Inalalayan ko siyang makababa ng sasakyan , narinig na namin ang mga kantahan sa loob ng bahay , panigurado sila Kin na iyon . Nagrent siguro si mama ng videoke para na rin sa mga kaibigan ko . Ganun niya kamahal ang mga kaibigan ko , hindi na rin iba ang turing niya kila Kin . " Pwede pa namang mag back out diba ? " rinig kong sabi ni Zen sakin kaya naman napatingin ako sakaniya ,nakita ko na nagpapaling linga siya sa loob ng bahay " kinakabahan ka ? " tanong ko sakaniya at tumango siya . " Ikaw pa ba ang kakabahan? Ako na nga escort mo diba ? " natatawang sabi ko sakaniya pero nakatanggap lang ako ng masamang tingin kaya naman napatikhim ako . " Hindi ko maalala kung kailan ang araw na naging close tayo Julian tss. " sarkastikong sabi niya sakin kaya naman napaismid ako . " so .. tara na ? " nilahad ko ang kamay ko sa harap niya at tinanggap naman niya iyon. Nanayo na naman ang balahibo ko sa pagdampi ng kamay niya sa mga kamay ko. Ibang klase talaga ang epekto niya sakin. Inalalayan ko siyang maglakad papasok sa bahay . Iniisip ko lang , lesbian ba talaga tong kasama ko? Para siyang prinsesa . Prinsesa ko at ako ang prinsipe.
Haaaaa ?!
The nerve I say that ! Naipilig ko ang ulo ko . Nababaliw ka na Julian.
Natigil ang kantahan nila Kin ng makita kami . Pati sila mama , Trina at Meg ay nakatingin na saamin ngayon . Tumayo si Min at naglakad palapit kay Zen na ngayon ay hawak ko ang kamay . Napadako ang tingin ni Min sa magkahawak naming kamay. " What is the meaning of this ? " natatawang tanong ni Min samin ng makalapit siya. " Kung ano ang naiisip mo ,Min " sagot naman ni Zen kaya napalingon kaming dalawa sakaniya. " ang ganda mo Zen ! " niyakap niya si Zen kaya unti unting nabitawan ni Zen ang kamay ko , daig ko pa ang nabroken hearted sa ginawa niya. Iniiwas ko na lang ang paningin ko sa kanilang dalawa . Sa tabi ni mama ay nakita ko sila Meg at Trina , mukhang nagulat sa nakita nila , lalo na si mama na ngayon ay nagpalipat lipat ng tingin sakin at kay Meg . Kumaway ako sakanila kaya naman kinawayan rin ako ni mama ng pilit. " Tara na girls . " yaya ko sakanilang dalawa , kaya naman naghiwalay na sila sa yakap at tumango sakin. Habang papalapit ako sa pwesto ni mama ay nakikita ko na galit ang mga mata niya , alam ko na kung bakit , akala niya siguro ay niloloko ko si Meg. Napailing na lang ako. " Hi Ma " bati ko sakaniya at humalik ako sa noo niya,tiningnan niya lang ako . " Mag-uusap tayo mamaya Julian " sabi niya at naupo na siya. Bahala na mamaya. Inalalayan ko si Zen na makaupo , si mama ang katabi niya kaya binati siya nito , mukhang totoo naman ang mukha ni mama kay Zen , nagkwentuhan muna ng kaunti at tawanan. Nagsimula na ring kumanta sila Min kaya kahit papaano ay natutuwa si mama .Nahagip ng mata ko si Trina na ngayon ay titig na sa mukha ko , napansin yun ni Meg kaya naman hinawakan niya ang braso nito ,nagkatinginan naman sila. Napansin ko naman na parang kulang kaya tumingin ako kay mama at napatingin rin naman siya. " Ma , nasaan si Tito ? " tanong ko sakaniya ,mahina pero sapat na para marinig niya. " Nasa office pa nak , pero maya maya nandito na rin siya kaya don't worry aah " sabi niya kaya nangunot ang noo ko. " akala ko ba bakasyon to ? " napasimangot naman siya. " alam ko nak , kaso biglang nagka-aberya sa office eh ,siya lang ang maaasahan doon kaya ayun. " nakangusong paliwanag niya kaya naman napatango na lang ako. Baka ng busy. " kumakanta siya, baby ? " tinuro niya ang direksyon nito kaya naman napatingin rin ako doon . Nakita ko na nakatayo sa Zen sa tapat ng videoke at hawak na niya ang mic . " siya ang vocalist namin ma " sabi ko sakaniya pero hindi ko nilingon . " I see " sagot pa niya . Maya maya lang ay tumugtog na ang kanta niya . Nagpalakpakan naman ang mga kasama namin kaya nakipalakpak na lang din ako kahit na napapatunganga ako.
[ Hindi mapaliwanag. By morissette. ]
" Sadya nga ba o tadhana na . Mula nang ikaw ay nakita sinta
Kislap ng iyong mata ay nadarama
Na ikaw na nga ,na ikaw na nga " pakiramdam ko tumigil ang mundo dahil sa pagkanta niya , walang nagsasalita , walang gustong sumabay dahil baka makasira lang." At sa paningin pag ikaw ay wala
sa isip ay laging nag-aalala
labis ang tuwa pag narito ka .
Ikaw na ba ? Ikaw na ba ? " pagkanta niya ng last word na iyon ay sakin siya tumingin kaya napako rin ang paningin ko sakaniya. Nginitian niya ako bago siya pumikit . "Sa'yong tabi ang puso'y di mapakali .
Nguni't di mapaliwanag
di mapaliwanag .
Pag-ibig saiyo'y tumitindi Nguni't di mapaliwanag
di mapaliwanag ". Ramdam na ramdam ko ang tinginan ng mga tao sakin ng magtama ulit ang paningin namin ni Zen. Kaya naman napalingon ako kay Mama na ngayon ay hindi na maipaliwanag ang reaksyon niya. " Sana ay 'wag ng matapos pa
ang pag-ibig na ating nadarama
Ang Pag-ibig ba'y pakpak at parang lumilipad
Ikaw na nga Ikaw na nga. " hindi pa rin niya tinatanggal paningin sakin , ramdam na ramdam ko rin ang pananahimik ng banda kaya naman napalingon sila sakin at lahat ay nakangisi , naiiling pa sila Kin . "Sa'yong tabi ang puso'y di mapakali .
Nguni't di mapaliwanag
di mapaliwanag .
Pag-ibig saiyo'y tumitindi Nguni't di mapaliwanag
di mapaliwanag ." pakiramdam ko talaga tumigil ang mundo ko ,lahat ng tao sakin lang nakatingin at kaming dalawa lang ni Zen ang nagkakaintindihan , pagharap ko sakaniya ay nakangiti siya sakin . Naalala ko ang sinabi ni Sarah , may kakayahan nga ang boses ni Zen na patigilin ang mundo ng lahat . " Ilang ulit ng sinubukan.
Pag Ibig ba'y sadyang kay hirap maintindihan.
at Giliw sana'y ingatan ang pagmamahal at huwag masayang ,pag-ibig na nilalaan." Hindi ko talaga sasayangin Zen. Natauhan naman ako dahil sa sinabi ko . Ano bang sinasabi ko ?! Tsss. " Sa'yong tabi ang puso'y di mapakali .
Nguni't di mapaliwanag
di mapaliwanag .
Pag-ibig saiyo'y tumitindi Nguni't di mapaliwanag
di mapaliwanag " ng matapos ang kanta niya ay walang umiimik , katulad ko nung unang narinig ko ang boses niya , tumigil din ang mundo ko. " Wow ! That was great ! " tumayo si mama at pumalakpak ,ganun rin naman ang mga kasama namin kaya tumungo siya at nagpasalamat. " akala ko nasa concert ako hahahaha ! Iba ! " sigaw pa ni mama kaya naman nagkatawanan kami . Lumapit na si Zen sa pwesto niya kanina at naupo. Natahimik kami ng tumayo si Trina. " Saan ka pupunta ? " tanong ni mama sakaniya . " sa cr lang ma , samahan ko lang si Meg. " tumango naman si mama kaya umalis na sila ,nakita ko ang kamay ni Zen na nasa ibabaw ng lamesa , nakakuyom at mukhang gigil na gigil. Tiningnan ko sila Kin na ngayon ay parang nanlulumo na rin. " matagal na ba kayong magkakilala ng baby boy ko ? " napalingon ako kay mama ng magsalita siya , magkaharapan na sila ni Zen , nakatalikod na sakin si mama kaya hindi ko makita ang mukha niya , dinungaw ako saglit ni Zen at ngumiti bago humarap kay mama . " ka block mate ko ho siya " sabi niya kay mama . " at nagkakasama po kami kasama ang mga kaibigan namin kapag ho may rehearsal ang banda " dagdag ni Zen . Tumango tango naman si mama " mukhang napaka special mo sa baby ko "
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...
