JulianSOCIAL WEEK !
Hindi na ako kinulit ni mama kagabi tungkol kay Zen . Tanong kasi siya ng tanong kung bakit nagpaalam agad si Zen sa lahat kagabi , pero wala akong masagot . Hindi ko masabi kung ano ba talaga ang dahilan ,mukhang naunawaan naman ni mama kaya hindi na niya ako kinulit.Gumayak na ako para sa pagpasok , ngayon kasi ang 1st day ng SOCIAL WEEK ! At kailangan kong mauna para maasikaso at maayos ko pa ang mga kakailanganin para sa booth. Gusto ko ring makita ang costume ng banda . Hindi ko pa nga pala natatanong kung ano ang naisip nila na pangalan nila . Siguro mamaya na lang. Bumaba na ako sa hagdan ng nakita ko na tahimik na kumakain sila mama at Trina . Hindi niya kasama si Meg ,siguro umuwi na. " Good morning ma " bati ko kay mama at hinalikan ko siya sa noo ,ngumiti naman siya sakin , nalipat ko ang tingin ko kay Trina na nakatingin na rin sakin kaya tinanguan ko lang siya. Humila ako ng upuan at doon naupo " Gusto kong bumisita ngayon sa school niyo ,nak . Kaso kailangan kong puntahan ang Tito niyo sa office " malungkot na sabi ni mama . " ma ,ayos lang naman ako dun eh , tsaka marami naman kami ,tinutulungan din ako ng mga members ko kaya ayos na. " sabi ko sakaniya at napangiti naman siya. " pupunta ka ba sa school ng kuya mo Trina ? " nalipat naman ang tingin ko kay Trina na ngayon ay nakatingin na rin samin ni mama . " hindi ko lang po sigurado , baka po kasi may surprise quiz kami . " tumango naman si mama . " Hindi naman kailangang pumunta ni Trina doon ma " seryosong sabi ko na sa pagkain nakatingin . " kahit na anak , gusto ko lang na mag-enjoy siya kasama si Meg . " lumingon ako kay mama . " ma , hindi na kailangan , kahit saan naman sila pumunta alam ko nag-eenjoy sila e . " Nag-eenjoy nga silang manloko dati e. sabi ko pa sa isip . " Totoo ba yun Trina ? " nakangiting sabi pa ni mama sakaniya at tumango lang siya ng nakangiti. " I see , basta kapag may time ang Tito mo anak , pupunta kami doon ah . " tumango naman ako kay mama .Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagpaalam sakanila para pumasok.
--
" Paki-ayos naman yang nalaglag " sabi ko sa VP ko at agad naman siyang sumunod . " Pres , nakita ko nga pala tong envelope malapit sa booth nila Pres Kin ng KAMFIL ,kinuha ko na po baka kasi mawala pa . " tinitigan ko na muna ang black envelope bago ko tingnan ang nag-aabot sakin , ngumiti naman ako sakaniya at kinuha ang envelope ,tumango ako sakaniya ng magpaalam siya sakin. Pumunta ako sa pinakadulo ng Avr para duon tingnan ang laman nito.
Start of little play.
Tiningnan ko ang picture na nasa loob ng envelope at nanlaki ang mata ko. Mukha ni Zen na may tali sa leeg at kadena sa mga paa ! May nahawakan pa akong basa kaya naman tiningnan ko ang kamay ko DUGO ! . " Pres --- O my god ! Ano po yan ?! " tiningnan ko ang secretary ko na ngayon ay nanlalaki ang mata sa nakita . " Kahit anong mangyari wag kang magsasabi kahit kanino na nakita mo ito , at huwag kayong lalabas ng AVR hangga't hindi ako bumabalik , naiintindihan mo ? " natatarantang napatango naman siya ,kaya lumabas na ako at tumakbo papuntang tambayan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko , ang sakit ! Pakiramdam ko lalabas ang puso ko kahit na anong oras. Sino nagpapadala sakin ng mga ito?! Kahit wala namang nangyari kila Trina noon , hindi pa rin ako kampante . Nagulat sila Min ng bigla kong buksan ang pinto . Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Zen pero wala , tiningnan nila ako pero kay Min ako napatingin .
" Oh Julian --- " si Min na nag-aayos pa ng buhok .
" Nasaan si Zen ?" tanong ko sakaniya . " Wala pa siya e . Alam ko mamaya pa siya mga 10 --- "
" Sige " sabi ko sakanila at mabilis na lumabas ng tambayan , narinig ko pa ang mga tawag nila sakin pero hindi ko na sila pinansin , 3 hours na lang bago mag 10 ,buti na lang 11 ang Start ng program kaya hindi ako magagahol , mabilis akong sumakay ng motor ko at pinaandar iyon ng mabilis na mabilis ,bahala na kung may malabag man akong traffic rules . Wala pa akong helmet , tsss. Kinuha ko ang helmet gamit ang kaliwang kamay ko at sinuor iyon , hindi naman mahirap para sakin ang gawin yon , dahil madalas akong magmadali kaya madalas ding makalimutan ang helmet. Binilisan ko pa ang pagpapaandar ,buti na lang walang traffic pag ganitong oras , ewan ko lang mamaya pag balik . Agad akong bumaba ng motor at inihagis na lang ang helmet ko . Lalo akong kinabahan ng makita ko na wala si Mang Ben sa may gate ! " ZEN !! " sigaw ko habang nag ba-buzzer . " ZEN ! " malakas na sigaw ko pa . Pero walang lumalabas sa pinto ! Kaya naman pinasadahan ko ng tingin ang gate , mukhang kaya ko namang akyatin ito . Tumango tango pa ako . Inihanda ko ang sarili ko para umakyat , dahan dahan akong umakyat ,at dahan dahan din akong nakababa . Woooh ! " . Pagkababa ko ay agad akong tumakbo papunta sa pintuan nila , ng pihitin ko ang door knob ay nakabukas ito ! Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob ng bahay , nasaan ba sila ?! Bakit walang tao ?! " Zen ?! " tawag ko . " denden ? " tawag ko pa . Lalo akong hindi mapakali ! Huli na ba ako ?! Hindi ko ba sila nailigtas ?! Nahilamos ko ang mukha ko. Tumakbo ako para makarating sa kwarto ni Zen . Pagpihit ko ng door knob ay agad akong naistatwa sa kinatatayuan ko.Hindi ko alam kung isasarado ko na ba ang pinto , Napatingin ako sa katawan niya na ngayon ay natatakpan ng twalya . Nanlaki naman ang mata niya ng matauhan siya. " ANO BA SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO DITO ?!!!!!!!! " agad agad kong sinarado ang pinto ng kwarto niya ng makita ko na kumuha siya ng ihahagis saakin . Hinawakan ko ng mabuti ang seradura para hindi siya makalabas . " JULIAN !!!!!!! BUKSAN MO 'TO !!! PAPATAYIN KITAAAAAAAA , MANYAK KAAAAAAAAA !!! " kinalabog niya ang pinto na parang gustong gusto niyang sirain ! Hinawakan ko ito ng mabuti at huminga ng malalim . " JULIAAAAAAAANNN !!!! "
BINABASA MO ANG
"Because you're here " (completed)
RomanceI'm here , BECAUSE YOU'RE HERE :) Ayan ang madalas sabihin ng lalaking ubod ng gwapo at kaseryosohan. Hindi niya matake ang mga babaeng puro landi lang ang alam at katawan lang ang habol sakaniya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil na rin...