Social week
Nagsimula na akong mag tour sa mga bisita , may pagkakataon na naiirita ako dahil mukhang hindi naman sila nakikinig ! Mga nakatingin lang sila sa mukha ko ,kaya naman nakipag palitan na lang ako sa secretary ko , siguro mas makikinig sila kapag siya ang nag tour , strikta kasi 'yon. Papunta ako ngayon sa booth nila Kin , bibisitahin ko lang siya at kakamustahin , nakita ko naman siya na nakaupo sa lamesa habang nakatingin sa mga kasamahan niya na nag-aayos ng kurtina . " Mukhang busy ah " natatawang sabi ko sakaniya pero napasimangot naman siya. " anong busy ? tsss ! Ayaw nga nila akong patulungin e ! " parang bata na sabi niya kaya naman natawa ako. " hayaan mo na sila , baka mas maganda ang kalalabasan ng booth niyo kapag wala ka hahahaha " napaismid naman siya. " tatawa na ba ako ? " sabi niya pa . " mamaya na para unli . " natawa na lang ako sa sama ng tingin niya . " oo nga pala malapit ng magperform sila Zen no ? " sabi niya habang kumukuha ng plato at binigay sakin ang isa . " oo , sana nga di manakit ang ulo niya , may benda pa naman " nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko , pagkatapos yung kaniya rin . " ano ba kasing nangyari ? Bakit naman may batuhan ng bakal ha ? " tanong niya sakin kaya naman nilapag ko muna ang plato . " Pinatawag ako ni Tracey . " nanlaki ang mata niya , sakto pa na may laman ang bibig niya kaya mukha siyang tanga. " Seryoso ? " manghang tanong niya pa kaya tumango ako , nakita ko naman na napapailing siya. " Gusto niyang bumalik si Jin sakaniya , sabi ko naman , kahit patayin niya pa ako dun o pilitin ko man si Jin na bumalik sakaniya wala na siyang pag-asa " natawa siya . " unless , kung gagamit siya ng gayuma " Natawa na talaga siya ,binaba niya ang pagkain niya at humarap sakin . " ang desperada naman niya . " tumango ako . " nagalit siya , kaya ayun nasuntok ako ,tapos yung iba may hawak na arm chair , narinig ko naman na sumigaw si Zen kaya natigil sila . "
" sigurado ka ba na sila ang gumawa nun kay Zen ? " napatingin ako sakaniya , mukhang mag iniisip siya , napakaseryoso ng mukha niya . " anong ibig mong sabihin ? " balik tanong ko sakaniya . " Paano kung hindi sila ang bumato nun kay Zen ? " lalo tuloy akong nalito . " sa kwento mo , busy ang mga goons ni Tracey sa pambubugbog sayo . "
" oy ! Isang suntok lang ang natanggap ko ah " singhal ko sakaniya kaya naman natawa siya . " oo na ! " natawa kami pareho ,pero agad rin siyang sumeryoso . " naisip ko lang , baka may iba pang gumawa nun kay Zen , nagkataon lang na nandoon kayo para ang mga goons ang mapagbintangan . " sabi niya pa . Napaisip ako , mukhang tama si Kin sa conclusion niya , Nasa harap ko si Tracey nun that time ,tapos ang mga kasama niya halos lahat nakaharap sakin . Pero pwede rin namang isa sa mga kasamahan niya ang hindi nagpakita . Nag announce na si Ms.Pacheco kaya naman nag-ayos na sila Kin ,nagpaalam na rin ako sakanila . Pagdating ko sa booth namin ay nakita kong maraming tao , mabenta ang booth ngayong taon , mukhang paubos na rin ang mga souvenir.
--
Inalis na namin ang mga natirang gamit sa booth , tinabi na muna namin para sa susunod na araw ng social week . Ilang minuto na lang at kakanta na sila Zen ,kaya kailangang maaga kaming matapos sa paglilinis para makapanuod ako. Kailangan ko silang suportahan kasi ...
Kaibigan ko sila ... Tama ! Kaibigan .
---
Papunta na kami sa covered court , sa bungad ay nakita ko si Jin kaya naman nilapitan ko siya . " Bro ! " tawag niya sakin kaya naman tumango ako. " nasaan sila ? " tanong ko naman pero napangisi siya . " bakit ? " natatawang umiling naman siya . Bigyan ko kaya to ng sapak ? tsss . " nasa stage na sila , nagrerehearse sila kanina " tumango naman ako . Sabay na kaming pumunta ni Jin sa stage ,nakita ko agad si Zen na nakatayo sa gitna habang hawak ang stand ng mic. Napakasimple ng mukha niya , light na light din ang lipstick niya , parang ... Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa kalokohang naisip ko . Ano bang nangyayari Julian ?! " Hi Julian ! " tawag ni Min sakin kaya naman tumango ako sakaniya . Tinanguan ko rin sila Lelouch , Brayan at Vj . Hindi ko maidako ang tingin ko kay Zen , kinakabahan ako ! Parang ngayon lang ako natakot ,imbis na kanina habang nasa bingit ako ng kamatayan tss. " Hi Zen ! " nagitla ako ng batiin siya ni Jin kaya naman napalingon din ako sakaniya . Nakita ko naman na seryoso ang mukha niya , pero ng mapatingin sakin ay bigla siyang ngumiti . Parang nagyelo ang buong katawan ko dahil dun . " Nakuuuu ! Hahahahahahaha " Napalingon ako kay Jin na tawang tawa naman sa may gilid ko . " Iba ! " sabi pa niya bago ako iwanang nakatulala . Ang ganda ng ngiti niya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko , Julian ! What the hell happen to you ?!
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...
