" Zen ? " tumingin siya sakin . " sorry kanina " nangunot ang noo niya . " kanina lang ? " parang batang nagtatampo kaya naman natawa ako . " ang pagkakaalam ko , kahapon ka pa nagsimulang mag-inarte -- ayy , nung isang araw pala , rather" at inirapan niya ako . " oo na ! Sorry na nga diba ? Ikaw kasi ... "" Nagsorry ka pa kung maninisi ka lang din tss . "
" Tss . ang arte mo naman " natawa naman siya sa sinabi ko . " Coming from you ha ?" sarkastikong sabi niya naman sakin ." tss . sorry na nga diba ? "
" galit ka ? "
" Hindi ah ! "
" eh bakit naninigaw ka ?! Ganyan ba ang nagsosorry ?" napakamot naman ako sa ulo . " huwag mo akong sigawan , lalo akong magkakasakit niyan eh " reklamo ko at parang natauhan naman siya kaya nanahimik na lang siya . " sorry " sabi ko na naman kaya natigil siya sa pagpunas sa leeg ko . " sorry kasi naabala pa kita " umiling naman siya sakin . " hindi ka abala , kahit sila Min ang magkasakit aalagaan ko sila . " Nainis na naman ako . Tss . " May gusto ka ba kay Min ? " inis na tanong ko sakaniya . " hindi naman siya mahirap gustuhin " napatayo ako kaya nanlaki ang mata niya . " so .. gusto mo nga siya ?! " literal na nanlaki ang mata niya at bigla siyang natawa . Napaismid naman ako sakaniya . " bakit pakiramdam ko nagseselos ka Julian ? " kung tingnan niya ako parang isa akong kriminal at kailangang paaminin . " kapal " natawa naman siya sa sinabi ko. " Hindi mahirap gustuhin si Min, Julian ... pero may iba kasi akong gusto, at alam ni Min yon " Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya . May kung anong gustong lumabas sa puso ko , kinakabahan ako . Tss . " gusto mo bang malaman kung sino ? " Umiling ako , ayokong malaman kung hindi naman ako yon . Napahinga ako ng malalim at humiga sa kama . " bakit ayaw mong malaman ? " tanong niya sakin. " ayoko lang , baka hindi ako matuwa " sagot ko sakaniya ng hindi man lang siya nilingon. " ganun ba ? Oh sige , sana hindi ka magsisi sa desisyon mo" naramdaman ko naman na gumalaw siya kaya napatingin ako sakaniya . Tumayo siya at naglakad papunta sa sofa , nahiga siya at tumalikod sakin. " may problema ba ? " tanong ko sakaniya pero umiling lang siya. " bakit naman kasi napaka big deal sayo na malaman ko ? Tss " pero hindi niya man lang ako sinagot. Dahan dahan akong umupo dahil masama talaga ang pakiramdam ko , naramdaman naman ni Zen na aalis ako sa higaan kaya agad siyang humarap sakin at tumayo " saan ka ba pupunta ? Ang tigas talaga ng ulo mo ! " inismiran ko naman siya . " coming from you ha ? " sinamaan naman niya ako ng tingin . " saan ka ba kasi pupunta? " asar na tanong niya sakin habang nakahawak sa braso ko at inalalayan ako na makaupo ulit sa kama ,sumunod na lang ako sakaniya baka bigla niya akong batukan . " tatabi sana ako sayo sa sofa baka sakaling magkasya tayo e" ang sama na talaga ng tingin niya sakin kaya napaayos na ako ng upo .Napahawak ako sa ulo ko kaya naalerto siya. Ang sakit . " Bakit Julian ? Anong nangyari ? " tanong niya sakin ,nakahawak na rin siya sa ulo ko . " Ang sakit "
Zen
" Ang sakit " sabi niya sakin kaya naman nataranta na ako , kailangan ng gamot ! " Saan ba ang medicine kit mo dito ? Ano bang iniinom mong gamot pag may sakit ka ? Gusto mo dalhin na kita sa ospital? Ano Julian ?" sunod sunod na tanong ko sakaniya pero wala akong nakuhang sagot kaya hinawakan ko ang magkabilang braso niya at iniharap siya sakin ." Julian , anong nararamdaman mo ? Magsabi ka " Tinitigan niya ako kaya naman napatingin din ako sa mga mata niya . " Pag ba magsabi ako sa'yo maalagaan mo ako? " tumango ako dahil nag-aalala na talaga ako , baka mapano pa to . " gusto kita Zen " napamaang ako sa sinabi niya. " H-ha ? " hindi makapaniwalang tanong ko rin sakaniya , inalis niya ang kamay ko sa braso niya at siya naman ang humawak sa braso ko , ramdam na ramdam ko ang init niya gawa ng lagnat , masama nga talaga ang pakiramdam niya. " Gusto kita Zen ... hindi ko alam kung paano nagsimula at bakit ikaw . " natameme ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, natutuwa ako dahil hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng kakaiba samin , pero ... " Liligawan kita Zen " napalingon ako sakaniya . " Ha-haha grabe ka naman Julian ,magpahinga ka na nga ! Nagdedeliryo ka na talaga " pilit na tawang sabi ko sakaniya. " may lagnat ako ,pero hindi ako lasing Zen , kaya kapag nakatulog ako at gumising ulit , alam ko ang mga sinabi ko sayo , kaya huwag kang ano dyan " natatawang sagot naman niya sakin. " tss . magpahinga ka na nga ! " singhal ko sakaniya kaya naman natatawa siyang humiga . " tabihan mo ako " sinamaan ko siya ng tingin kaya naman natawa siya. Loko ! " Liligawan kita Zen , sa ayaw o sa gusto mo " ngumiti ako sakaniya . Kinikilig ba ako? Tss . Kailan pa nagbago ang taste ko? Pssh. Baka natuwa lang ako sa mga sinabi niya ? A boy is always a boy ! Napailing na lang ako. Napatingin ako sa mukha niya na mahimbing na natutulog. Hindi ko maitatanggi na ang gwapo niya talaga , tama si Sarah , ang swerte ko dahil ako ang napansin ni Julian kaysa sakaniya. Di hamak na mas maganda si Sarah sakin o kaya sila Pau ,pero wala ... Ako pa rin ang nakita niya. Napangiti ako , pag niligawan ba niya talaga ako , sasagutin ko siya ? Pero hindi pa ako masyadong nakakarecover kay Meg. Binasa ko ang towel at nilagay sa noo ni Julian . Mahaba ba ang pasensya mo Julian ?
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...