" Ano bang ginagawa mo rito ?! " madiing tanong sakin ni Zen kaya naman nilapag ko na muna ang hawak ko sa lamesa at hinarap siya. " pwede bang mamaya na yan ? Kumain muna tayo " rinig naming sabi ni Pau . Napatingin naman kami dito at nagkatinginan din kami ni Zen ,pero nauna siyang umiwas . " mag-uusap tayo mamaya ! " bulong pa niya sakin at naupo na siya sa tabi ni Denden , tiningnan naman ako ni Denden at inaya na tabihan siya ,hindi na naman maipaliwanag ang mukha ni Zen kaya natawa na lang ako. Wala naman akong ginawa sakaniya ah ! Tsss. Siya nga tong ano eh. " Kaming dalawa ni Julian ang nagluto niyan ! " masiglang sabi ni Sarah kaya naman nginitian ko na lang. " oh ? edi wow " pambabasag naman ni Khey kaya lumukot na naman ang mukha ni Sarah kaya natawa ako. " kumain na nga muna kayo " reklamo ni Ayrah sakanilang dalawa ,kaya naman natahimik na sila. Hindi ko naman maiwasan na mapatingin kay Sarah , Les ba siya ? Bakit parang ang gaslaw niya ? " ehem " napalingon ako kay Zen ng tumikhim siya. Nakita ko naman na nakataas ang kilay niya kaya napamaang ako ,nakatanggap lang ako ng irap. Tahimik kaming kumakain at wala sakanilang nais na basagin ang eksena na ito,kaya hindi na rin ako nag-ingay ,wala rin naman akong dapat na ika-ingay eh.--
" ako na ang maghuhugas ng plato ! " sabi ni Sarah kaya naman napatango kaming lahat sakaniya .Mukhang siya lang naman ang mahilig pumunta sa kusina kaya pinabayaan na nila. " Sama ka ulit sakin , Julian .. please ? " napalingon ako sakaniya. At lumingon din ako sa pwesto ni Zen na ngayon ay nakakuyom ang kamao , galit siya ? Ibig sabihin may something sila ni Sarah ? " please Julian ? " sabi pa niya . " wag mong pilitin ang ayaw , Sarah . Masasaktan ka lang " sabi nung Ninya kaya naman nagkatawanan sila . " Hindi , sasamahan ko talaga siya . " sabi ko pa . " Talagaaa ?! " tanong niya sakin na parang nanalo sa lotto ,kaya tumango na ako ." Yeheeeeeey ! Dyan na muna kayo aaaah ! Babussssh ! "
" Sige ! Layas ! " sabi naman ni Khey kaya naman inirapan niya lang ito. Pumasok na kami sa kusina ni Sarah , hinanda niya ang mga gagamitin sa paghuhugas ng plato. " Ano nga palang gagawin ko ? " tanong ko sakaniya. Wala naman yata akong gagawin dito , bakit pa niya ako pinasama ? Humarap naman siya sakin na malaki ang ngiti. " Nakita mo ba ? " pasugod niya akong tinanong kaya naman napaatras ako . " Yung alin ? " nakakunot noong tanong ko sakaniya ,lumayo siya kaya naman napaayos na ako ng upo. " eiiiiiii !!! " pigil na tili niya . Lalo naman akong nainis . " Bakit ba ? Ano ba yun ? " nawawalan ng pasensyang tanong ko sakaniya kaya naman humila siya ng upuan sa harap ko at naupo . " nakita mo ba yung mukha ni Zen kanina pa ? Hahahahahaha ! Dre selos na selos ! "mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko. May humaplos sa puso ko na kung ano dahil sa sinabi niya. Pero may sakit din dahil baka hindi ako ang dahilan. " Oh bakit naman ganyan ang mukha mo ? Hindi ka ba natutuwa ? kasi ako tuwang tuwa eh ! Yiiiiiiieeeee ! " kilig na kilig na sabi niya kaya naman napangiti na lang ako. " start of the new love story at magiging maganda ang ending na to ! " sabi pa niya kaya naman lalo akong nawalan ng gana. Tumayo ako at nagulat naman siya. " saan ka pupunta ? " takang tanong niya. " uuwi na muna ako ha . Kailangan ko palang umuwi ng maaga ngayon uuwi kasi parents ko. " pagsisinungaling ko sakaniya kahit bukas pa naman ang uwi nila mama. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko dito ,kahit mukhang ayaw niyang pumayag ay wala na siyang nagawa ng tumalikod ako at lumabas ng kusina , naagaw ko naman ang atensyon nila lalo na si Zen na seryosong nakatingin sakin.Nagpaalam na ako sakanila kaya naman mga nagreklamo sila , kesyo maaga pa raw , na saglit lang ako ,pero sa huli wala pa rin silang nagawa . Lumabas na ako ng bahay pagkatapos kong magpaalam sakanila , hindi ko na pinansin si Zen . " Julian ! " lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Zen na papalapit sakin . " Bakit ? " taka ko naman siyang tiningnan ,hindi ba dapat ako ang magtanong sakaniya dahil siya ang tumawag sakin ? " I mean, bakit uuwi ka agad ? " tanong niya sakin kaya naman lalo akong napatingin sa mukha niya. " Masama ang pakiramdam ko kaya kailangan ko ng umuwi . " pagsisinungaling ko sakaniya kaya naman nilapat niya ang likod ng kamay niya sa noo at leeg ko. Napamaang ako dahil sa ginawa niya. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi . " Ayos ka lang ba ? Gusto mong magpahinga na muna sa kwarto ? " umiling ako " ayos lang ako ,kailangan ko lang talagang magpahinga sa bahay , sige bye. " dahan dahan niyang ibinaba ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko kanina . Tumaikod na ako sakaniya at lumabas na ng gate . Ng nakita ko pa siyang nakatayo sa loob ay kumaway ako sakaniya kaya naman kumaway na rin siya . Teka ? Kailan pa ako natutong kumaway ? Napailing na lang ako at sinuot na ang helmet at bumyahe na. Habang papalayo ako sa bahay nila ay nakaramdam ako ng lungkot. May mag-aalaga naman sakaniya dun. Marami pa nga eh , ayos na yun , atleast napuntahan ko siya. Effort yun ah.
---
Pagkapasok ko ng bahay ay sumalubong sakin si mama at bigla akong niyakap . " Ma ! " tuwang tuwa ko rin naman siyang ginantihan ng yakap " ang laki laki na talaga ng baby boy ko ! " humiwalay siya sakin ng yakap at tinadtad ako ng halik sa mukha . " ma naman ! " natatawang suway ko sakaniya dahilan para bumusangot siya. " Ganyan ka na Baby Boy ahhh ! Tumangkad ka lang at gumwapo ginaganyan mo na ako huhuhuhu " natawa naman ako sa ginawa niya , nag -iiyak iyakan siya kaya naman niyakap ko siya. " ma naman , ako pa rin ho ang anak niyo ,pero hindi na po ako baby " sabi ko sakaniya kaya naman umismid siya. " ikaw pa rin ang baby ko kaya wag ka ng pumalag ! " sabi niya sakin kaya napakamot ako sa ulo , naglakad na kami papuntang sala at duon naupo , pinaghanda kami ni manang ng makakain kaya nagsimula na akong kumain, mukhang nagutom ulit ako. " ang aga niyo ma ah, akala ko bukas pa? " tanong ko sakaniya kaya naman napatingin siya sakin " Ang tito mo kasi excited na makita kayo ! At talagang siya pa ang nagsabi sakin na wag munang ipaalam sainyo na pauwi na kami hahahaha ! Para daw surprise ! " sabi ni mama sakin kaya naman natawa ako. " si Tito talaga hindi na natapos ang surprise . " sabi ko naman sakaniya . " alam mo naman 'yon iho , mas gusto niya na nasusurprise tayo kaysa sa umaasa tayo hindi ba ? " nagpatango tango naman ako sakaniya. " the best dad ever " at niyakap naman ako ni mama . " matutuwa siya kung sa harap niya mismo mo sasabihin yan anak " at nagkatawanan naman kami . Simula ng mawala si papa sa pamilya ay si Tito Rob na ang tumayong papa samin . Kapatid siya ni papa , hindi namin matanggap na magkakaroon pa ng koneksyon si papa saamin kaya ginagawa ko ang lahat para mapaalis si Tito dito . Hanggang sa nararamdaman nalang namin na ginagawa niya ang lahat para kay mama at saamin ni Trina kaya unti-unting naging bahagi na siya ng pamilya . " Baby ! Mamaya na pala ang dinner natin , nasabihan ko na sila Kin kumpleto daw sila! " pumapalakpak pang sabi ni mama " Ininvite na rin ni Trina ang girlfriend mo Baby Boy ! " Napalingon ako kay mama ,nakatingin siya sakin habang nakangiti pero nakatingin lang ako sakaniya ng seryoso . Hindi pa rin sinabi ni Trina ?! " May problema ba Julian ? " nag-aaalalang tanong ni mama kaya naman napailing ako at ngumiti sakaniya. " Nasaan si Trina,Ma ? " tanong ko sakaniya " sinundo na si Meg anak " Nakangiti pang sabi niya sakin kaya naman napatango nalang ako. " ahh ma , may susunduin din ako ah , I'm sure magugustuhan mo siya . " sabi ko kay mama kaya naman tumaas ang kilay niya. " Anak , hindi magandang maglaro ng apoy ah ! " suway niya sakin . " ma , special sakin ang taong ito ,kaya naman pagbigyan niyo na ako " napangiwi naman siya . " anak , mas special pa kaysa sa girlfriend mo ? Ano ba naman 'yon ? Dapat nga ikaw ang nagsundo kay Meg e ! Ano ba naman klaseng boyfriend ka anak ?! " naghihinakit na sabi niya sakin kaya naman napahilamos ako ng mukha. " Ma , please ? " with matching puppy eyes pa yan ! Sana effective . Napabuntong hininga naman siya at tumango . " Yes ! " at niyakap ko siya . " basta before 7 pm nandito na kayo ha " at tumango naman ako sakaniya , humalik muna ako sa noo niya at lumabas na ng bahay. Trina , hindi mo ako pwedeng magamit ngayon . Hindi ko na hahayaan na ilihim mo pa ang sekreto niyo ni Meg.
No way .
****
comment , vote and follow :)
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...