Part 22 √

9 1 0
                                    


2nd day of Social week .

Hindi ako pumasok , Mas gusto ko na dito na muna ako sa condo kahit ngayong araw lang. Tutal alam na naman ng member ko ang gagawin kaya ayos na siguro yon . Kung hindi manalo ang booth namin ngayon ,ayos lang . Basta hindi ako papasok . Narinig ko na nagring na naman ang phone ko . Pero hindi ko pinag-aksayan ng oras para tingnan at sagutin. Bukas tapos na ang social week kaya makakapagpahinga na ako. Napabuntong hininga ako. Ano ba kasing inaarte arte ko? Bakit ba hindi ako papasok ? Ano bang eksena ko ?

Naiinis ako !

Nagagalit ako !

Nagseselos ako !

tss . Lahat yan nararamdaman ko ! Wala namang ginawa sakin si Zen na special pero hulog na hulog ako sakaniya. Ano bang meron sakaniya? Nasapo ko ang ulo ko, mukhang kailangan ko ng magpa-therapy. Hayst. Nagring na naman ang phone ko , tss. Bumangon ako at kinuha ito , " hello " bagot na sabi ko dito . [ nasaan ka? ] Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses niya . " Z-zen ? " takang tanong ko sakaniya , tiningnan ko pa ang pangalan ng tumawag at number ito ni Kin .[ yeah . nasaan ka ? ] huminga ako ng malalim . " sa bahay " walang emosyong sagot ko sakaniya . [hindi ka papasok?] tanong niya pa . " hindi na , bukas na lang ,last day " narinig ko na napasinghal siya kaya nangunot ang noo ko. [pumasok ka ,kakanta kami ] sabi niya . Nag-isip muna ako saglit ... may kanta nga pala sila . Pero kapag pinagpatuloy ko na lumapit sakaniya lalo akong mahuhulog , ang malas naman e . " bukas na ako papasok , masama pakiramdam ko , sige . " hindi ko na siya hinintay na sumagot pa , pinatay ko na ang tawag . Ibinagsak ko ang katawan ko at naidlip .

--

" gising na Julian " Narinig kong sabi ni Zen sakin ,kaya naman tumango ako sakaniya at minulat ko ang mata ko . Tiningnan ko siya at nakatanggap ako ng isang matamis na ngiti mula sakaniya kaya naman nginitian ko siya " mukhang hindi ka lumabas para kumain ah" ngumiti lang ako sakaniya at pumikit ulit. TEKA ?!!!!!!!!!!!!!!

Bumalikwas ako ng bangon ng may mapagtanto ako ! " WAAAAAAAAAAAAAAHHHH !!! "

" Woy ! Ano ba ?! Bakit ka sumisigaw ? " natatarantang tanong naman niya . Kinurap kurap ko ang mata ko at muling tumingin sakaniya. " Z-Zen ?! " takang tanong ko kaya naman dahan dahan siyang tumango . Anak ng ?! Totoo to ?! " A-anong ginagawa m-mo dito ?! " sa sobrang hindi ako makapaniwala ay nauutal na ako . Natawa naman siya dahil sa reaksyon ko. " sabi kasi ni Kin puntahan daw kita , kasi panigurado hindi ka daw kakain ng walang kasama , kaya nandito ako . " paliwanag naman niya. Dahan dahan akong umatras ng tumayo siya . " Parang takot na takot ka naman sakin " nakangising sabi niya sakin kaya naman napailing ako ng mabilis . " a-ako ? Ha-ha -ha ! Bakit naman ako matatakot ? " lalo siyang natawa sa sinabi ko. " kumain ka na , dinalhan kita ng pagkain kaso hindi ko alam kung magugustuhan mo " tiningnan ko ang lamesa ko , nakakita ako ng dalawang balot ng styro . Lumapit siya sa mesa at kinuha ang styro . " masarap to , siguro sa yaman mo , ngayon ka palang makakakain nito . " mayabang na sabi niya kaya naman napaismid ako. " oh tara kain na , tig isa tayo ,tapos may dalawa pang ibang klase ng pagkain dito sa plastic " lumapit ako sa mesa at biglang nangunot ang noo ko ng makita ko ang pagkain . " Bakit yellow yan ? Ano yan ? " nakangiwing turo ko sa mukhang sotanghon na pansit tapos kulay dilaw ! What the ? " huwag ka ng maarte ! Kainin mo na yan , masarap yan " naiinis na sabi niya sakin . Tss .Naupo naman ako sa harap niya at kinuha ang tinidor . tinusok ko ang pansit at sinubo . " Takte ! Wala namang lasa eh ! " sinamaan niya ako ng tingin pero bago pa ako makaiwas ng tingin sakaniya kinuha niya ang pagkain ko at binigay yung kaniya sakin. " Uso kasing maghalo Julian ! idiot " tumaas ang kilay ko sa sinabi niya . " wow ha ! Sorry hindi kasi ako taga bundok tss . " natawa naman siya at sinamaan ako ng tingin. " kahit mayaman alam ang tawag dyan , bakit ikaw hindi ? Tss . Palabok ang tawag dyan ! Ngayon alam mo na ? Bumaba ka din kasi sa space ship mo pag may time " nakangising sabi niya sakin . Inismiran ko na lang siya at kumain na . Ang sarap nga . First time ko lang makakakain nito . Kaya naman naubos ko siya. " Ano masarap diba ? " sininghalan ko lang siya .

"Because you're here " (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon