CHAPTER THIRTY ONE - Confrontation

4.2K 89 4
                                    


Kinabukasan agad akong nagtungo ng hospital dahil pwede na daw idischarge si mommy. Wala naman daw problema. Walang blood clot sa ulo niya.

"Kamusta ang party kagabi anak?" Agad namutla ang mukha ko sa narinig. Kasalukuyan ko ng inaalalayan si mommy na makapasok sa kotse ko. Naupo nadin naman siya sa frontseat. Si tito Jin naman nasa loob padin ng ospital para maayos ang lahat ng bills.

"It's fine mom" Sagot ko ng di siya tinitignan. Ako nadin ang nagkabit ng seatbelt niya.

"Tignan ko lang si Tito sa loob. Magpapaalam nadin ako" Dagdag ko pa tsaka ko sinara ang pinto ng sasakyan. Nakita ko agad si Tito sa may Information area. Lumapit ako at agad nita akong binalingan ng tingin.

"Okay naba tito?" I asked him.

"Yes. But I still need to get her papers. Mauna na kayo sa bahay. Pupunta nalang ako doon" Aniya. Tumango ako bago halikan sa pisngi.

"Mag ingat sa pag Drive" Paalala niya. Ngumiti ako at lumabas na ulit. Pumasok na ako sa driver's seat.

Pagkakita ko kay mommy natutulog na siya. Inadjust ko ang upuan niya para makahiga siya ng ayos. I started the engine before maneuvering the car out of the parking lot.

Napabuntong hininga ako habang nag dadrive.

I still can't believe on what I see last night. It's like a big freaking revelation. Big indeed! Pagkauwi ko non saka ko lang napag tagpi tagpi ang lahat.

Naalala ko noon na sinabi niya na sakin na isa siyang Demon. Dati palang gusto niya ng sabihin sakin.

Nag research ako about sa mga fallen angels. Ang iba daw ay nagiging Sex Demon talaga sakanila. Kaparusahan yon dahil sa pag kakamaling nagawa nila.

Saka lang sila babalik ulit sa lugar sa itaas pag natuto silang humingi ng tawad.

In this case. Naiintindihan ko na siya. Naiintindihan ko na kung bakit tinangka niyang makipag hiwalay sakin noon.

Ang hindi ko lanv maintindihan yung pag napapanaginipan ko siya dati. At kung bakit niya piniling maging tao.

I stopped my car when I see the red light. Suminghap ako.

I just realize.. I fell inlove with the Sex Demon. With the Fallen Angel and at the same time with the Warrior Angel..

Pumikit ako ng mariin. Mas naging kumplikado ang nararamdaman ko dahil sa mga nalaman.

Pag dilat ko madaming tao sa gilid ng kalsada kaya napatingin ako sa bandang kanan.

It's the Church. Pumikit ako at nag dasal.

What is your plan for us?

Pwede po bang bigyan niyo pa kami ng oras para sa isa't isa? Gusto ko pang sulitin ang nalalabing araw bago niya ako iwanan. Pero kung talagang kailangan niya ng umalis ako na mismo ang tutulak sakanya palayo sakin.

Thank you po.. Kahit papano sumaya ako sa loob ng ilang buwan.

Napadilat lang ako ulit ng marinig ang mga busina ng sasakyan sa likuran namin. Agad ko ng pinasibat ang sasakyan ko.

*

Ng malapit na kami sa bahay, natanaw ko agad ang expedition ni Miguel sa tapat ng bahay namin. Pinark ko ang sasakyan ko sa likod nito at lumabas. Kumalabog din ang pinto ng sasakyan niya hudyat na lumabas nadin siya.

Binuksan ko ang frontseat at marahan na tinapik ang pisngi ni mommy.

"My, nandito na tayo" Nasabi ko. Biglang may humalik sa gilid ng noo ko.

Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon