Pagkahatid namin kay Trisha lumipat na ako sa front seat at agad din naman akong hinatid ni Miguel sa bahay.
"Hindi ba tayo babalik? Baka hinihintay nila tayo" Nasabi ko bago sumulyap sa labas. Nasa tapat na kami ng bahay at di padin ako lumalabas. Hinawakan niya naman ang kamay ko bago yon halikan.
"I don't think they were expecting us. Trust me. Iba mag isip si Gavin kaya hayaan na natin siya sa iniisip niya" Halakhak niya habang pinaglalaruan ang daliri ko. Napangiti tuloy ako.
"So. Kita nalang tayo bukas?" Tanong ko. Tumitig naman siya sakin bago ngumiti.
"Hmm. Guess so. Go on. Hihintayin ko na makapasok ka sa loob" Aniya bago ako halikan sa noo. Tumango ako at lumabas na ng sasakyan niya.
"Go straight home. Drive safe" Ngiti ko bago mag flying kiss sakanya na ikina-tawa niya. Natawa nadin ako bago isara ang pintuan ng kotse. Binuksan ko na ang gate namin bago pumasok sa loob. Agad ko din namang narinig ang papaalis niyang sasakyan kaya pumanik na ako sa taas.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Napasulyap ako sa wall clock ko. 6:30 na kaya nag madali ako para makapag ayos.
Halos isang oras din ako natapos ng kumatok si mommy.
"Sweetheart nasa baba na si Miguel" Aniya sa likod ng pintuan.
"Yes my! Pababa nadin po ako. Pakisabi nalang po" Sagot ko bago nag suklay ng buhok. Hindi na ako gumamit ng blower dahil malapit na ang first class ko. Sinukbit ko na yung bag ko sa balikat bago nag mamadaling bumaba habang sinusuot ko pa ang wristwatch ko.
"Hey clumsy little girl. Madadapa ka niyan sa ginagawa mo" Ani ng isang baritonong boses. Napaangat ako ng tingin bago ngumiti at lumapit sakanya na kasalukuyan ng nakatayo.
Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. Umangat ng kaunti ang kilay niya bago ayusin ang strap ng aking bag. Napatingin ako doon.
"Sa labas na tayo mag breakfast?" Tanong niya. Napasulyap ako sa kusina at wala na doon si mommy. Baka nasa kwarto niya na at naliligo.
"Okay. Pero kukuha ako ng sandwich na gawa ni mommy. Sayang eh" Sabi ko bago nag diretso sa kusina. Kumuha ako ng dalawa bago bumalik sa pwesto niya.
"You look like an angel back then huh?" Ngisi niyang sabi habang nakatitig sa frame na nakalagay sa ibabaw ng center table. 10 years old ako doon at nakasuot ng angel outfit. Kung di ko nakakalimutan halloween party ata namin ito noong elementary pa ako.
Napahagikhik ako bago ibigay sakanya ang isang sandwich. Umangkla ako sa braso niya bago kami lumabas.
"Saan mo gusto kumain?" Natanong niya habang nag dadrive. Inabot ko ulit sa kanyang bibig ang sandwich na agad niya din namang kinagatan. Ngumisi pa to bago ako sulyapan.
"Pakasal na kaya tayo?" Agad akong namula at nanlalaki ang mata sa sinabi niya. Hinampas ko naman ang hita nito na ikinahalakhak niya.
"Are you nuts? Seriously kasal agad?" Di ko mapigilang mapangiti. Naiimagine ko itsura namin pag mag asawa na kami.
"I'm serious. I just want to spend every single day with you until we wrinkled until our hair's gone silver" Biglang sumeryoso ang mukha nito. Napalunok ako habang titig na titig sakanya.
"Ayoko lang na may makaagaw pa sayo. To think na ang dami mong lalaki" Nakanguso na niyang sabi bago ilagay ang isa niyang kamay sa aking hita. Natawa ako.
"Madami akong lalaki? Dadami lang sila pag madami ng Miguel Montemayor sa mundo" Ngisi ko. Nakita ko siyang namula bago ngumisi.
"Damn baby. That's your first ever cheesy line." Kagat labi niyang sabi. Napahalakhak ako.
BINABASA MO ANG
Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)
Roman d'amourMahirap mag expect na ganito o ganyan ang gusto mong mangyari sa huli, kung sa una palang komplikado na ang lahat.