Part 28√

5 1 0
                                    

Julian

Hindi ko na talaga iniwan si Zen sa loob ng ospital , minsan nagpapadeliver na lang ako ng makakakain namin . Pagkaraan ng dalawang araw ay lumabas na siya ng ospital , hinatid ko siya sa bahay nila kahit ayaw niya ,hindi naman siya nanalo sakin Araw ng linggo ngayon kaya naisipan ko na maglinis na lang ng sasakyan , wala naman kasi akong naiisip na pwedeng gawin ngayong araw . Natigil ako sa pag -iisip ng may dumaang sasakyan sa harap ko , tiningnan ko ito ,nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ang bumaba sa sasakyan " Hello Julian ! " hindi ako nakaimik ng bigla niya akong yakapin at halikan sa labi . " I miss you so much Julian ! " at niyakap ako ng napakahigpit. " Oh ? Hahahaha ! mukhang na surprise talaga kita aaah ! " hinawakan ko ang braso niya at inilayo siya sakin . Lumukot naman ang mukha niya sa ginawa ko. " Ikaw Julian ah ! Parang hindi mo ako na miss ! "parang batang nagtatampo naman siya . " hindi kita namiss , bakit ka ba nandito? " inis na tanong ko sakaniya , inalis ko ang gloves ko at binato sa compartment, nakita ko naman na umirap siya. " Suuus ! Ang sabihin mo bitter ka pa din kaya ka ganyan ! Move on move on din pag may time baby love ! " at tumawa siya dahilan para mapaismid ako . " Whatever ! So ano ngang ginagawa mo dito? " She rolled her eyes and flip her hair. " nandito ako para sa'yo " nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. " but .... wag kang assuming baby love ! Hahahahaha I'm here to give you this " at inabot niya sakin ang purple na invitation . Tiningnan ko naman siya ng nagtataka pero nagkibit balikat na lang siya sakin. Kinuha ko ito at binuksan . " wedding mo ? " at tumango siya ng may malaking ngiti . " kaya sorry baby love ! I'm getting married na kaya wala na talagang pag-asa na magkabalikan tayo Hahahaha "

" Tss . ang kapal mo talaga ... by the way Congratulation " sabi ko sakaniya . Ngumiti naman siya sakin ng malaki . " gusto ko sana na ikaw ang maging Best man ang kaso nandito na si Nico sa Pilipinas kaya sorry " natawa naman ako sa sinabi niya . " anong akala mo gusto kong maging Best man ? " inirapan naman niya ako. " Sabi na nga ba at bitter ka pa din ! "

" Tss . I'm totally recover Layca .. kaya huwag ka ng mag isip ng kung ano dyan . " sabi ko naman sakaniya .

" Okay ? hahahaha ! So ... who's the unlucky girl? " umismid ako sakaniya kaya natawa siya . " wala ka na dun " natawa naman ako dahil mukha na siyang mananapak . " Wala ka talagang bahid ng gentleman Julian ano ? Tss . Ni hindi mo man lang ako mayaya sa loob ng bahay mo ! god ! " naiiritang sabi niya sakin kaya naman nagkibit balikat ako . " Nakakainis ka talaga Julian ! tss " natawa naman ako sakaniya , binuksan ko ang gate at hinayaan siyang makapasok sa loob . " oo nga pala nandito ba si Trina ? " tumango ako pagkasunod ko sakaniya " Alam mo Julian , mas gwapo talaga sayo yung fiance ko , kapag nga nakikita kita sa facebook , natatawa na lang ako e , naging boyfriend ba talaga kita? Hahahaha "

" yung totoo ? Naka move on ka na ba talaga Layca ? Bitter much ka pa din e " natatawang sagot ko naman sakaniya kaya naman inirapan niya ako . " Whatever Julian ! " sagot niya naman sakin . " Hi Trina ! " bati niya kay Trina na ngayon ay nakahiga sa hita ni Meg habang nanunuod . " Oh --- Hi ? " patungkol niya kay Meg kaya naman lumingon si Meg sakaniya at ngumiti . " I'm Meg " nilahad niya ang kamay niya at nag shake hands sila " I'm Layca , nice meeting you " at ngumiti naman sakaniya si Meg . " By the way , you are Trina's friend ? Or Best friend ? " tanong niya ng makaupo sa sofa .Natahimik naman si Meg pero nakangiti pa rin siya dito. Nalipat ang tingin ni Layca kay Trina ng dahan dahan itong umupo " she's my girlfriend ,Layca " seryosong sabi niya kay Layca kaya naman napamaan siya , nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawa . " oh--kay? Hahahaha ! Nice " sabi na lang ni Layca . At ngumiti naman sakaniya ang dalawa . Napapailing na lang ako. " kailan ka pa dumating? Bakit hindi ka man lang nagsabi? " tanong ni Trina sakaniya . " kilala mo naman ako Trina , gustong gusto kong surpresahin kayo lalo na si Julian " iniamiran ko siya kaya natawa siya " ang bitter pa rin ng kapatid mo Trina " naramdaman ko naman na napatingin sakin si Meg kaya napatingin din ako sakaniya ,nakita ko na seryoso ang mukha niya kaya iniwas ko na ang tingin sakaniya . " by the way kaya umuwi rin ako para iinvite kayo sa wedding ko , may invitation na ang kuya mo kaya for whole family iyon , then dahil may kasama kang magandang girlfriend Trina , isama mo siya " ngumiti naman sakaniya si Meg. " sasama ka Meg ah "

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon