Shanen's
Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa mga nangyari. Ang nakakainis lang wala akong panaginip. As in wala. Tsk!
"Shanen nandito si Ron sa baba" Sabi ni mommy habang nakasilip ng unti sa pintuan ng aking kwarto.
"Sige my. Give me a sec" I smiled then took a last glance at the mirror. 6:50 palang naman at 8 pa ang klase. Gumising ako ng maaga dahil dadaan ako sa talyer ni Tito para makuha na yung sasakyan ko. Sinukbit ko na ang aking bag sa balikat ko saka naglakad pababa.
Nasa hagdanan palang pero kita ko na agad ang blonde na buhok ni Ron habang naka upo sa couch. I mentally rolled my eyeballs saka ito nilapitan at binatukan at the same time.
"Hey cous. Morning" Bati nito habang sumusunod sakin papuntang kusina
"Aga mo ata? Atsaka bat di kita nakita sa campus kahapon? Cutting ka?" Tanong ko habang kumukuha ng hotdog na luto ni mommy.
"What? That's not my thing and you know that. May inasikaso lang ako" Sa sinabi niyang inasikaso alam ko na kung ano ito. Babaero tong gago na to at ang alam ko may girlfriend of the week siya ngayon.
"Whatever Ron. Samahan mo nalang ako sa talyer ng tatay mo. Kukunin ko sasakyan ko" I felt him nodded. Binilisan ko na ang pagkain pagtapos ay nagpaalam na ako kay mommy at umalis na.
"Shanen, Right timing ka. Ayos na yung sasakyan mo tatawagan na dapat kita mamayang tanghali" Ani ni tito pagkarating namin bago tapikin ang balikat ni Ron.
"Oh my god. Thank you tito! Ang hirap mag commute eh" I chuckled. We headed inside to fetch my car. It's a mitsubishi mirage. Maroon ang color nito. Hindi naman kami ganoon kayaman kaya hindi yan Porsche, Lambo or Ferrari. Although I love luxury cars like that. Mahilig akong manuod ng mga races but I don't do race. Si Ron racer siya kaya madalas akong sumama pag may laban siya on the rock.
"Ron, Kita nalang tayo sa school" Nasa driver's seat na ako at kasalukuyang dinudungaw siya
"Alright. Masyado mong miss yang sasakyan mo" Nakasimangot nitong saad bago tapikin ang pisngi ko. Napabusangot nalang ako bago siya inungusan at pinaandar ang aking sasakyan.
Pagkarating sa parking lot ng school nagtataka ako bat walang tao dito sa labas. Hindi pa naman class hour. I immediately maneuver my car at the parking space. Pagkalabas ko nakita ko agad ang sasakyan ng pinsan ko. Tsk leche! Alam ko namang mabilis siyang makakarating dito. Porsche kaya gamit niya.
"What the hell is going on?" Nabulong ko sa aking sarili dahil pag pasok ko puno ng mga estudyante ang corridor
"BESH! OMG!" Sigaw ni Rein ng makalapit sakin at humahangos pa. Napataas naman ang kilay ko ng makitang nasa tabi niya si Ron.
"Oh? Ano bang meron dito bat ang daming tao?"
"Kasi naman besh may bago tayong school director tapos 3 new students!" Sigaw ulit nito. God! Ang sakit sa tenga.
"And?" I asked. Bigla namang kuminang ang kanyang mga mata.
"Damn besh! Ang gagwapo nila! Sabay sabay silang pumasok dito kanina sa campus kaya ayan halos magkagulo ang lahat!" Sabi nito habang niyuyugyog ang braso ko. Binatukan ko nga. Ayon himas himas siya ng ulo niya habang nakanguso narinig kong tumawa ang magaling kong pinsan
"Quit laughing Nine!" Sita sakanya ni Rein bago ito hinampas. Napatawa ako ng wala sa oras. Parang bata talaga.
"Let's go?" Tanong ko sakanila
"Una kana. May pupuntahan lang kami" Sabi ni Ron bago akbayan si Rein .Agad kong tinitigan ng masama ito. Is he hitting on my bestfriend?
"Easy there tiger. Wala akong gagawing masama" Ani nito bago tumawa.
"Kailangan niya daw ako Besh. Makikipag break nanaman sa girlfriend niya at gagawin nanaman akong props" Nakasimangot na saad ng bestfriend ko.
I nodded my head before they started to walk. Ganyan yan sila ka-close. Bwisit na Ron talaga ginamit pa ang kawawa kong kaibigan.
Nag umpisa nadin akong mag lakad at makisiksik sa mga taong nag kukumpulan padin. May mga narinig akong dumaing at nag ouch. Probably yung mga natatapakan ko sa paa. Don't care gusto ko lang ay makarating sa room. Biglang may tumulak sakin dahilan para mapaluhod ako. Wtf!? Okay kalma. Kalma lang. Patayo na ako ng may nag lahad ng kamay sa aking harapan. Hindi na ako nag abalang abutin iyon. Kaya ko naman ang sarili ko. Pinagpag ko ang suot kong pants bago ito hinarap.
Napa-nga nga ako sa nakita. Tatlong nag gagwapuhang mga lalaki ang nasa harapan ko. Yung isa nakalahad padin ang kamay sakin.
"Damon, Get a grip" Sabi nung isang lalaking matangkad at naka brush up ang buhok. Singkit ang mga mata at may matangos na ilong. Nag tawanan sila ng katabi niyang matangkad din at may hikaw na itim sa kabilang tenga. Gwapo din ito katulad ng nauna. Biglang tumikhim ang lalaking nasa harapan ko
"Mind if you give me a hand shake?" He said it with a sweet baritone voice. Alanganin ko pang tinanggap ang kamaya niya and do a hand shake. I heard everyone gasps at meron pang mga nag hihisterikal na akala mo naagawan ng laruan.
"Damon. Damon Dela Fuentes" Pakilala niya. Tumango ako bago ito sagutin.
"Shanen. Can I take my hand now?" Tanong ko ng di niya padin binibitawan ang kamay ko. Agad naman siyang bumitaw sabay kamot sakanyang batok.
"Hi miss, Gavin Dawson at your service" Saad ng lalaking naka brush up saka ito kumindat. Tumango ulit ako
"And I'm Leon Frenier" Nakangiting saad ng lalaking may itim na hikaw. Nag tataka ako bat sila nag papakilala sakin but I shrugged it off.
"Quit harassing my student, Idiots." Ani ng lalaking nag salita sa likod ko. His deep baritone voice made me want to run away and just hide. Napakalamig ng tono nito at medyo pamilyar.
"Hey sup bro! How's your office?" Tanong ni Gavin. Kaibigan din nila ang taong nasa likod ko? At office? So that means siya yung new school director namin?
"Nagpapakilala lang kami sa magandang dilag na to" Mahinahong saad ni Damon na nakatitig padin sakin. Humagalpak nanaman sa tawa yung dalawang lalaki.
"Fuck the words!" Sabi nung Gavin bago ito kumindat muli sakin.
Napayuko ako. Konti nalang matutunaw na ako. Kailangan ko ng umalis dito. Unti unti akong nag lakad paalis ng magsalita nanaman yung boses na pamilyar sakin.
"Aren't you going to look at my face?" Nagtaasan bigla ang mga balahibo ko. Hindi ko alam bakit ganito yung pakiramdam ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ito harapin. Director namin siya kaya hindi dapat bastusin. Nang magtama ang aming mga mata bigla akong nanigas. Katulad lang kahapon kung pano ako naging tuod ng makita ko siya. His deep gray eyes na akala mong nangaakit at hinihimay ang kaloob looban mo sa mga ganong klaseng titig niya.
"M-miguel.." Bulong ko sa aking sarili pero agad din niyang narinig. Ngumiti ito ng mapangakit. Shit shit. Napalunok ako bigla.
"You know my name huh. Anyway. Miguel Montemayor. " Naka ismid ito at unti unting lumapit sakin. Napangiti ako ng malamlam. Damn it. Bakit kung umakto siya parang kilalang kilala niya ako?!
"It's a pleasure to meet you" Bago pa ako maka react bigla niya akong hinalikan sa pisngi bago bumulong sa puno ng aking tenga.
"I don't really know who you are and why'd you know my name but there is something that I want to clarify to you. I want you. Really really bad" saka ito naglakad palayo at sinundan ng tatlo.
"Fuck dude! That's foul!" Rinig kong giit ni Damon. Bigla akong nanlambot. Hindi ko alam kung pano ko nadala ang sarili ko sa loob ng room habang iisa lang ang pumapasok sa isip ko
I want you. really really bad..
I want you..
I want you..Shit. Miguel naman ano bang pinag gagagawa mo sakin? Gagong yon!
-
This part is edited. As you can see pinalitan ko po yung name ng bidang babae. SHANEN na po siya. Thank you. On editing tong story na to kaya pasensya na po kung maguguluhan kayo. Salamat sa pang uunawa mwaaaa

BINABASA MO ANG
Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)
RomanceMahirap mag expect na ganito o ganyan ang gusto mong mangyari sa huli, kung sa una palang komplikado na ang lahat.