last day of social week .
Hinatid ko si Zen kahapon sa bahay nila , nag commute lang pala siya papunta sa condo . Pasaway ! Naging tahimik na kami simula nung sinabi niya yun sakin. Bakit ba alam niya ang nararamdaman ko? Kitang kita ba sa mukha ko? Tsss. Pero yung nararamdaman niya di ko man lang makita ! Nakakainis naman ! Papunta na ako sa school , last day na ngayon at awarding na rin para sa mga mananalo sa booth. Kung kami ulit ang mananalo , pang apat na beses na ito. Pagpasok ko ng school agad na nakatingin sakin ang mga intern ,pina-scan nila ang ID ko kaya sumunod na lang ako. Yung babaeng intern naman parang hindi magkandamayaw sa pag ngiti ,kumaway siya sakin kaya naman tinanguan ko. Tss. " Bro ! " bungad sakin ni Kin pag akyat ko sa gym . " Kamusta na pakiramdam mo ? " tanong niya sakin . " ayos na " sagot ko naman . " sobrang nag-aalala sayo kahapon si Zen , bro ! alam mo bang parang gusto na niya akong patayin dahil ayokong sabihin sakaniya ang address ng condo mo ! " lumingon ako sakaniya . Akala ko ba pinapunta siya ni Kin don ? " oh bro ! huwag kang magalit sakin ! ginawa ko ang lahat para hindi niya malaman kasi alam ko na ayaw mo na may pumapasok sa condo mo ! " Umiling ako sakaniya . " ayos lang ... tsaka hindi naman ibang tao si Zen . " napamaang siya sakin ,pero bago pa ako makapagtanong kung bakit bigla naman siyang napangisi . " Huwag mong sabihing ---- "
" sira ! " pagpipigil ko sa sasabihin niya kaya naman natawa siya . " Why so defensive ,bro ? " At tumawa ulit siya kaya naman sininghalan ko lang siya.
" bro ! " si Jin
" miss you , bro hahahaha ! " si Lelouch at Brayan .
" Hi Julian ! " si Min . Tumango naman ako sakanilang lahat ng makalapit sila . " na miss ka namin Bro ! Ano ? kamusta ang pakiramdam mo ? " natatawang tanong ni Jin , inismiran ko naman siya . " oh-oh mukhang bad mood ang pretty boy ! Hahahaha " natatawang sabi naman Min . Natawa nalang ako sakanila . " Minsan parang baliw 'tong si Julian eh . " sabi naman ni Brayan kaya naman natawa kaming lahat . " coming from you ? " sabi naman ni Kin sakaniya . Mga baliw nga ! Nagkwentuhan naman kami ng kung anu-ano ,minsan napupunta ang topic kay Zen ,masaya naman akong nakikinig sakanila , pero pag nababanggit si Meg ,gusto ko silang layasan ,buti na lang nagch-change topic agad si Min . Naikwento ko rin sakanila ang nangyari samin ni Zen sa kamay nila Tracey . Hindi naman maipaliwanag ang mukha ni Jin dahil siya ang puno't dulo nito . " Ang kapal ng mukha niya a " naiiritang sabi ni Min . " ang pagkakaalam ko , siya ang nang-iwan kay Jin diba ? " dagdag pa niya. Tumango naman kami sakaniya . " e bakit naman babalik siya kung kailan naman nakarecover na ang good brother ko ?! Ibaaaa ! " natawa naman ako pero ang sama ng tingin sakaniya ni Jin . Inismiran lang siya nito. " Maya mga tao talaga na ... malalaman ang halaga ng isang tao , kapag nawala na ito . " napalingon kami kay Lelouch ng magsalita siya. Seryoso siya kaya naman medyo nag iba ang atmosphere . " wooooohh ! HUGOOOOT ! " bigla silang tumayo ni Brayan at nagsasayaw sayaw . Napailing na lang ako . " HUGOOOOT ! " at sabay rin silang naupo . Napahalakhak na lang kami dahil sa kakornihan nilang dalawa . "Oh my god ! Guys ! " napatayo pa si Min habang may tinuturo . " shit ! " napatingin ako kay Lelouch ng magmura siya . Ano ba yun ? Kailangan ko na rin bang lumingon ss tinitingnan nila ? " Zen " si Kin kaya naman napalingon na ako tinitingnan nila . Napatayo ako ng makita ko si Trina at Meg . At si Zen sa tabi ni Meg . Ano na naman bang eksena to Trina ?! " Ano na naman bang gagawin ng kapatid mo Julian ? " si Min na nanggagalaiti na . Hindi ko siya sinagot , nakatitig lang ako sa mukha ni Zen . Hindi siya galit , hindi rin siya kakikitaan ng pagseselos. Mukha siyang... nakarecover na . Dahil ba sa sinabi ko kahapon ? Nakikita ko na nagsasalita si Meg kay Zen pero nakatitig lang si Zen kay Trina , ganun rin naman si Trina sakaniya. " Hoy Minho ! " Tawag ni Kin sakaniya ng tumakbo siya palapit kila Zen kaya naman sinundan ko siya .
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomansI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...