4 days later.Nakalabas na ng ospital si Jin pero hindi pa siya pinapayagan pumasok sa school ,kaya naman kahit walang gitarista ay nagrerehearse sila Min para sa social week. I week nalang ang inaantay nila para makapag-perform , 4days ko na ding hindi nakikita si Meg na pumapasok ,siguro nagpalipat na naman ng school yun . Napailing nalang ako, pinark ko ang motor ko sa tapat ng tambayan . Pagpasok ko ay naabutan kong nag-iisang nag gigitara si Zen. Medyo kinakapa niya pa ito kaya napatikhim ako. Parang slow motion naman ang pagharap niya sakin kaya naman napalunok ako. Nginitian niya ako at nginitian ko naman siya. Lumapit ako sa kaniya . " Ang aga mo ah " sabi pa niya sakin. " lagi naman akong maaga rito , pero ngayon lang kita nakita dito ng ganito kaaga. " sagot ko naman sakaniya ,napailing nalang siya. " hindi mo lang talaga ako naaabutan kaya ganun. " Natatawa pa niyang sabi kaya naman napamaang ako sakaniya. Ibig sabihin ,madalas siyang maging maaga tapos di ko lang siya naaabutan ? " kumain ka na ba? " natauhan ako ng magsalita siya. " ah-ha? " natawa naman siya ,napakamot nalang ako sa ulo , hindi ko naman kasi naintindihan eh. " kung kumain ka na ba ? " pag-uulit niya kaya naman napatango ako. " buti ka pa " tiningnan ko siya , busy na siya sa pagtipa ng gitara at seryosong nakahawak sa mga string. " Oh saan ka pupunta ? " tanong niya ng bigla akong tumayo ,tiningnan ko lang siya at sabay lumabas na ako ng pinto. Saan ako pupunta ? Bibili ako ng pagkain. Nagugutom na rin ako eh , nakalimutan kong kumain kanina ,siguro wala lang akong masabi kanina kay Zen kaya sinabi ko na kumain na ako. Napunta ako sa mcdo sa dulo nitong campus ,nag order ako, nagbayad at bumalik na sa tambayan . Ng buksan ko ang pinto ay siya namang pagtigil ng tingin nila Min sakin, lumaki ang ngiti ni Lelouch ng mapadako ang tingin sa hawak kong pagkain. " Kay Zen to ,kaya wag kang tumingin ng ganyan " napamaang naman siya sa sinabi ko at umismid . Umupo na ako sa tabi ni Zen na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin sakin. Nilagay ko ang pagkain sa harap niya pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sakin. Nginitian ko naman siya pero nangunot ang noo niya. " nagugutom na talaga ako grabe ! " parinig ni Lelouch sakin na sinabayan naman ni Kin. " Ang sarap ng mcdo ! " natatawang sabi nito . " tumigil nga kayo , bumili kayo ng inyo ! " saway naman ni Min sakanila kaya naman natawa nalang ako. Tiningnan ko si Zen ng matapos akong ayusin ang pagkain sa harap niya. " Baka naman matunaw ako. " naiiling na sabi ko sakaniya ng hindi pa rin niya maalis ang tingin sakin kaya naman umismid siya " guys kain tayo " yaya sakanila ni Zen kaya naman agad na nagsikilos ang mga loko at lumapit sa lamesa . " araaaaaay !! " reklamo ni Kin ng hampasin ko siya ng tinidor ng hawakan niya ang burger , nakita ko naman na dahan dahang naglalakad ang mga kamay ni Lelouch palapit sa spaghetti . " gusto mong dagdagan ko ang pasa mo Louch ? " pagbabanta ko sakaniya kaya naman tiningnan niya ako na parang inosente siya. Natawa naman si Min at Zen ,kumain na kami ,ang mga loko pa ang mas maraming nakain kaysa samin. Pambihira !
--
Sabay sabay na kami nina Zen at Kin na umakyat ng classroom , at ayan na naman ang mga babaeng tumitingin samin. Nakarating na kami sa pwesto namin. " Hindi ka na ba babalik sa pwesto mo ? " tanong ko sa katabi ko kaya naman napasimangot siya. " ayaw mo na ba na katabi mo ako? " ang pangit niyang sumimangot . " hindi ko naman ginusto na maupo ka dyan , bumalik ka na sa upuan mo , sabihin mo kay Zen na pinababalik kita don ,sa ayaw o sa gusto niya ! " parang maiiyak naman siyang lumapit kay Zen, ng tingnan siya ni Zen ay agad itong nangunot ang noo , lumingon sa pwesto ko si Zen kaya naman kunwari ay may kinakalikot ako sa phone ko. Naramdaman ko nalang na tumayo si Zen na dala ang bag niya , pumunta siya sa pwesto niya sa tabi ko ng tahimik . Hindi ba niya ako sisinghalan? Tiningnan ko naman siya at nagulat ako ng nakatigin siya sakin. Bakit hindi ko mapansin na nakatitig pala siya sakin? Hays. " Bakit mo pinaiyak yung babae? " seryosong tanong naman niya sakin pero wala akong maisagot sakaniya kaya napakibit balikat ako sakaniya. " oo nga pala , ugali mo nga palang magpaiyak ng babae " pagkasabi niya nun ay agad siyang lumipat ng pwesto sa may unahan, pupuntahan ko sana siya kaso sakto namang pagpasok ng prof. Ugali ko na magpaiyak ? Gaano niya ba ako kakilala at bakit ganun siya makapagsalita sakin? Hindi na naman ako pinagfocus ng isipin na iyon. Napapailing na lang ako.Natapos na ang klase ng wala man lang akong naintindihan , pinagpahinga lang pala ako ng 4 days sa mga isipin tapos back to normal na ulit. Nakita kong nauna ng lumabas si Zen siya namang paglapit sakin ni Kin. " nag-away kayo? " tanong niya sakin . " nino naman ? " tanong ko rin sakaniya. " ni Zen malamang !" hb na sabi niya, kinuha ko na ang bag ko at nauna na sakaniyang lumabas . " oy ano ? " habol niya sakin kaya naman tumigil ako at tumingin sakaniya. " Hindi kami nag-away .. okay na? " Alanganin naman siyang napatango . Nauna na akong lumakad at humahabol naman siya. Kailangan kong makausap si Zen , ayokong ganun ang iniisip niya sakin, pssh. Kailan pa ako nagkaroon ng pakelam sa iniisip ng ibang tao? Ipinilig ko ang ulo ko. Pagbukas ni Kin ng pinto ay nakatayo na si Zen sa harap at hawak na niya ang microphone at tumutugtog na sina Min. Umupo ako sa sofa katabi ni Kin at nakatingin lang kay Zen. Napansin ko na wala siyang lipstick ,mas bagay sakaniya na ganyan lang ,simple at parang hindi maangas. Ang angas kasi eh , yung angas na parang pag nakita mo siya gusto mo ng sapakin? Hindi ko maimagine na may Maxpein Del Valle sa totoong buhay. Ang astig ni Maxpein ng He's into her ni Maxinejiji pero si Zen , maangas . Napailing na lang ako. Natapos na ang unang kanta nila kaya naman saglit silang tumigil at nagpahinga. Tumayo ako at lumapit kay Zen ng naupo ito sa sofa, tumingin lang siya sakin pero agad ding tinuloy ang ginagawa . Kumuha siya ng wipes at ipinunas sa labi , napalunok naman ako ng dahil dun .Nalipat ang tingin ko sa pouch niya. " Ano ba ?! " singhal niya sakin ng kunin ko ang pouch niya , binalak niya na bawiin pero agad kong tinaas para hindi niya maabot. Sinamaan niya naman ako ng tingin ,pero wala na rin siyang nagawa ng tingnan ko ang mga gamit niya sa loob nito . " Gusto mo ba ng mga yan ? Bibigyan kita balik mo lang " narinig ko naman na nagtawanan sila Kin ng sabihin yon ni Zen kaya naman napalingon ako sakanila at inambaan sila ng suntok mga natawa naman sila ulit ! " I got it ! " sabi ni Zen ng agawin ulit ang pouch niya. Hindi ko man lang nakita ang laman .Nakita ko naman na kumuha siya ng lipstick at binuksan niya ito " Ang hilig mo sa dark color na lipstick " puna ko naman sakaniya ,natatawa naman siyang tiningnan ako " so ... mahilig ka rin palang tumingin sa labi ko? Nice . " mabilis naman akong lumingon kila Min ng bigla silang nangantyaw. " iba ka bro ah ! Hindi ko nga napansin na nag-iiba pala ang lipstick niyang si Zen e. " natatawang sabi naman ni Kin . " lalo na ako ! take note babae pa ako aah ! " dagdag naman ni Min kaya natawa silang lahat . Muntikan na akong malaglag sa upuan ko ng pagharap ko ay magkalapit na ang mukha namin ni Zen ! " balak mo ba akong patayin sa sakit ng puso?! " natatawa naman siyang lumayo sakin. " hindi ba bagay ang lipstick ? " nangunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya ,saglit naman akong napaisip. " Mas bagay sa'yo kung mga pink o red ,pero hindi yung dark red ah . Dapat light lang ,pero mas maganda kang tingnan kung wala ka na lang lipstick " natameme naman siya sa sinabi ko at natahimik naman ang mga loko sa likod ko. " B-bakit? " tanong ko sakanila .
" Wooooooohhhh ! Iba ka Bro ! " si Kin na hindi makahinga sa kakatawa !
" Waaaaaah !!! Yung totoo Julian? " natatawa rin na sabi ni Min sakin . Napapailing namang natatawa sila Lelouch at Brayan . Napatingin naman ako kay Zen na ngayon ay nakangisi na . " Adik na adik ka sa pagtingin sa labi ko no ? Ibang klase " natatawa naman niyang sabi sakin. What? " by the way .. Hindi na ako maglilipstick ,katulad ng sabi mo mas maganda akong tingnan kapag wala nun " nakangising sabi niya sakin . Narinig ko na naman ang mga tawanan nila Min sa likod at sinamaan ko naman sila ng tingin .
" Adik na adik ka sa pagtingin sa labi ko no ? Ibang klase "
Haaaaa?!
*****
comment , vote and follow :)
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...