JulianMabuti nalang talaga ay sinundan ko si Zen ,nakita ko kasi na parang may bulto ng lalaki ang sumusunod din sakaniya kaya hindi na ako nagdalawang isip na sundan siya . Nakita ko na pumasok si Zen sa elevator kaya nagmadali akong tumakbo sa elevator at inantay na magbukas iyon . Sa 1st floor siya bababa . Ang tagal bumukas ng elevator kaya naman gumamit na ako ng hagdan , buti na lang maganda na ang pakiramdam ko kumpara kanina . Hindi na rin masakit ang ulo ko , siguro dahil na rin sa gamot . At sa maganda kong nurse . Nakarating na ako sa baba ng may nakita akong nagkukumpulang mga tao sa tapat ng elevator ,kaya naman dali dali akong lumapit doon . Halos lumipad na ako sa bilis ng paglapit ko kay Zen na ngayon ay nakahiga na sa stretcher na dala ng mga medics. " Sir , kakilala niyo po ba ang babae? " tumango naman ako pero hindi ko sila tiningnan , nakahawak lang ako sa mukha niya na ngayon ay namumutla na . " Pwede bang bilisan niyo ? Dalhin niyo na siya sa ospital ! " parang natauhan naman sila kaya agad rin silang kumilos . Sumunod ako sakanila at pumasok na rin sa ambulansya . Katabi ko si Zen , hinawakan ko ang noo niya at nanlalamig ito . " Zen ? " tawag ko sakaniya ,tinapik ko ang pisngi niya . " Zen , wake up " nilapit ko ang mukha ko sakaniya at nilapit ang bibig ko sa may tainga niya . " Zen ,please wake up ! " sabi ko sakaniya habang tinatapik ang pisngi niya. " please " sabi ko pa pero hindi man lang siya gumalaw. " Zen ang tigas ng ulo mo , sabi ko sayo wag kang matutulog ! Malapit na tayo " tinapik ko ang mukha niya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya . " Sir , malapit na po tayo " hindi ko pinansin ang nagsalita .
Zen
Nagising ako sa isang madilim na kwarto , nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang lalaki na ngayon ay may hawak ng maliit na kutsilyo , agad akong nakaramdam ng sakit sa braso at binti ng gumalaw ako . Pero hindi ko iyon ininda makalayo lang sa lalaki , Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit ng nararamdaman ko , si Denden ! Si Denden ! Tinanggalan niya ng karapatang magsalita ang kapatid ko ! Pang habang buhay ! Ang hayop na 'to ! Wala siyang puso ! Umiiyak akong umaatras palayo sakaniya ,habang siya ay lapit ng lapit ay patuloy naman ako sa paglayo sakaniya. " Sana maging aral sayo ang ginawa ko sa kapatid mo , hayaan mo ... gagaling din ang sugat na ginawa ko sakaniya. " narinig ko siyang tumawa , tawa na parang demonyo. " Please pakawalan mo na kami , ayoko na po dito" nagmamakaawang sabi ko sakaniya. " Ahhhh !!!!!!! " sigaw ko ng apakan niya ang pulsuhan ko . " Ang sakit ba ? " nakangising tanong niya sakin . " Ahhhhhh !!!! " sigaw ko ulit ng itusok niya sa mukha ko ang kutsilyo . " Kulang pa yan para sa pananakit sakin ng ama mo ! Inagaw niya lahat sakin ! Ngayong patay na siya , pwedeng pwede ko ng agawin ang lahat ng meron siya , pamilya , pera ,karangyaan at marami pang iba ! At kayong dalawa ni Denden ? Hahahahahaha ! Isasama ko kayo sa hukay ng pinaglibingan ko sa tatay niyo ! " At naramdaman ko ang kutsilyo na gumuhit sa kaliwang parte ng mukha ko. Hindi ako makasigaw sa sobrang sakit ! Sobrang sakit !
" Zen ! " Hindi ko alam pero may tumawag sakin , pakiramdam ko hindi ako makahinga . " Zen ! please wake up ! " Tiningnan ko ang mukha ng nasa harap ko at ngumisi siya . Papatayin kita ! Lahat ng nasa paligid mo PAPATAYIN KO ! "
" HINDI ! " sigaw ko sakaniya pero tumawa lang siya. " NO !!!! "
" NO !!!!!! "
" NOOOOOOOOOOO !!!! "
--
" ZEN ! "
Minulat ko ang mata ko at humihingal na nakatitig sa kisame . " ZEN ! THANK GOD ! " naramdaman ko nalang ang yakap ni Julian sakin . " Thank God nagising ka na ! Sobrang pinag-alala mo ako Zen ! bakit ka ba sigaw ng sigaw ?! Binangungot ka ba ? " Hindi ako makasagot sa mga tanong niya , nakaramdam ako ng kakampi kaya naman ng maramdaman ko na kakalas na siya sa yakap ay hinawakan ko ang likod niya at mahigpit din siyang niyakap. " Zen " usal niya sa pangalan ko . Hindi ko alam kung anong itsura ng pwesto namin ngayon , pero natutuwa ako dahil si Julian ang nandito . Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na pumatak sa mata ko . Mahinang hikbi sa una pero lumalakas lakas na. " sshhhhhhhh ... tahan na Zen , sorry . sana talaga hindi ako pumayag na hindi ka na ihatid , kasalanan ko ito sorry " Hindi ako sumagot , umiyak lang ako ng umiyak , lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sakaniya . " Hindi ka ba nabibigatan sakin ? " natawa naman ako sa sinabi niya at umiling . " tahan na Zen , sorry talaga " Umiling ako at dahan dahan siyang pinakawalan. Umayos siya ng tayo bago tumingin sakin. " mukhang masama ang panaginip mo ah , mind if you shared it ? " Napahinga ako ng malalim . Gusto kong magsumbong sakaniya .Na hindi panaginip yon ,isa iyong alaala na pinilit kong kalimutan pero hindi ko man lang nagawa . " Narinig ko ang tawag mo sakin . " sumimangot naman siya kaya natawa ako. " ibig mong sabihin binangungot ka dahil sa tawag ko ? " tumango ako kaya naman lalong nalukot ang mukha niya . " pero buti na lang at tinawag mo ako , dahil kung hindi ... baka hindi na ako nagising " mukhang natuwa naman siya sa sinabi ko dahil napangiti siya. " Kamusta na ang pakiramdam mo ? " tanong niya sakin . " ayos na ako " sagot ko naman sakaniya kaya napatango siya . " Takot ka ba sa elevator ? " tumango ako bilang sagot sa tanong niya. " Kaya pala hindi ka sumabay sakin e . Pero bakit ka ba sumakay ng elevator e takot ka naman pala? Tss. " napakamot naman ako sa ulo . " gusto ko lang kasing na try , marami kasing gustong sumakay don , tapos ako ngayon lang kaya ayun . " tinitigan naman niya ako na parang hindi naniniwala sa sagot ko kaya napaiwas ako ng tingin . " Kumain ka na muna , alam ko nagugutom ka na " Sinundan ko siya ng tingin ng lumapit siya sa mesa na maraming prutas na nakalagay , may bulaklak pa sa vase kaya naman napangiti ako. " Masarap to , alam ko na magugustuhan mo " ngumiti siya sakin at umupo sa tabi ko , binuksan niya ang styro at napangiti ako ng makita ang laman nito . " Wow ! " sabi ko ng makita ko ang palabok . " sabi na nga ba matutuwa ka e hahahaha galing ko no ? " inismiran ko naman siya . " Sus ! Alam ko naman na gusto mo rin niyan kaya ayan ang binili mo " sagot ko sakania pero nagkibit balikat lang siya. " Nasarapan kasi ako e , kaya ayan hahahaha " natawa na lang ako sa sinabi niya . " Tumawag nga pala si Ninya kanina sa phone mo , natutulog ka pa kaya hindi na kita ginising . Ako na lang ang sumagot . "
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...