CHAPTER FORTY FIVE - Slowly

3.6K 85 6
                                    

SHAINE'S POV

Unti unti kong minulat ang mga mata ko dahil sa ingay na naririnig.

Masyadong maliwanag kaya kailangan ko pang mag adjust ng mata ko.

"SHE'S AWAKE!" Unti unti ko ding napagtanto kung nasaan ako ng makitang may naka saksak na maliit na tube sa likod ng palad ko.

Inalalayan akong makaupo ng ayos ni Damon. Ngumiti ako sakanila at halos matawa dahil para talaga silang gulat na gulat.

"Oh anong meron?" Pang bungad ko.

"Wala kang maalala?" Takang tanong ni Rein sakin habang nakahilig sa kama. Tumawa ako.

"Gaga. Nawalan lang ako ng malay hindi nawalan ng memorya" At hayun ngumuso lang siya saka ako niyakap. Niyakap ko siya pabalik at kumalas din agad.

"Dalawang linggo kang tulog anak" Malambing na sabi sakin ni mommy bago halikan ang ulo ko.

Laglag ang panga ko sa narinig. Dalawang linggo?!

"2 weeks? How come?" Ngayon ako naman ang nag tataka? Nilibot ko ang paningin sakanila ng di ko siya mahanap.

"Nasan si Miguel?" Tanong ko ulit.

Napaangat ang kilay ko ng para silang nawirdohan sa tanong ko.

"Who the fuck is Miguel?" Natatawang tanong ni Gavin.

I furrowed my forehead in confusion. Pumaling ang ulo ko saka sila tinitigan isa isa.

"Besh, Sinong Miguel?" Rein asked me while she was arching her eyebrow.

Biglang umusbong ang galit sakin at tinitigan sila ng masama.

"Don't joke around! Where is he?" I snorted. I honestly don't like their behavior. Lumingon ako kay mommy na mukhang nag tataka din.

"Anak wala kaming kilalang Miguel" Inosenteng sabi nito.

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin.

"Ano bang nangyayari sainyo? Look, quit bluffing okay? Maayos na ako. Di niyo kailangan mag biro ng ganyan" Nagtitimpi kong untag sakanila.

Sobra na akong naiinis! Alam ko. Alam kong nag bibiro lang sila! He can't leave without me knowing it. He just can't!

"You can't remember anything" Bumaling ako kay Leon. Humigpit ang kapit ko sa kumot.

"No! You! All of you can't remember anything! AGHHHH!" Sigaw ko at bigla nalang nag wala.

"Sweetie calm down first. Anak.. Call the doctor Ron!" Tinanggal ko ang dextrose na nasa kamay ko at tinangkang bumangon sa kama ng pigilan nila ako.

"Let me go! Hahanapin ko siya! Shit! Let me go!" Pag pupumiglas ko. Humahagulgol na ako sa iyak dahil sa halo halong nararamdaman.

First dahil nagtataka ako at di nila maalala si Miguel, second ayokong isipin na umalis na siya ng tuluyan ng hindi nag papaalam sakin pero yon lang talaga ang idea ko and lastly ang hapdi ng kamay ko dahil sa marahas kong pag tanggal ng karayom doon.

"Shaine! Fuck. Can you freaking calm down! Makakasama yan sa anak mo!" Sigaw sakin ni Damon. Doon ako natigilan.

A-ang anak ko.. Kamusta ang anak ko? Bakit ganto? Ano ba talagang nangyayari?!

Pabagsak akong naupo ulit sa kama. I buried my face on my palm as I cried even hard. Para akong binabangungot sa nangyayari..

Rinig na rinig ko ang usapan nila ng dumating ang doctor. Tulala lang ako at para akong nabingi dahil wala na akong marinig sa sinasabi nilang lahat.

Para akong nasa loob ng isang kahon na hinihintay mabuksan para lang makawala ako at makahinga ng tuluyan.

"Doc why she can't remember anything?"

"She's been traumatized. For the mean time let her rest. Nabigyan na namin siya ng gamot"

Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit na matulog. Baka sakaling pag gising ko hindi ganito ang mangyari. Baka sakaling pag gising ko nandito siya sa tabi ko at hinihintay akong magising. Tanginang baka sakali yan!

**

Kinaumagahan hindi na ako masyadong nag wawala. Pero kadalasang natutulala padin ako. Ganoon padin sila. Walang maalala.

"Hey eat this" Alok sakin ni Damon ng mansanas na hiniwa hiwa ni Rein kani-kanina lang. Tinitigan ko lang iyon ng hindi umiimik.

"Kagabi kapa hindi kumakain. Gusto mo bang may mangyaring masama sa anak mo?" Rinig ko na ang inis sa tono ng boses niya. Agad akong kumuha at kinain iyon ng walang kabuhay buhay.

Kanina umalis sila Gavin, Leon, Rein at Ron kasama sila Bea para pumasok. Hindi sumama si Damon dahil sabi niya siya muna ang mag babantay sakin. Si mommy umuwi din kanina para makatulog.

Why aren't you here baby? What is really happening. Enlighten me please.. Where are you? Have you really gone forever?

They can't even remember you. Slowly  forgetting like you didn't really exist.

Damn! This is too frustrating.

"Damon.. Anong nangyari sakin bago ako mawalan ng malay?" Bigla kong natanong. Nakatitig ako ngayon sa singsing na nasa kamay ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ito. Basta pag gising ko kahapon nandito na to.

"Glad you asked. You were almost got raped by this old hag. Nasa tea party tayo non sa bahay nila Gavin then lumabas ka saglit. Nag taka kami dahil sobrang tagal mo. Pinuntahan kita and there, I fucking saw you struggling to his touch" Malalim ang boses niya ng pinaliwanag niya iyon.

Yumuko ako at tinikom ang aking bibig. May ganoon silang memory na natatandaan?

Totoo ba talaga ang lahat? Totoo kaba talaga Miguel o isa ka lang panagip?

No no! Totoo ka! Ramdam ko yon.. Pero bakit ganito? Bakit--

Biglang nanlalaki ang mata ko ng mag flashback sa isipan ko ang sinabi niya noon sakin.

"Ang masakit pa don makikita kitang masaya at limot na limot ako na parang di mo ako nakilala kailanman. Hindi mo ako maaalala.."

"Hindi mo ako maaalala.."
"Hindi mo ako maaalala.."

"D-Damon. Last question.. Sino ang ama ng pinagbubuntis ko?" Nanginginig kong tanong. Humigpit ang hawak ko sa mansanas ng mag angat ako ng tingin sakanya.

"Honestly hindi namin alam. Ayaw mong sabihin samin, don't you remember? Basta pag uwi mo nalang from america ganyan na" He said it with full of disappointment.

Shit. This can't be..

-

LATE AND SHORT UPDATE. Mamaya or bukas ko iaupdate ang kasunod nito.

Thank you!

Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon