CHAPTER EIGHTEEN - Moment together

5.9K 113 11
                                    

Pagtapos nila mag asaran kanina naisipan naman namin na kumain muna ng dinner. Nag aya pa si Leon na mag inom but I refused. Pagod ako ngayon at kailangan ko lang matulog.

"Kayo nalang. I'm tired. I just want to take a rest" Nasabi ko sakanila ng nasa tapat kami ng isang bar.

"How 'bout you bro?" Tanong ni Damon kay Miguel habang ito naman ay nakatitig sakin. Pumaling ang ulo ko.

Bakit ganto makatitig ang isang to? Ngumiti lang ako sakanya kaya siya nag iwas ng tingin at ngumuso. Tila nag pipigil ng ngiti.

"Sunod ako. Hatid ko lang girlfriend ko" Sagot niya na ikinapula ng pisngi ko.

Kinikilig ako. Lecheng lalaki to! Hinawakan niya ako sa kamay bago hinila paalis. Lumingon nalang ako kila Damon at kumaway.

"Leon! Si Rein huh?" Sigaw ko kay Leon na ikinatango niya naman. Napatingin ako sa bestfriend kong abala sa phone niya at sumulyap sakin. Ngumiti at bumalik ulit sa phone. Nangunot tuloy ang noo ko. Sino kayang katext non?

"Saan kayo naka check in?" Natanong ko kay Miguel ng makarating kami sa Hotel. Nilalaro pa nito ang mga daliri ko habang magkahawak kami ng kamay.

"Dito din" Simple niyang sagot bago nagdire diretso sa elevator.

May tatlong babae pa kaming nakasabay sa loob at halos masabunutan ko na sila dahil halatang sinisiksik nila ang sarili nila samin para makadikit sa boyfriend ko.

Agad ko silang tinapunan ng masamang tingin at parang wala lang sakanila yon. Napatingala ako sa boyfriend ko at nakitang naka ngisi lang siya kaya mas lalo akong nainis.

"Excuse. Do you mind if I ask your name?" Sabi ng isang hitad na tinubuan ng boobs. Nakakunot na ang noo ko bago bumaling sa pintuan ng elevator.

"Miguel" Abat! Sinagot niya pa talaga! Pinagkrus ko ang dalawa kong braso at lumayo ng kaunti sakanila

Bwisit! Kainis. Alam niya namang naaasar na ako tapos--

Magkasalubong na ang kilay ko at paulit ulit na pinapatay yung tatlong babae sa isip ko ng marinig ko silang mag hagikhikan.

"No touching please. Buntis ang asawa ko and she's  watching. Can't you see? " Napabaling ako sakanya na nakatingin sakin bago kumindat.

Buntis? Sinilip ko ang tatlong haliparot at kita kong nalaglag ang panga nila. Tumingin ang mga to sakin at para akong isang bacteria sa laboratory na ineexamine.

"Let's go baby" Napabalik ako sa wisyo ng mag bukas ang elevator at hapitin niya ako sa bewang. Paglabas palang namin narinig ko pa ang singhap ng mga ito na tipong nanghihinayang sa kung ano man.

Manigas kayo! Kita niyong may kasama aasta kayo ng ganon? My goodness! I hate drugs.

"Damn. How I love to see your jealous face" Halakhak niya kaya mabilisan ko siyang hinampas sa braso bago buksan ang pintuan ng kwarto ko.

"Ewan ko sayo. Sinabi sabi mo pa pangalan mo. Malamang di ka titigilan ng mga yon" Nakasimangot kong sabi before sitting at my bed. Napadako ang tingin ko sa maletang kulay black na nasa gilid ng lamesa.

"Is that yours?" I asked then looked at him. Nakatitig siya sakin habang nakakrus ang braso at tumango tango.

"Uh-huh"

"Bakit.. nandito?" Dahan dahan kong tanong at unti unting nanlalaki ang mata ko ng ngumisi ito.

"Pano mo napasok yan dito?" Seriously mukha na akong tanga na tanong ng tanong sakanya na wala namang ginawa kundi ngumisi lang. Napairap ako bago siya batuhin ng unan na nasambot niya naman. Tsk Damn his reflexes!

Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon