Magdamag akong umiyak ng iwan niya ako mag isa sa kwarto ng walang natatanggap na paliwanag. Sorry? Aanhin ko ang sorry niya?Nang mag umaga na nagising ako sa paulit ulit na nag babuzz sa labas ng pinto. Bumangon ako at nag kusot ng mata na maga nanaman.
Hindi na pala ako nakapag palit ng damit. Sinuot ko muna ang robe ko bago mag tungo sa pintuan at pagbuksan ang kanina pa nangrerape sa buzzer.
"Goo-- What the fuck?!" Unang bungad ni Gavin sakin. Nag taas ako ng kilay saka sila tinignan isa isa. Si Leon tahimik lang na tinititigan ako, si Damon naman seryosong nakatitig sakin.
"Bakit nandito kayo lahat?" Natanong ko. Bihis na bihis ang mga to na akala mo ay may lakad na pupuntahan
"Hindi ba kayo sasabay samin umuwi?" Sabi ni Leon. Agad kong natampal ang aking noo ng maalalang ngayon nga pala ang uwi namin.
"What happened? Bakit ganyan mata mo? Nasan si Montemayor?" Tanong ni Gavin na bahagya pang sumisilip sa loob ng kwarto.
Umiwas ako ng tingin.
"Nauna na siyang umuwi kagabi.. Hintayin niyo nalang ako. Maliligo lang ako saglit" Bulong ko bago sila pagsarhan ng pinto.
Ayoko lang talaga na tanungin pa nila ako. Mas mabuti kung yung kaibigan nalang nila ang tanungin nila.
Mabilis akong naligo at nag bihis. I wore a pastel brown maxi dress and partnered it with a hat. Sinuot ko narin ang malaki kong shades bago hilahin ang luggage ko palabas.
Alam ko kasi sa baba sila mag hihintay
"Let me help you with that" Damon insisted ng makalapit ako sakanila. Tumango nalang ako bago kami nag umpisang umalis.
Makalipas ang ilang oras nakarating nadin kami ng city. Buong biyahe akong walang imik. Halata naman nilang ayoko ng kausap kaya nanahimik nalang sila maski si Gavin na kilala kong madaldal hindi nag salita.
Nagpapakiramdaman lang kami ng nasa loob na kami ng SUV nila Damon na sumundo samin.
Tinanggal ko na ang shades ko bago pumikit ng mariin at bumuntong hininga.
Oh God.. Sobrang sakit ng ulo ko. Kulang na kulang padin ako sa tulog.
"Dude, Diretso daw tayo sa penthouse ni Miguel" Narinig kong sabi ni Leon. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang nakikinig sakanila.
"Tangina niya kamo. Di na niya tayo nahintay" Sabat ni Gavin.
"Alright. Manong pakihatid kami sa Silver Condominium" Rinig kong sabi ni Damon kaya agad akong napadilat.
"Pwede sa bahay ko muna?" Alanganin kong nasabi kaya agad silang napalingon sakin.
"You're not coming with us?" Gavin asked reason why I nodded my head.
Napalingon ako kay Damon na tumikhim sa tabi ko. Tumango naman siya kaya sinabi ko na sa driver niya kung saan ako ibababa.
Ilang oras din ng makarating na kami sa bahay. Nag mamadali na akong bumaba at tinulungan pa ako ng driver nila sa pag bitbit ng maleta ko hanggang gate.
"Thanks kuya. Pakilagay nalang diyan, ako na bahala" Ngiti ko sakanya. Bumaling ako kila Damon na kasalukuyang nakadungaw sakin.
"Ingat kayo. Thanks for the ride, Dame" Ngumiti ako ng tipid.
Hindi sila sumagot kaya pumasok nalang ako ng tuluyan sa bahay.
Alright! This is it.. Mag isa nanaman ako.
Mabilisan kong pinunasan ang pisngi ko ng maramdamang naglandasan nanaman ang mga luha ko.
*
BINABASA MO ANG
Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)
RomanceMahirap mag expect na ganito o ganyan ang gusto mong mangyari sa huli, kung sa una palang komplikado na ang lahat.