JulianNakakainis naman kasi ! Hayst . Hindi man lang ako pinigilan ,talagang hinayaan lang akong mag commute ? Sabagay , ayun ang sabi ko e . Ang cold ng treatment ko sakaniya , naiinis kasi ako ! Aist . Nung sinabi niya na babawiin niya si Meg kay Trina kapag sinaktan siya nito ,naasar ako ! Hindi ba dapat mag move on na siya at magsimula ng bagong love story? Nakarating na ako sa school , hindi ko nga alam kung nakapagbayad ako sa jeep e . Lutang na lutang ako hays . Lahat ng madaanan kung tao ay umiiwas na mabangga ako , masusuntok ko talaga pag nagkataon , tsss . Nababadtrip talaga ako ! Nagseselos ako ! Naiinis ako ! Lahat ng pwede kong maramdaman nararamdaman ko na ng dahil kay Zen ! Tss . Tahimik akong umupo sa pinakalikod para hindi ako mapansin nila Zen ,nakatingin lang ako sakaniya habang inaayos ang mga wire na nakapulupot sa stand ng mic ,mukhang wala siya sa mood , dahil ba sakin ? Hmmmm. Ang assuming mo Julian
Teka ?
Gusto ko ba si Zen ?
Kailan pa ? Saan ? Paano ? Nung hinalikan niya ba ako ? Sa bar ? Oh unang pagkikita namin sa school ? Ipinilig ko ang ulo ko . Ang dami dami kong naiisip na pwedeng maging dahilan ,pero ... lahat yun pwede talaga . Tss . " President ! " Lumapit sakin ang Vp ng organization namin kaya naman sabay sabay ding napalingon sakin sila Zen , pag umaayon nga naman ang pagkakataon oh . Tss . Kumaway si Zen sakin kaya naman napakaway din ako . Na ikinangisi naman nila Min . Napapailing pa silang tinatapos ang gawain . Inismiran ko naman si Zen ng ngumiti siya . Sinamaan ko ng tingin si Harold ,siya yung Vp . " President " tawag niya sakin kaya naman napaayos ako ng mukha . " pasensya na Pres , di ko alam na nagtatago pala kayo " natatawang sabi niya kaya naman napaismid ako . " hindi ako nagtatago " tumawa nalang siya . " Anong kailangan mo ? " tanong ko sakaniya kaya naman sumeryoso na siya at may inabot sakin na black envelope . Kinuha ko agad ito " nakita ko po 'yan sa locker mo sa booth , kinuha ko na para ibigay sayo ,baka po kasi may makakuhang iba ,baka po importante pa iyan . " dinig kong sabi niya kaya naman napatango ako sakaniya . " salamat " tumango siya at nagpaalam na . Nilingon ko si Zen na ngayon ay nakakunot na ang noo habang nakatingin sakin. Iniwas ko na lang ang tingin ko baka magtanong pa siya . Umayos ako ng upo at binuksan ang envelope .
The Final count down .
10
Ayan ang sabi sa unang letter na nabuksan ko . Kaya naman binuksan ko ang isa pa na kasunod nun .
9
Ayan lang ang nakalagay . kaya binuksan ko na ang iba pa .
8
7
6
5
4
3
2
1 .....
At nakita ko na ang panghuling nakalagay sa envelope . Nakatalikod ang litrato sakin kaya naman nakaramdam na ako ng kaba . Dahan dahan kong kinuha ang litrato at iniharap sakin . Gusto kong sumabog sa sobrang galit sa nakikita ko . Si Zen , nasa kwarto siya at walang malay . Duguan at may posas sa kamay . Tiningnan ko si Zen , paano ba nangyaring ... parang bago ang mga litrato pero wala namang bagong galos sa katawan ni Zen? Nakita ko na nakangiti siya sa mga tao sa paligid niya . Sino ba talaga ang nagpapadala sakin ng mga litrato ? Ano bang gusto nilang maramdaman ko ? Nakakainis pag pa misteryoso ang mga tao sa paligid ko , pakiramdam ko hindi ligtas si Zen , pakiramdam ko kailangan ko talagang bantayan siya ! Hindi ka pwedeng mawala Zen , lalo na ngayon ... lalo na ngayon na ... gusto kita . Tss .
![](https://img.wattpad.com/cover/72922605-288-k55463.jpg)
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...