SPECIAL CHAPTER

4.6K 127 13
                                    

Her heart is wildly beating inside her chest and hands felt cold and sweaty. Hindi nadin siya mapakali sa kinauupuan niya.

"Darling, relax. You're ruining my master piece" Her make up artist said. She took a deep long breath before staring at her reflection on the big mirror.

Kasalukuyang inaayusan si Shaine ng buhok dahil tapos na itong makeupan when someone knocked the door.

"Hi there pretty lady" Nakita niya mula sa salamin si Damon na nakasilip sa may pintuan. Gwapong gwapo ito sa suot na kulay gray na tux.

Ngumiti si Shaine at tuluyan na siyang pumasok kasunod sila Gavin at ang girlfriend nitong si Erica, si Leon kasama ang asawa niyang si Evangeline at syempre ang bestfriend niyang si Rein at ang asawa nito na pinsan niyang si Ron.

"Oh my God! Oh my God!" Napangiwi ito dahil sa pag hihisterikal ni Rein. Crap. Kahit kailan talaga ang ingay ng babaeng to.

"Congratulations babe" Ani Gavin bago siya hinalikan sa pisngi dahilan para matawa siya matapos dahil agad na binatukan ito ni Damon at tinitigan ng masama.

"Nag hahanap ka ng sakit sa katawan ano? Gusto mo? Sasabihin ko kay Migo ginawa mo ngayon" Sunod sunod na sabi ni Damon.

Ng lumayo saglit ang hair stylist at make up artist na kanina pa pinupunasan ang pawis niya pinaikot nito ang upuan saka sila hinarap.

"Besh huhu ang ganda ganda mo" Wika ni Rein saka siya niyakap ng mabilis. Kita nadin ang umbok nitong tiyan dahil sa limang buwan na itong nag dadalang tao

Umirap lang siya at napangisi bago niya ito yakapin pabalik.

"Why are you guys all in here?" She asked them out of curiosity because they were supposed to be in the church right now readying themselves.

Nasa Hotel pa kasi sila na pag aari ng kanyang mapapangasawa. Dito lahat inayusan ang mga bridesmaids at grooms men pati nadin ang mga kamaganak niya at ni Miguel.

Ngayon niya nga lang nalaman na may mga pinsan, tito at tita pala ang loko na iyon.

Nameet niya ang mga ito last week at tuwang tuwa sila sa dalawang anak nila ni Miguel.

Natigil si Shaine sa pag iisip ng hawakan ni Damon ang nanlalamig niyang kamay. His hand feels warm unlike her cold hand.

"I'm happy for you" Bulong ng binata sakanya. Pinigilan niyang wag maluha at niyakap nalang ito sa bewang dahil nakaupo siya.

Si Damon ang nakasama niya simula noon, naging mas malapit pa sila sa isat isa. At hindi siya tanga para sabihing hindi ito nasasaktan ngayon. Damon was everything a woman could ask for, sadyang hindi lang siguro talaga sila para sa isat isa.

"Thank you Dame" Untag niya saka ito tiningala. He cupped her cheek then caressed it. Ngumiti ang binata kaya napangiti nadin siya.

"You're welcome. I'm still here no matter what okay? Pag nagka problema ka nandito lang ako" Aniya saka siya nito hinalikan sa noo.

She feels horrible, hindi dahil sa halik na iyon kundi dahil sa nakita niyang sakit at lungkot sa mata ng kanyang matalik na kaibigan. I'm sorry Damon..

"Mag hanap ka na nga ng babae dude. Natatakot ako baka tumanda kang binata" Sabi ni Leon saka kinindatan si Shaine. Bigla tuloy siyang may naalala. May alam ako na hindi nila alam.

Nakwento ni Damon na meron siyang nakilala sa manila na babae. Sobrang taray at lagi siyang sinusungitan to think na empleyado niya ang babae.

Di din naman nagtagal at umalis nadin ang mga kaibigan niya dahil mas mauuna sila sa simbahan.

Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon