CHAPTER TWENTY THREE - Pray

5K 85 5
                                    

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse niya. Kanina pa kami naka alis ng penthouse at naka daan nadin kami sa bahay nila Ron. Inabot ko sakanya ang susi ng sasakyan ko. Sakanya ko nalang pinakuha.

Pormal na pormal ang suot namin dahil naka dress ako siya naman naka longsleeve na polo na itinupi hanggang siko at naka pants.

He maneuvered the car at the parking lot bago nag tanggal ng seatbelt. Ganoon narin ang ginawa ko saka kami sabay na lumabas.

"Mag sisimba tayo?" Natanong ko dahil nasa parking lot pala kami ng isang simbahan. Hindi ko alam pero napangiti na ako. Simula kasi ng maging kami hindi niya ako sinasamahan na mag simba. Lagi siyang may lakad o ano man.

Nakita kong naging balisa ang ekspresyon niya kaya ko agad tinapik ang braso nito.

"Ayos ka lang?" Nagtataka kong tanong. Tumango siya saka ako inakbayan.

"Let's go" Aniya. Nawirduhan pa ako sa kinikilos niya dahil nanginginig at pinag papawisan pa siya.

Bahagya ko pang hinila ang braso niya dahil mukhang wala pa ata siyang balak pumasok sa loob in the end nag pahila nadin siya. Nag hanap ako ng mauupuan. Muntik na akong mapatili. Nabitawan ko ang kamay niya dahil para akong napaso.

Napatingin ako sakanya pero nakapikit lang siya ng mariin. Kinusot ko ang mata ko dahil parang nakita ko siyang nausok pero ng titigan ko ulit siya wala naman.

Wth?

Pinaupo ko na siya sa tabi ko. Tahimik lang siya at di nag sasalita. Nakapikit parin ito kaya kinalbit ko na.

"First time mo bang mag simba?" Tanong ko. Unti unti siyang dumilat bago tumingin sakin. Nakatikom ang bibig niya saka siya tumingin sa paligid. Tumigil ang titig niya sa isang matandang babae na nakaluhod at unti unti lumalapit sa altar.

Napangiti ako saka ko pinaikot ang braso ko sakanya braso. Mukha kasi siyang nag tataka dahil pumaling pa ang ulo niya habang sinusundan ang pag usad ng ale.

"Alam mo ba. Ginagawa yan pag sobrang dami mong kasalanan na nagawa lalo na pag mabigat yung kasalanan na yon. And also ginagawa din yan pag may gusto kang himala na mangyari sa buhay mo. Kumbaga hihingi ka ng tulong sakanya" Litanya ko bago ituro ang altar.

Marahas siyang napalingon sakin.

"I want to try it" Desidido niyang sabi. Nalaglag pa ang panga ko dahil di ko akalaing gusto niyang gawin iyon. Kahit kailan di ko pa nagagawa yan.

"Let's try it" Ulit niya pero sa ngayon mas nalaglag na talaga ang panga ko dahil sa 'Lets' Niya. Gusto niya akong kasama sa pag ganon? Napalunok ako ng makita ang sure na sure niyang mukha.

Well sabagay. Good idea yung gusto niya. May gusto din akong ipakiusap sa may taas. Tumango ako. Nakita ko ang tipid niyang ngiti saka kami tumayo.

Nag lakad kami patungo sa likod. Doon dapat kasi kailangan mag umpisa at dapat makarating sa unahan ng altar.

"Hintayin mo ako dito. May bibilhin lang ako" Sabi ko bago nag madaling lumabas ng simbahan.

*

MIGUEL

"Here" Bumalik siya na may dalang kwintas na di ko alam kung ano. Nilagay niya iyon sa kamay ko kaya napatitig ako doon.

"Wag mong sabihin na di mo alam ang rosary?" I looked at her then pat his head. My grip tightened while holding the rosary.

This is the only way right? I need this.

When she kneel down agad nadin akong tumalima. Huminga muna ako ng malalim bago pumikit.

Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon