Part 30√

15 1 0
                                    


Zen

"Sigurado ka ba na ayos ka lang dito? " tanong sakin ni Meg kaya tumango ako. Nandito kami ngayon sa mansyon nila Brix , kasama ng mga kapatid niya ay inaasikaso namin ang burol niya. " Zen ,please wag mo namang sisihin ang sarili mo sa nangyari , sa kwento mo , si Brix talaga ang target " sabi naman sakin ni Chris ,siya yung pangalawang kapatid ni Brix. " at yung kay Julian , Zen. Hayaan mo na muna . Panigurado kinakausap na siya ni Trina " tumango nalang ako sakanila Naramdaman ko na hinawakan ni Meg ang kamay ko ,kaya napatingin ako sakaniya. " Zen ,everything will be alright " nginitian niya ako kaya pinilit ko rin na magpakita ng ngiti . " una , si Jessica , ngayon si Brix . Sumunod na rin kaya ako --- aray !!!! " reklamo niya ng batukan ko siya ,sinamaan ko siya ng tingin . " ako nalang papatay sayo " umismid naman siya . " Hindi magandang biro yan Zen " sabi niya sakin . " sino bang nagsabi sayo na nagbibiro ako ? " nakangiwing sinamaan naman niya ako ng tingin . Napabuntong hininga ako. " Ang sakit " usal ko at sumunod naman ang buhos ng luha ko . Napatungo ako at sa hita ko umiyak . Naramdaman ko nalang na hinahaplos ni Meg ang likod ko. Gusto kong sumigaw , gusto kong sabihin sakanilang lahat na patayin nila ako !

KUMALMA ?! Nagpapatawa ka ba Zen ?! Manloloko ka ! Alam mo yung nakakainis ?! Arggggh ! Akala ko may nararamdaman ka rin para sakin e ! Nag assume ako dahil sa mga pinapakita mo kahit hindi malalim yon para sakin napakalaking effort nun ! Tapos ... tapos malalaman ko na ganto ? Kung hindi pa nangyari to ?

Naiyak ako lalo ng maalala ko ang sinabi sakin ni Julian . Hindi ko inaasahan na ... iiyak ako ng dahil sakaniya , akala ko kinokonsensya lang ako . Yun pala may nararamdaman na ako para sakaniya . Gusto kong sabihin sakaniya na hindi siya nag assume dahil lahat ng ginagawa ko para sakaniya , totoo yon ! Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak ng umiyak . Ang sakit sakit talaga ! Brix kasalanan mo 'to !

---

Minulat ko ang mata ko ng maramdaman ko ang sakit ng mga kamay at paa ko , nilibot ko ang paningin ko . Maliwanag , malinis at maaliwalas. Dahan dahan akong bumangon at tiningnan ang mga kamay ko at paa , wala ng posas , kadena . Malinis na rin ang damit ko at ang mga sugat ko may mga cast at band aids na. Pinikit ko ang mata ko ng maalala ko ang nangyari .

10 years ago

Naramdaman ko na tumama ang likod ko sa putik . " ilibing ko na kayo ng kapatid mo para magkasama na kayo ng ama niyo ! " sabi niya . Hindi ako makagalaw , nahawakan ko ang kamay ni Denden , puro putik ang mukha niya . Naiyak na ako ,gusto kong tawagin ang pangalan niya pero hindi man lang ako makapagsalita. Tumatama na sa mukha ko ang patak ng ulan , pinikit ko ang mata ko. Siguro ito na ang oras ko ,pero sana wag naman ang kapatid ko. Bata pa si Denden marami pa siyang magagawa sa buhay niya. Palagay ko ay naghuhukay ng libingan ang hayop na to. Ang sama sama niya. " May tao ba dyan ? " narinig kong tawag ng isang di kilalang tao . " pambihira ! pag minamalas ka nga naman -- ayusin niyo yan takpan niyo ng plastic ! dalian niyo baka mahuli tayo ! " sabi ni Robert " May tao ata Boss , puntahan ko na po ba ? " napamura nalang ang mga lalaki sa tabi ko at dali daling tinakpan ang mukha ko ng plastic. Hinayaan ko nalang na nakapikit ako. Naramdaman ko na umalis na ang mga ito. " tu...long " hirap na hirap na sabi ko. " wala namang tao boss " sabi nung kasama niya ,kaya naman napahikbi ako. Hindi niya ako marinig. " Tu...long ma..awa kayo" isa pang sabi ko . Umiiyak na ako pero walang boses . " sandali Chris , narinig mo ba yon ? " nabuhayan ako ng pag-asa gusto kong sumigaw , gusto ko ! " May tao ba dyan ?! " sigaw nila " dito " hirap na hirap na sabi ko ,naramdaman ko nalang na may nakaapak sa plastic na nasa gilid ko . " May tao nga ! ",
" kunin mo siya "

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon