Sa tatlong araw na pamamalagi ko sa ospital ni hindi siya nagpakita sakin.
Paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko 'Iniwan niya na ba talaga ako?'
At sa tatlong araw na yon wala akong ginawa kundi umiyak, mag hintay at umasa.
I heavenly breathes out.
"Ako na. Kaya ko" Untag ko kay Damon ng akma niyang kukunin ang bag ko. Nasa bahay palang kami. Nag pumilit akong papasok ng school ngayon dahil may gusto akong kumpirmahin.
Nakita kong parang na-offend siya sa ginawa ko kaya ngumiti ako at niyakap siya saglit
"Dame.. Thank you" Banggit ko saka nag dirediretso ng pasok sa kotse niya. I told him I can drive my car but he insisted kaya sabay kaming papasok ng school ngayon.
Umikot siya para makapasok sa driver's seat ng may tipid na ngiti sa labi.
"Ngayon ka nalang ulit ngumiti simula ng magising ka" Aniya saka inistart ang kotse. Nag iwas ako ng tingin.
Huminga ako ng malalim at di nalang nag salita. Tumingin nalang ako sa labas.
Napatigalgal ako ng marinig ang pamilyar na music.
Four letter word
But I don't have the guts to say it
Smile 'til it hurts
Let's not make it complicated
We've got a story
And I'm about to change the ending..Biglang kumalabog ang puso ko. Bumilis ang aking pag hinga at napahawak ng mahigpit sa seat belt.
"Shaine, Are you okay? What's the matter?" Rinig kong tanong sakin ni Damon.
Nagagalit ako. Naiinis ako sakanya! B-bakit bigla nalang siyang umalis ng walang sabi? Napaka unfair mo! Sobrang unfair mo..
"Shaine.." Umiling ako kay Damon at hindi nag salita hanggang sa nakarating kami sa school.
Pagka baba ko ng sasakyan parang walang nag bago. Ganoon padin. Ako lang ata ang naninibago dahil sa pag pasok ko ngayon sa entrance at pag lalakad sa corridor hindi ko siya kasama. Hindi siya ang nasa tabi ko ngayon..
"Una kana sa klase mo Damon. May dadaanan lang ako" Saka ko siya hinalikan sa pisngi at nag mamadaling nag tungo sa office ng school director.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng apat na beses.
"Come in" Malalim na boses ang narinig ko. Agad akong kinabahan saka dahan dahang binuksan ang pinto.
"Yes?" Tanong nito. Yumuko ako at pumikit upang mapigilan ang nag babadya kong luha.
"Goodmorning Sir.. M-may itatanong lang po sana ako" Mautal utal kong sabi.
Umasa ako. Akala ko siya ang madadatnan ko rito..
"Go ahead" Ayoko siyang lingunin o titigan dahil tuluyan na akong maiiyak. Kamukhang kamukha niya talaga ang naging kuya niya dito.
"May kilala kayong Miguel? Miguel Montemayor?" Tanong ko at patuloy padin na naka tungo.
"Wala. Montemayor? Same surname as mine?" Tumango tango ako sa sinabi niya.
"Haven't heard that name" He chuckled.
"G-ganoon po ba? Thank you sir. Sorry po sa abala" Tugon ko bago yumuko ng bahagya at tumalikod na.
Tuluyan ng bumagsak ang kanina pang nag babadya kong luha ng makalabas ako ng tuluyan sa school.
Hirap na hirap na ako. Puro nalang bakit? Bakit ako ang nag sasuffer ng ganito katindi? Bakit siya nang iwan?
Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng paa ko. Ramdam ko nadin ang panlalamig ng buo kong katawan saka ko lang napag tanto na umuulan na pala.
BINABASA MO ANG
Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)
RomanceMahirap mag expect na ganito o ganyan ang gusto mong mangyari sa huli, kung sa una palang komplikado na ang lahat.