Dedicated to Fantacln
Zen
Minulat ko ang mata ko at bumungad sakin ang napakaliwanag na sikat ng araw . Kinurap kurap ko ang mata ko at luminga linga sa paligid . Inangat ko ang kamay ko dahil parang may mabigat na bagay dito . Dextrose . Natawa nalang ako dahil nasa ospital na naman ako. Nahagip ng mata ko si Julian . Nakaramdam ako ng kaba . Bakit siya nandito ? Ano bang nangyari ? Akala ko patay na ako . Kasi nawalan na ako ng malay . Paanong ? " Gising ka na pala ,kamusta ang pakiramdam mo? " napamaang ako sakaniya ng lumapit siya sakin ,gusto kong magwala at magtatalon talon ng hawakan niya ang pisngi ko habang nakangiti . Wala akong masabi . " May masakit pa ba sayo ? Gusto mo ng kumain? " nakangiti pa rin niyang tanong sakin pero nakatingin lang ako sakaniya . Nangunot naman ang noo niya " May nararamdaman ka ba? May masakit ? Saan ? " nag-aalala ang mga mata niya ,parang gusto kong maiyak . " Shhhh . Tahan na Zen , ano bang masakit ? " natatarantang tanong niya habang pinupunasan ang luha na pumatak sa mata ko . " Sandali tatawag lang ako ng nurse " natigil siya sa paghakbang ng hawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya sakin at muling umayos ng harap . " sabihin mo sakin may masakit pa ba ? " kitang kita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya ,malamlam ang mga mata niya na parang gusto na ring maiyak . Huminga ako ng malalim . " Totoo ba 'to? " napamaang siya sakin dahil sa tanong ko . Bumukas ang bibig niya pero wala siyang masabi . " Hindi ba ako nananaginip na nandito ka sa harap ko ? " humihikbing tanong ko ko pa . Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon . " I'm so sorry Zen " naiyak na talaga ako dahil sa sinabi niya . " woy ! Tahan na . Nagsosorry na nga e " parang batang pag-aalo niya sakin . Pinikit ko ang mata ko at muling binuksan , nakatingin na siya sakin ngayon na parang takot na dahil mukhang iiyak na naman ako . " Tahan na Zen , sorry .. dahil hindi man lang kita hinayaang mag explain . Tapos kung anu-ano pa ang sinabi ko sayo , hindi pa kita pinaniwalaan .. Sorry talaga Zen " napatitig ako sa mukha niya .
" Alam mo na ? " takang tanong ko sakaniya at tumango siya . " P-Paano? " ngumiti siya sakin . " May mga lihim lang talaga na nabubunyag sa tamang panahon Zen ,wag ka ng mag-alala , nakakulong na si Tito " Nakaramdam naman ako ng kalayaan , sa wakas . " alam ko na hindi na siya makakagawa ng kalokohan sa loob . Sana " bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya . " Syempre hindi ko na hahayaan na masaktan ka pa niya Zen .. pati na rin si Denden " napatingin ako sakaniya . " Hindi ka na galit sakin? " Bigla naman siyang napaiwas ng tingin . " hindi naman ako nagalit sayo , nasaktan lang talaga ako " sabi niya kaya tumango tango pa ako sakaniya . " hindi ko na hahayaan na masaktan pa kayo sa kamay niya o kahit na sino pa " nalungkot ang mga mata niya , hinawakan niya ng mabuti ang kamay ko at dahan dahan na lumapit sa mukha ko . Hanggang sa malapit na siya sa mukha ko . Napapikit ako ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko . Saglit lang 'yon pero ramdam na ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko . Inilayo niya ang mukha sakin kaya binuksan ko ang mata ko . " Pangatlong beses na to pero kinakabahan pa rin ako " natawa naman siya sa sinabi ko . " pang-apat na yan Zen " at kinindatan niya ako . Nangunot ang noo ko . Paano naging pang-apat? " At huli na rin " naramdaman ko na lumuwang ang hawak niya sa kamay ko kaya naman hinawakan ko pa ito ng mahigpit . " Huwag mo akong hawakan ng mahigpit . Bawal to Zen .. baka hindi na ako bumitaw sayo " hindi ko na napigilan ang luha ko ,nakita ko naman na parang natauhan siya .
" Bakit ba ang iyakin mo ? Tss " singhal niya sakin pero hindi pa rin niya maitatago sakin ang pag-aalala niya . " Bakit mo ba kasi ako pinapaiyak? " humikhikbing tanong ko sakaniya . " Zen alam mo na bawal to " lalo akong naiyak . " Zen naman " tawag niya pa sakin . " Ano ba kasing sinasabi mo? Ano bang bawal? " pinunasan ko ang luha ko pero may pumatak na naman . Huminga siya ng malalim bago siya nagsalita " magkapatid tayo Zen , bawal yun . Malaking bawal " napatitig ako sa mukha niya . At . " Waaaaaaaaaahhhh !!! "
![](https://img.wattpad.com/cover/72922605-288-k55463.jpg)
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...