Part 13

8 2 0
                                        


3 days nalang at social week na ,kaya naman hindi na ako nakakatambay dahil na rin sa puro meetings kami para sa pakulo namin ngayong taon na ito. Bilang president ng DCLC ay hindi na rin ako nagpapetiks ,marami pang dapat na asikasuhin . Naghanda kami ng isang special number para sa mga bibisita sa booth namin, parang tour ang mangyayari , may mga tour guide na maghahatid sa mga bisita sa iba't ibang lugar na gusto nilang puntahan sa Pilipinas ,pero hindi naman literal na makakapunta sila roon , sa bawat room ay may nakalaan na probinsya halimbawa na rito ang Angono Rizal dahil ito ang Art Capital of the Philippines , na sa Rizal makikita .Ang Cebu na tinuturing na Queen City of the south. Ang Palawan dahil sa magagandang tanawin doon ,maging ang mga madalas pasyalan kapag summer . Ang Boracay! at marami pang iba ,kaya lahat ng member ko ay nagtutulong tulong sa paggawa ng mga booth na iyon. Samantalang sa KAMFIL naman ay busy rin sila Kin , kung mga lugar ang matatagpuan sa booth namin , sakanila naman ay puro pagkain sa bawat lugar namin . Pag natapos ng pasyalan ng mga bisita ang booth namin dadalhin naman sila sa booth nila Kin ,pinagsama na namin ang pakulo namin para na rin makapagtulungan kaming lahat ,wala namang problema iyon sa mga professor and Dean. Ng matapos kaming mag-meeting ay pumasok na ako sa room , nakita ko na nakupo si Zen sa tabi ng upuan ko ,nilapitan ko siya at napatingin naman siya sakin. " Mukhang pagod ah " sabi pa niya sakin kaya naman napakamot ako ng ulo. " Alam mo sa lahat ng nakakainis ,ikaw ang pinakagwapo " napatitig naman ako sa mukha niya na ngayon ay nakatingin sa notebook niya . Napangisi ako . " so ... nagagwapuhan ka sakin ? " kunot noo naman niya akong tiningnan . " Ha ? " maang maangan niyang tanong sakin.Kaya naman natawa ako . " Sabi mo kanina , sa lahat ng nakakainis ako ang pinakagwapo , so .. gwapo nga ako sa paningin mo ? " natawa naman siya at hindi makapaniwalang tiningnan ako . " wahahaha !Binasa ko lang ang nakalagay sa script ko para sa role playing mamaya , hindi ko naman napansin na narinig mo pala .. pasensya na " Bigla namang nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya . Tsss . Umupo nalang ako ng maayos para maitago ang pagkapahiya. Saang role playing naman yon . Natawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin . " Bakit ? " natatawang tanong niya sakin at umismid naman ako sakaniya . Nakita ko nalang na umiling iling siya . " woooh ! " sabi pa niya . Hays . Ibang klase mantrip ang isang 'to . " Hi Zen , Hi Bro ! " bati samin Kin kaya naman napatango kami ni Zen sakaniya. " Bro ! Tita Carol call me last night " napamaang naman ako sa sinabi niya . " Ha ? Bakit daw ? Tinawagan niya din ako e. " sabi ko pa sakaniya . " She invite me to have lunch in your house ! Kasama ang buong banda ! " tuwang tuwang sabi pa niya . " at hindi mo sinabi sakin na may girlfriend ka ! " nanuyo naman ang lalamunan ko at napatingin ako kay Zen , nakatingin na rin siya sakin na parang nagtatanong. " who's the lucky girl ? " tanong naman ni Zen sakin kaya naman napatingin ako kay Kin na nakangiti na rin sakin ,at nalipat na rin ang tingin ko kay Zen . " wala akong girlfriend ! " sabi ko sakanilang dalawa . " pero sabi ni tita -- "

" sinabi ni Trina kay mama na ... girlfriend ko si Meg "

" Haaa ? Bakit niya naman ginawa yon ? " hindi makapaniwalang tanong ni Kin sakin . " sabi niya sakin kailangan niya ng tulong, para hindi sila mahalata ni Mama " napatingin ako kay Zen na ngayon ay nakatingin lang sa sahig , nakakuyom ang kamay niya . " pero sabi ko sakanila , wag na nila akong gamitin sa kalokohan nila "

" hindi ka pumayag ? " tumango naman ako bilang sagot kay Kin .

" sabi ko sakanila , ipapakilala niya si Meg ,bilang girl --- " Natigil ang sasabihin ko ng biglang tumayo si Zen at nagbabalak na umalis . " Zen magsisimula na ang klase " pigil naman sakaniya ni Kin . " pasensya na " tumingin siya sakin , naupo naman siya sa tabi ko ng hindi niya inaalis ang tingin sakin. " sasama ako sa gatherings niyo , ayos lang ba ? " napanganga si Kin sa sinabi ni Zen , napatingin naman sakin si Kin. " ah .. Sigurado ka ? " tanong ko naman sakaniya , tumango naman siya kaya ... " ayooon ! "

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon