Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko at tumigil muna ako sa dangwa. Gusto ko bumili ng bulaklak. Peace offering kay Zen kasi nilayasan ko siya. Oo , tama. Tatango tango pa ako. Bumili ako ng pink roses. Ang ganda talaga sa mata ng pink. Hindi ko alam kung bakit ,pero maganda talaga hahahaha. Kotse naman ang dala ko ngayon kaya naman hindi mahirap magdala , sana lang huwag magtraffic. Anong sasabihin ko sakaniya ? Na kailangan ko siyang dalhin sa bahay kasi may dinner kami ? Na kailangan niyang sumama sakin kasi sabi ko kay mama special siya sakin? O Na kailangan niyang sumama sakin kasi ... Kailangan kong mapigilan ang pagsisinungaling nila Meg at Trina? Paano kung hindi siya sumama sakin ? Ano na lang ang ipapaliwanag ko kila mama ? Baka sumama na rin siya kila Kin ! Dali dali kong kinuha ang phone ko at dinial ang # ni Min, agad naman niyang sinagot. [ Bakit Julian ? ] sabi niya . " pupunta na ba kayo sa bahay ? " natawa naman siya. [ ang aga pa no ! 3 pa lang kaya , ayaw naman namin masabihan na excited diba ? Hahahahaha ] napabusangot naman ako. " Sasama niyo ba si Zen ? " at lalong lumakas ang tawa niya kaya napa singhal ako. [ kalma ka lang pretty boy ! Hahahahaha ] tawa pa niya . Tama ba na si Min ang tinawagan ko ? " ano nga ?! " sigaw ko sakaniya . [ hahahaha. Hindi eh , kasi wala raw kasama ang sister niya. ] nanlumo naman ako , hindi ko naalala si Denden. Ano bang klaseng tao ako ? [ Julian ? ] tawag niya sakin pero imbis na sagutin ko siya ay pinatayan ko na lang siya. Hindi ko naman ugaling magpaalam sakanila kapag tawag kaya hindi na nila mapapansin yon. Nagmaneho na lang ako nang nagmaneho hanggang sa marating ko na ang bahay nila Zen. Bumaba ako at kinuha ang mga bulaklak . Inayos ko ang suot ko na medyo nagusot pa dahil sa pagkakaupo . Teka ?! Bakit parang aakyat ako ng ligaw ? Tsss. " Sir ! " napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Mang Ben na kumakaway na sakin kaya tumango ako sakaniya at naglakad palapit. " Mang Ben nandyan po ba si Zen at Denden ? " tanong ko sakaniya . " Opo Sir , nandyan po siya kasama pa rin po sila maam Ninya . " Nandyan pa rin sila ? Binuksan naman niya ang gate at hinayaan akong makapasok. Kumatok na ako sa pinto nila at bumungad sakin ang isang napakagandang babae , unti unti siyang ngumiti sakin kaya napatingin ako sa mapupula niyang labi at mapuputing ngipin. Binalik ko ang paningin ko sa mga mata niya , parang nahihipnotismo ako dahil sa mga tingin niya na iyon . " Oh diba ?! Bongga !!! Nganga bells si Julian ! Wahahahahahahahaha ! " napalingon kami kay Sarah na ngayon ay kilig na kilig , ano bang problema nito ? " Ohaaaa ! Speechless ! " sabi naman ni Lieann kaya napakamot ako sa ulo " Tara na ? " napamaang ako ng magsalita si Zen , napatingin na naman ako sa labi niya . Napaiwas ako ng ngumisi siya,mukhang nakahalata siya. " Adik ka talagang titigan ang labi ko ah " napapailing na sabi niya . Sinamaan ko naman siya ng tingin pero natawa lang ang mga kasama niya .Binigay ko na sakaniya ang bulaklak at mukhang nagtaka pa siya , pero tinanggap naman niya 'yon. " pwede bang pumasok ka muna Julian ? Kasi nakakangalay kayang tumayo dyan ! " natauhan naman si Zen kaya binuksan niya ang pinto para makapasok ako. Nakita ko naman ang suot ni Zen , naka t-shirt lang ito na plain at hanggang tuhod na short. Ng makaupo ako ay napatingin ako sa mga katabi ko , mga seryoso silang nakatingin sakin kaya naman napatingin din ako sakanila . " Siguraduhin mo lang na makakauwi ng buo dito si Zen " si Khey na nakatitig sakin . " oras na may mangyaring masama dyan kay Zen , hindi ka na aabutan ng bukas . " sabi pa ni Pau . " Wala akong tiwala sa mukha mo , kahit pa na gwapo ka ,kaya umayos ka . " si Rhy na nakahalukipkip pa. " dahil sinabihan ka ng gwapo ng girlfriend ko , kasama ka na sa ipasasalvage ko. " seyosong sabi naman ni Lieann . " mahaaal naman , masyado kang hb eh . " natatawang sabi ni Rhy sakaniya pero inirapan lang siya nito. " naiintindihan mo ba , Julian ? " tanong ni Ninya sakin kaya naman ... " kahit hindi niyo sabihin ang lahat ng 'yan , aalagaan at po-protektahan ko siya . " sabi ko sakanila kaya natahimik sila , nakatitig lang silang lahat sakin. walang nagsasalita , tiningnan ko si Denden na ngayon ay nakatingin sakin at seryoso rin ang mukha , nakakakaba na ang mga tingin nila . " Waaaaaaaahhh !!! Ayun naman pala eeh ! " sigaw ni sarah kaya naman kinantyawan na nila ako . Yung seryosong mukha nila kanina eh naging kilig na kilig na ! May sapak na ang mga to . Tsss. Lahat sila ay nagyakapan na parang tuwang tuwa sa bawat isa . Nakita ko na lang si Zen na lumapit kay Denden ,hinalikan niya ang noo nito at tumingin sakin, agad naman akong napaiwas. " oh paano ba yan Zen ? Magpalit ka na ! " napatingin ako kay Zen na ngayon ay napamaang kay sarah . " Oh ? Titingnan mo na lang ako ? Hahahaha ! Iba talaga ang karisma ko !
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...