" Im so sorry ... Zen " lahat kami ay nakatingin na ngayon kay Meg at Zen ,may parte saakin na masaya dahil ang kapatid ko ang pinili niya ,pero nasasaktan dahil isang babae ang palagay ko na iiyak maya maya lang. " Mahal ko si Trina , mahal na mahal , Sorry Zen " napaupo na si Meg sa sahig at tinatakpan niya ang mukha ng dalawang kamay niya . Siya namang paglapit ni Trina kay Meg at pinapatahan ito. Tumingin ako sa pwesto ni Zen kanina . " Nasaan na si Zen ? " nagtatakang tanong rin ni Min samin , walang sumagot sakaniya dahil hindi rin naman namin napansin. " sure na ba yan, Meg ? Baka naman matapos ang trime na 'to ay may iba ka na naman ? " mataray na tanong sakaniya ni Min . " H-hindi , mahal ko talaga si Trina " sabi niya pa sa pagitan ng mga hikbi. " Aba dapat lang ! Dahil kung tibo lang ako hindi ako magdadalawang isip na mahalin si Zen ! Dyan na nga kayo ! " Padabog na kinuha ni Min ang bag niya kay Lelouch , napakamot naman siya ng ulo ng makalabas na si Min . Tiningnan ko sila Meg at Trina. Magkayakap sila , pinapatahan ang bawat isa. Tiningnan ko naman si Kin na ngayon ay nakatingin rin sa dalawa ,napapailing pa siya . Si Lelouch at Brayan ay inabala nalang ang sarili sa mga phones nila at si Jin naman ay kinuha ang gitara at nag strum. Sakto namang pagdaan ng paparadang kotse sa tabi ay may soundtrip pa .[ np : Mahal ko o mahal ako by Kz Tandingan ]
Natatawa namang tumingin sa'kin sila Kin ng kinanta ni Kz ang chorus. Ang gandang kanta para sa mga babaeng nag-iiyakan. Napailing na lang ako. Nagpasya na akong pumasok ng campus. Tinitingnan na naman ng mga intern ang buhok ko, hanggang tingin nalang sila hindi ko yan tatanggalin. Pagkapasok ko ng room ay nagulat ako na ibang tao na ang nasa upuan ni Zen. " Bakit ka nandyan? " tanong ko sakaniya, ngumiti naman siya sakin. " Kasi si Zen Nasa upuan ko , sabi niya palit nalang daw kami . " sabi naman niya. Tiningnan ko ang tinuro nung babae na direksyon. Nakita ko si Zen na nakasandal ang ulo sa pader. May sinusulat siya sa notebook niya hindi ko lang alam kung ano yon . " Maupo ka na Julian , nandyan na si ma'am " sabi pa niya sakin kaya naman alanganin akong umupo sa tabi niya. Sobrang sakit siguro non. Parang yung naramdaman ko nung pinagpalit kami ni Papa sa iba. Bakit kaya may mga taong hindi makuntento? Napailing nalang ako. Lutang na naman ako, buti nalang ay nakasagot ako sa mga quiz ngayong araw na 'to. Nakikita ko na kinakalabit ni Kin si Zen pero nililingon lang siya nito at tinatanguan. Parang nanlulumo namang umayos ng upo si Kin. Natapos na ang klase pero parang may kakaiba. Dumiretso na kami ng tambayan at naabutan namin na nag-aayus ng mga nasirang gamit sila Van. " Walang klase ? " tanong ko sakanila ng makaupo ako sa sofa. " wala , may meeting ang mga prof at dean ngayon. " sagot naman ni Van kaya tumango-tango nalang ako. " Hindi ko napanuod ang sine kanina , sayang " natatawang sabi niya kaya naman umismid ako sakaniya. " So , ano ng sasabihin mo sa kapatid mo niyan? Hahayaan mo nalang ba ? " tanong niya saakin ,tinigil niya ang pagkalikot sa electric fan at tumingin sa'kin. Napabuntong hininga ako. " Hindi ko din alam kung ano ba ang dapat na sabihin o gawin sakaniya ,nakakagulat kasi. Walang sign na pwede pala siyang magkaganun ! Hindi ako makapaniwala " tinapik naman niya ang balikat ko. " Naiintindihan ko ang nararamdaman mo , kahit hindi ko pa nararanasan , alam ko ang pakiramdam niyan. Pero kung nagmamahalan talaga sila ,hayaan mo na . Kasi puso na ang usapan eh, wala na tayong laban dyan Bro. " sabi pa niya sa'kin. " Ang drama niyo dyan , bro ! " natatawang sabi ni Jin. Kaya naman natawa nalang kami. Maya maya lang ay dumating na si Min kasunod si Zen .Ayan na naman ang lipstick niya na dark na dark pero parang violet naman siya. Kapansin pansin naman talaga yung lipstick niya ! " mag rehearse na tayo " sabi ni Min. Nilapitan niya si Zen at kinausap ito. " Buti nalang hindi umalis si Zen sa grupo " sabi ni Brayan . " Parang stress reliever na rin naman mga mukha natin eh , bakit pa siya aalis ? " natatawang sabi ni Kin . " Pero hindi biro yung nangyari para sakaniya, kanina nung pinapipili na si Meg ,ramdam na ramdamn ko na nananalangin siya na sana siya nalang pero... hindi " nalungkot naman ang mukha nila pagkatapos sabihin yon ni Lelouch. " Ready? " tanong naman ni Min sakanila kaya naman natauhan na kami. Masyadong tahimik ang pag pwesto nila sa bawat instrument na hinahawakan. Parang ayaw talaga nila na makagawa ng ingay at ika-bad trip ni Zen, tiningnan ko siya , nakahawak siya sa mic habang nakatingin kila Min. Tinugtog na nila ang unang irerehearse . " Dalawa kayo sa buhay ko , at ako ngayon ay kailangan ng mamili isa lang ang maaari " napapikit ako ng marinig ang boses niya. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nasa loob niya , parang inihahampas ng boses niya ang lahat ng sakit. " Alam mong narito ako , lagi para saiyo ooh , mahal kita ng labis , nguni't iba ang iyong nais " nagkatinginan kami ni Min , parang maiiyak na siya habang nagkekeyboard. " At siya'y narito , alay saki'y wagas na pag-ibig . Nalilito litong lito , Sino ang iibigin ko,ikaw ba na pangarap ko o siya ba na kumakatok sa puso ko oooh anong paiiralin ko ... " lahat kami ay natigilan ng tumigil si Zen sa pagkanta. Nagkatinginan kami at bumalik ang tingin ko sakaniya . Kung nagrereklamo lang ang mic ay baka nasaktan na ito dahil sa hawak niya rito. " Zen ? Ayaw mo ba ng kanta ? " tiningnan naman niya si Min at nginitian. " pwede ba ? Tamang tama sa'kin eh , hahahahaha ! ang sa...kit " sumakit naman ang dibdib ko ng nakita ko na tumulo ang luha niya sa mata , agad naman siyang binigyan ni Lelouch ng panyo pero umiling siya. " My sleeves should be enough. " sabi niya rito at pinunasan nga niya ang mukha gamit ang sleeves niya. Lalo lang akong nasasaktan ! Bakit ba kasi ?! Nakakainis na ! Nagsimula na ulit silang magrehearse , may nagiging problema pero hindi na dahil kay Zen , pati sila Min ay naapektuhan. Ang lakas makahawa ng kasentihan. Napapailing na lang ako.
Choose or to be chosen?
*****
comment ,vote and follow :)
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...