag cross naman ni Zen ang mga braso niya at taas ang kilay na tiningnan ako. Ayan na naman ang eyeliner at brown na lipstick niya. " Hello Denden , ang galing mo namang sumayaw " namula naman ang pisngi ng bata at tumungo para sa senyas ng pasasalamat. " Oo nga pala , paano ako napunta rito? " napakamot ako ng ulo ng inosente akong tingnan ni Denden . " kusa kang sumama sa'kin , kusa ka ring namili ng kwartong tutulugan mo " napapailing na sabi pa ni Zen saakin . Pinikit ko ang mata ko para alalahanin ang mga nangyari kagabi, pero nabigo ako. " Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko sakaniya. " Syempre biro lang " sabi pa niya , nakahinga naman ako ng maayos . " binuhat lang naman kita simula sa gate paakyat sa kwarto na yun " Napaawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi niya . " Biro lang yan diba? " pilit na tawang sabi ko pa sakaniya hindi niya ako sinagot kaya naman tiningnan ko si Denden na ngayon ay busy sa pagsusulat,ng matapos siya ay itinaas niya ito at natakpan ko ang mukha ko. totoo po na binuhat ka ni ate papuntang kwarto ,hindi ko po kasi kayang tumulong kaya po hindi ko siya natulungan =( . Ayan ang nakalagay sa white board ! " Ang sarap pa ng higa mo e , daig mo pa ang nirape " natatawang sabi pa ni Zen sakin . I'm doomed !---
" saan ka galing kuya ? Tumawag ako sa --- " sumenyas ako sakaniya na huwag maingay. Nandito na ako sa bahay , maaga akong nagpaalam kila Zen at Denden dahil na rin sa kahihiyang nagawa ko. Hays ! Ibang klase talaga ! " kuya --- " tinitigan ko siya kaya natahimik siya. " Ano? " tanong ko sa kaniya . Mukhang natakot siya sa reaksyon ko kaya napaatras siya. " Bakit mo tinatanong kung saan ako nanggaling kagabi? " hindi naman niya akong matingnan ng diretso. " Dinala mo si Meg kagabi dito? " diretsong tanong ko sakaniya kaya naman napaangat ang ulo niya. " H-hindi kuya " sagot niya sakin. " Talaga ? " at tumango naman siya. " good " at tinalikuran ko na siya ,pero bago pa ako makapasok sa kwarto ko ... " ah , one more thing Chantine " pumihit siya paharap saakin ,nakita ko na lumunok siya. " Don't dare to bring that girl in this house . " mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero kaagad siyang nag-iwas ng tingin. Pumasok na ako sa kwarto , nanlumo ako ng humikbi siya. Ano bang problema ng babaeng 'to? Inihiga ko ang katawan ko sa kama at duon na umidlip.
--
Nagising ako dahil sa pag vibrate ang phone ko , kinapa ko ito sa taas ng ulunan ko. At sinagot ang tawag. " Bro ,nasan ka ?! " natatarantang tanong ni Kin saakin . " Bakit ? " . Inaantok na tanong ko sakaniya . Humikab pa ako. " Kasi ... si Meg at Trina nandito sa tambayan , tapos si Zen ... nasa labas " Napabangon naman ako dahil sa sinabk niya ! " Ha ? Bakit ? " tanong ko habang gumagapang papuntang closet at naghahanap ng damit na susuotin ! " Love triangle , bro ! Si Min nakikisali na ! Dalian mo ! " Pinatay ko kaagad ang tawag at pumunta ng banyo at naligo.
--
Nagmamadali akong pinark ang motor ko at nakisingit sa mga taong nasa tapat ng tambayan ! Pinadaan naman nila ako ! Tsss. Ayan na naman ang mga tingin nilang naglalaway . Napailing nalang akong naglalakad. " manahimik ka na Trina ! " rinig kong sigaw ni Min sa loob kaya naman nagmadali akong binuksan ang pinto. Natigil sila at sabay sabay silang lumingon sa'kin . " K-kuya " biglang tumakbo si Trina saakin at yumakap ,lumakas ang pag-iyak niya. Tiningnan ko naman sila na ngayon ay hindi pa rin makapaniwala. " anong nangyari? " pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko , umiwas sila sa tingin ko. Naagaw ang atensyon ko ng biglang may tumayo. " Zen , dahan dahan " sabi ni Min sakaniya.Inilayo ko si Trina saakin at tiningnan ang mukha niya ,may pasa siya sa mukha ! Tiningnan ko naman si Zen at sa gilid ni Kin na si Meg na umiiyak na rin ngayon. " anong nangyari sa mga mukha niyo? " tanong ko sakanila . " Kuya --- " lumapit si Min saamin . " Ako na ang magpapaliwanag , Trina " at tumingin naman ako sakaniya. " hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin saiyo to, Julian , pero dapat lang na malaman mo na ... ang kapatid mo ang nagsimula nito " Tiningnan ko si Trina na ngayon ay sa sahig na nakatingin. " Nag-uusap lang naman itong si Meg at Zen , siguro para maayos na ang gulo nila ,pero ang magaling mong kapatid bigla bigla nalang sumugod at sinapak si Zen ! Todo rescue naman ang mga butihin niyang kaibigan kaya naman naawat sila. At siya namang paghila nitong si Trina kay Meg. Ayun nagkagulo na . " tumingin ako sa mukha ni Trina na ngayon ay nakatunghay saakin. Tuloy tuloy ang mga luha niya. " Bakit mo ginawa yon ? " mahinahong tanong ko sakaniya. Bumuntong hininga siya. " Mahal ko si Meg ,kuya . M-mahal ko siya " Nakita ko naman na umirap si Min at napatungo sila Lelouch. Humugot ako ng malalim na hinga at tumingin kay Zen na ngayon ay nakakuyom ang palad na nakatingin sa labas ng bintana . Tumingin ulit ako kay Trina . " Chantine .. Listen .. Alam mo ba na may girlfriend si Meg ? At si Zen yon? " Tumingin muna siya kay Meg at muling tumingin sakin. Dahan dahan naman siyang tumango. Napapikit ako. Ano bang iniisip niya ?! " I'm so sorry kuya " malakas na iyak na naman ang pinakawalan niya. " May pagka-malandi rin tong si Meg eh " natatawang sabi ni Min. Nakita ko naman na pinigilan siya ni Jin at inirapan niya lang ang kuya. " Sige ! Ganito na lang ! Nakakaloka na eh ! Ang gaganda niyo pa naman ! -- ano ba kuya ?! " reklamo niya ng hinila siya ni Kin at pinipilit na umupo. " Gusto ko lang naman na magkalinawan sila ! Sino ba naman ang gustong may kahati diba ?! " iritang pagpapaliwanag niya sa lahat ,mukhang alam ko na ang gagawin niya. " Meg ! " iritang tawag niya kay Meg kaya naman napatingin ito sakaniya. " gusto kong sabihin mo saming lahat , ang totoong nararamdaman mo . Kung mahal mo si Trina then stick to her , at kung mahal mo si Zen then go , hindi pwedeng dalawa sila ! Babaera ka ! " natatawang sabi pa niya . " Mamili ka na Meg ! May masasaktan kapag may pinili ka man o wala . " seryosong sabi sakaniya ni Min. Lahat kami ay nakatingin kay Meg na ngayon ay umiiyak na , tumingin ako kay Zen na nakatingin lang sakaniya at matiim siyang tinititigan. At si Trina na ngayon ay nakatungo sa harapan ko. Mahirap mamili pero ..." I'm so sorry ... Zen "
*****
comment , vote and follow :)
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...