CHAPTER TWENTY SIX - Decorating

4.9K 86 7
                                    

Akala ko by Wednesday makakauwi na si mommy pero hindi. Kaya ng dumating ang biyernes gumising ako ng 4 am dahil natuloy ang pag uwi nila ni Tito kasama asawa nito. Ngayon lang siya nailabas dahil madami pang inexamine sakanya. 

Pumayag naman ang doctor pero kailangan daw ideretso si mommy sa ospital. Kaya ganon ang ginawa namin. Kasama ko si Miguel sa pag sundo at ngayon nasa private hospital na kami.

Madaming galos sa katawan si mommy at naka neck brace din siya bukod sa arm sling na naka kabit sakanya. Umiyak pa ako kanina sa airport pagkakita sakanya pero siya nakangiti lang.

"You two can go now. May klase pa kayo" Paulit ulit na sabi ni mommy. Kanina niya pang sinasabi yan habang nasa sasakyan kami.

"But, Mommy" Nguso ko. Tinapik niya ng marahan ang pisngi ko.

"I'll be fine here. Babalik din naman si Kuya dito" Aniya pertaining Tito Jin. Umalis kasi ito kanikanina lang. Umangat ang tingin niya sa lalaking nasa likod ko.

"I'm glad na naaalagaan mong mabuti ang Doreen ko" Ngiti niya kay Miguel. Agad naman akong pinamulahan.

"My pleasure, Tita" Sagot niya bago ako akbayan. Kita ko ang pag sulyap doon ni mommy habang nakangiti padin.

Di din naman nag tagal nakadating na kami sa school.

"Babalik ako don pagtapos ng klase ko" I muttered while we were walking side by side.

"Hmm" Tangi niyang sagot. Napakunot naman ang noo ko ng mapansing madaming mga estudyante na nag lalakad pabalik balik. Kinalbit ko ang isang babaeng may makapal na eye glasses kaya siya napatigil at napatingin sakin.

"Anong meron miss?" I asked.

"May Halloween party bukas. Kaya walang klase ngayon. Pero kailangan daw ng tulong sa may Audi dahil doon gaganapin" Sagot niya. Ngumiti ako saka tumango at nagpasalamat bago bumaling kay Miguel na palingon lingon lang.

"May Halloween party daw. Hindi ba sinabi ng kuya mo sayo? Atsaka bakit masyado namang maaga?" Tanong ko sakanya.

"Sinabi. Nakalimutan ko lang banggitin sayo. And also ginawa ng maaga dahil sa 30 hanggang November 4 walang pasok. " Aniya habang kinakamot ang batok. Natawa tuloy ako sa itsura niya saka siya hinila sa announcement hall.

Madaming nakasilip doon kaya agad akong nakisingit habang hila padin ang kamay ni Miguel. Hindi nadin ako nagtaka ng di sila nag reklamo. Mga nag ningning pa ang mga mata nila. Ultimo lalaki ganon din.

ANNOUNCEMENT

WE WILL BE HAVING A HALLOWEEN PARTY.  TOMORROW OCT 19 AT AUDITORIUM. 6 PM TO 1 AM.

MUST WEAR A HALLOWEEN COSTUME.

WE ARE EXPECTING SOME STUDENTS WHOSE WILLING TO HELP DECORATING THE AUDI TODAY.

THANK YOU.

"Corny talaga ng gago" Rinig kong bulong ni Miguel sa tabi ko.

"Sino?" Tanong ko.

"School director" Nakabusangot niyang sagot. Hinampas ko naman ang braso nito.

"Gusto ko tumulong" Suggest ko sakanya. Bumuntong hininga muna siya bago ako hawakan sa kamay at pinag salikop pa iyon.

"Then we'll help" Aniya bago kami nag umpisang maglakad papunta doon.

Napaisip ako kung anong magandang suotin. Siguro dadaan muna ako sa boutique namin para makahanap ng maisusuot.

"Anong susuotin mo bukas?" Tanong ko sakanya. He just gave me a crooked smile at nag kibitbalikat.

"I'm planning to wear an angel outfit. Baka lang magka idea ka kung ano naman ang iyo" Ngiti ko. Bahagyang nag igting ang panga niya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon