Nakarating ako ng Puerto Princesa na wala manlang natanggap ni isang text sakanya. Mabuti pa sila Damon tinext ako at sinabing mag iingat ako.
Napairap ako sa kawalan habang inaayos ko ang mga gamit ko sa loob ng kwarto. Kasalukuyan akong naka check in sa Fertal Hotel na naasikaso nadin pala ni mommy.
Halos mapalundag ako ng mag ring ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha sa ibabaw ng kama at medyo nadismaya.
"Hello my"
"Nandyan kana? How's the trip darling?" Tanong niya sa kabilang linya
"Mommy, Hindi ba dapat ako mag tanong niyan sayo?" Natatawa kong sagot. Narinig ko naman siyang humagikhik sa kabilang linya.
"Wag mo ako intindihin dito. By the way go to Ka Lui Restaurant nandon sila Mrs. Abueg. Doon mo sila imemeet. Kilala mo naman siya diba?"
Kilala ko si Mrs. Abueg or Tita Helen dahil kadalasan dati pumupunta yon sa bahay namin. Kaibigan siya ni Mommy noong college palang sila.
"Yes my. Mag bibihis na po ako then I'll go there" Sagot habang patuloy na inaayos ang iba kong gamit using my free hand.
"Alright. Take care sweetie. Be good. I love you"
"Yes mom. Love you too"
Pagkatapos ng tawag nag madali na akong maligo at nag suot ng red two piece na pinatungan ko ng manipis na white floral maxi dress. I even put a light make up and liptint just to highlight my face. I grab my summer hat before I headed outside.
Nag punta ako sa sinabi ni mommy na restaurant at nakita ako agad ni Tita Helen kaya lumapit na ako sa pwesto nila. Naupo ako sa tabi niya bago tumingin sa isang babae na nasa harapan namin. Napa nga nga ako ng makita ang mukha niya.
"You look familiar iha" Aniya habang tinititigan ako. Napakapit ako ng mahigpit sa gilid ng upuan ko bago nanginginig na nag lahad ng kamay.
"Shannen Campbell po. Carissa's daughter" I said politely. Ngumiti naman siya at agad na tinanggap ang kamay ko.
"Wow. Hindi ko alam na napaka ganda pala ng anak ni Carissa. Anyway. Lori Montemayor. Her friend and also her business partner" I swallowed hard and obviously then gave her a sweet smile.
"Thank you ma'am. Maganda din po kayo" Banat ko. Shit. I need to be good.
"Call me Tita Lori" I was biting my lip while nodding my head. Hindi parin maalis ang titig niya sakin na wari ay inaalala kung saan kami unang nagkita.
"So hindi ko na kailangan magpakilala sayo sweetheart dahil kilala mo na ako." Tita Helen said. They both let out a soft laugh. I shifted on my seat.
"Let's talk about the show, We have a 10 models who will going to ramp our 50 new designs of gowns and dresses for this whole year" Ang sabi ni Mrs-- Tita Lori bago inabot saakin ang isang folder ganon din kay Tita Helen.
Nakaka intimidate ang titig at presensya niya. Seriously.
Binuklat ko ang folder at nakagalay na doon ang mga categories. Pati narin ang numbers ng mga model. Walang pangalan at puro number lang.
"As you can see, Shannen. Kailangan makita sa isang model ang beauty of course. Confidence and kung pano niya madadala ang damit na suot. Kung umaangat ba lalo ang ganda o hindi" Paliwanag naman ni Tita Helen sakin kaya tumango tango ako.
Madami pa silang sinabi sakin at wala na akong masagot kung hindi tumango at ngumiti at paminsan minsan nagtatanong din naman ako.
Alas siyete ng gabi daw mag uumpisa ang fashion show. At bukas naman ay 10 am ng umaga.
BINABASA MO ANG
Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)
RomanceMahirap mag expect na ganito o ganyan ang gusto mong mangyari sa huli, kung sa una palang komplikado na ang lahat.