Part 32 √

6 1 0
                                    

Julian

Nakita ko na tahimik na nakaupo si Trina katabi si Meg sa sala , mukha silang masaya . Hindi ko magawang magalit kay Meg dahil sa ginawa niya kay Trina , siguro dahil nakikita ko sakanila na masayang masaya sila sa isa't isa. Kailangan ko ng tanggapin na ganito ang kapatid ko , kailangan ko silang tanggapin dahil natanggap na sila ng mga magulang ko. Bigla akong nahinto sa pag-iisip ng mapansin ko si Tito na nasa garden at parang galit . Medyo humarap siya sa pwesto ko kaya nagkatinginan kami . Ngumiti siya sakin kaya naman nginitian ko rin siya. Iniwas niya ang mukha niya sakin .Napalingon naman ako sa frame na nasa tabi ng drawer sa kusina , Family picture namin kasama si Ronie ,ang tatay nila Zen na papa namin . Sa kasamaang palad . Napahinga ako ng malalim .

" siya ang pumatay sa tatay namin ni Denden , na papa mo "

Napalingon muli ako sa pwesto ni Tito , nakaupo na ito at nagbabasa ng dyaryo . Malaking bagay na ang sinasabi ni Zen . Totoo kaya yon?

Flashback

Nakita ko na hinahampas ni mama ang braso ni Tito Rob habang umiiyak . Nakita ko naman na umiiyak na rin si Trina kaya naman nilapitan ko siya at pinapatahan . " Sinong hayop ang gumawa sakaniya non Rob ?! Wala siyang awa " nanghihinang napaluhod si mama kaya naman inalalayan siya ni Tito. Wala akong maintindihan sa nangyayari . " sorry ,hindi ko siya natulungan . Pero gagawin ko ang lahat mahuli lang ang pumatay kay Ronie ! " nakita ko na tumulo ang luha ni Tito kaya napaiyak na rin ako . Siningil na si Ronie sa mga nagawa niya samin.

end of flashback

Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari . May alam ba dito si mama ? " Hi baby ! " napalingon ako kay mama ng tawagin niya ako. Nginitian ko siya at bumaba na para lapitan siya . " good morning " bati niya at kiniss ako sa pisngi . " good morning din ma " bati ko rin sakaniya . " tara mag almusal na tayo , tapos na kasi sila Meg at Trina pati ang Tito mo kaya naman tayo nalang ang sabay na kumain " tuwang tuwang sabi ni mama kaya naman napatango ako sakaniya . " kain lang nak " nakangiti siya sakin . Ano bang problema ni mama at parang ang saya naman niya ngayon ? Ang weird kasi e  " may sasabihin ako sayo nak ahihihi " tumingin naman ako sakaniya ,naramdaman ko naman na napalingon samin sila Trina. " here " inangat niya ang kamay niya at pinakita sakin ang kumikinang na singsing sa kaliwang daliri niya . Napatingin ako sakaniya . " nagpropose na sakin ang Tito Rob mo anak ! " tuwang tuwang anunsyo niya . Napatingin kami kay Trina na tumayo at nakatingin kay mama . " excuse me " sabi niya at hinawakan si Meg para makatayo , sabay silang pumanhik sa kwarto . Binalik ko ang tingin ko kay mama na ngayon ay nalungkot . " kanina pa ako hindi kinakausap ni Trina , hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi siya masaya na magpapakasal ako sa Tito niyo " malungkot na sabi niya sakin . Nakaramdam naman ako ng awa para kay mama . Alam ko kung bakit ganun ang reaksyon ni Trina , dahil yun sa sinabi ni Zen kahapon. " ma , wag ka ngang paranoid , baka may aasikasuhin lang sila ni Meg kaya naman nagpaalam na sila "

nalungkot naman ang mukha niya " anak ,kilala ko kayo kapag nagagalit o nagtatampo kayo . Kaya naman nakakalungkot talaga na ... hindi pa rin niya tanggap si Roberto " napatungo ako . Tanggap na ni Trina si Tito ,siya nga ang nagpamukha sakin na kailangan ding maging masaya si mama at makamove on kay Ronie . Pero .. dahil sa sinabi ni Zen nagkagulo na . " ma , wag mo ng isipin yan . I'm happy for you . Congratulations " hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sakin . " thank you baby " nginitian ko rin siya . " By the way .. tumawag sakin si Layca ,and sad to say na-postpone ang wedding niya "

" bakit daw ma ? " nalungkot ang mukha niya . " nagkatrangkaso kasi yung groom niya kaya naman inusog nalang ang wedding next month , pero ayos na daw sabi niya " tumango naman ako . " Bakit nga pala kayo nagbreak dati Anak? Mukhang maayos naman si Layca " tanong ni mama kaya natawa ako .

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon