Nanatali akong umiyak sa loob ng kwarto. Tumagal ang isang oras ng tumahan ako.
Bumangon ako sa kama at nagtungo sa banyo para makapag half bath.
Masama nga pala sa buntis ang ma-stress. Pero anong magagawa ko?
Nakailang buntong hininga ako ng matapos sa ginagawa. Nakapag bihis na ako sa loob ng cr at halos manlumo ako ng di padin siya bumabalik.
Stupid! Pinaalis mo nga diba? Tapos ngayon hahanapin mo!
Para na akong tanga dahil mahina kong hinahampas ang ulo ko.
Kinuha ko nalang ang iPad ko sa maleta at nag research about sa pregnancy.
Nawili ako dahil sa dami kong nalaman kaya tumagal din ng tatlong oras sa kakabasa at nag papasalamat na kahit papano gumaan ang pakiramdam ko.
Napalundag ako sa gulat ng may mag buzz galing sa labas. Bumangon ako saka iyon pinag buksan.
"Oh Gavin" Medyo bigo kong bati. Napansin niya siguro iyon dahil nangunot ang noo niya.
"Expecting someone?" Tanong niya. Tumungo ako at di sumagot. Rinig kong tumikhim siya kaya napaangat ulit ang tingin ko sakanya.
"I came here to apologize" Aniya. Umiling ako saka ngumiti at niyakap siya. Ang cute cute niya. Parang gusto kong lamutakin ang mukha niya
"Hindi ko alam kung bakit ka nag sosorry pero sige tatanggapin ko yan" Sagot ko sakanya bago humiwalay.
Nakita kong laglag ang panga niya sa ginawa ko at di ko mawari kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko nalang kinurot ang magkabilaan niyang pisngi
"Ang cuuuute mooo" Gigil kong utas saka naman pilit inabot ang ulo niya bago ko ginulo gulo ang kanyang buhok
"Hey hey hey" Saway niya sakin na medyo natatawa na. Tumigil ako at ngumisi.
"Nasan ang iba?" I asked him habang pinapapasok siya sa loob. Alanganin pa siyang pumasok at agad sumimangot ng makitang ako lang mag isa sa kwarto
"Nasan boyfriend mo?" Ngumuso ako. Nag iwas ako ng tingin at naupo sa kama. Siya naman sa sofa.
"Inaway ko" Naiiyak kong sabi. Gusto ko nalang humagulgol sa iyak pero napigilan ko ng tumingin ako kay Gavin.
Grabe ang cute cute niya talagaaaa
Ngumiti ako ng sobrang tamis sakanya bago siya batuhin ng unan.
"What thr fvk!" Hindi niya ata inasahan iyon dahil di niya nasambot at lumagapak nalang sa mukha niya ang unan. Humagalpak ako sa tawa
"Damn shit! Seriously what's up with you today?" Aniya habang pinipisil ang kanyang ilong.
"Ang cute mo eh" Sabay hagikhik ko. Natatawa na ako sa mukha niya dahil mukha na siyang nawiwirduhan sakin.
Ewan ko kung bakit pero tuwang tuwa ako sakanya ngayon.
"What are you doing here?" Napatayo ako sa kama ng marinig ang boses niya.
Sumimangot ako. Naiinis ako sakanya. Nasa likod niya si Leon at Damon na agad kong kinawayan.
Hindi ko manlang narinig ang pag pasok nila.
"Oh dude easy. Wala akong ginagawang masama sakanya. Siya lang yon" Sagot ni Gavin at agad napatayo ng hilahin ni Miguel ang kwelyo ng kanyang damit.
Tumakbo ako palapit sakanila saka siya tinulak sa dibdib at pumagitna sakanilang dalawa.
"Tumigil ka nga!" Sigaw ko kay Miguel na halatang ikinagulat niya. Kitang kita ko ang pag igting ng panga niya.
"Ano pinaalis mo ako para mapapunta mo yan dito?" Mariin niyang bulong. Agad nag panting ang tenga ko. Tinulak ko ulit ang kanyang dibdib ng humakbang siya palapit.
BINABASA MO ANG
Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)
RomanceMahirap mag expect na ganito o ganyan ang gusto mong mangyari sa huli, kung sa una palang komplikado na ang lahat.