CHAPTER THIRTY TWO - Weird.

3.9K 85 10
                                    


Hinawakan niya ng sobrang higpit ang kamay ko pagka sabi niya non.

Bigla akong nanlamig at napabitaw sakanya. But he didn't let my hand, he tightened his grip as he stared deeply straight to my eyes.

Kumalabog ang puso ko pero di ko magawang iwasan ang titig niya. Para bang nahihipnotismo niya ako sa ganoong klaseng tingin.

"H-How come? I mean I heard that you are--" Napatigil ako sa pag sasalita ng magpakawala siya ng malalim na hininga.

"Isa akong Archangel dati. But after what I've done.. Ipinatalsik ako papunta sa Center gloom. Hindi siya katulad ng iniisip ng iba na impyerno. It's in between the heaven and hell. Alam kong kayong mga tao, konti lang ang nakakaalam noon" Aniya. Pumikit ako ng mariin.

Hahayaan kong ipaliwanag at sabihin niya sakin ang lahat. Sa ngayon tama siya. Kailangan kong maging open sa lahat lahat.

"Dahil sa paulit ulit kong pag suway, He sent me at that place kung nasaan ang isa kong kapatid. Augustus. Isa siyang nakatataas sa mga Sex Demon. Kaya kung natatandaan mo, Alam kong alam mo na lagi tayong nag kikita sa panaginip mo" Dagdag niya pa. Tumango tango ako.

I know that. Alam ko din kung bakit sila pumapasok sa mga panaginip ng tao.

"Pano ka naging tao?" Tanong ko. Kahit nanginginig at naninigas na ako sa mga sinasabi niya, I still tried my best para maging matatag marinig lang siya.

"I used this body. Although ito talaga ang totoo kong katauhan noon pa man. Nagkataon na tumugma ang features niya sakin. Ang mukha namin may pagkaka pareho. Nakiusap ako kay Augustus. Para lang mahanap kita. Dahil nung huli kong napasok ang panaginip mo--" Tumigil siya at yumuko para halikan ang aking kamay.

"What?"

"I suddenly felt something here" Nilapat niya ang palad ko sa kanyang dibdib. Suminghap ako ng maramdaman ang kalabog ng puso niya.

"Baby, I fell inlove with you noon pa man" Malambing niyang saad. Yumuko ako at pumikit.

"Kaya ko napiling maging tao. But Augustus gave me some stupid consequences na nito ko lang din nalaman.." Napabaling ako sakanya. May kinuha siya sa bulsa ng pants niya.

Kulay luma na papel. Inabot niya iyon sakin at ako nagtatakang nakatitig lang doon.

"What's this?"

"Read it" Aniya. Tumango ako bago sinimulang basahin ang mga nakasulat.

Nalaglag ang panga ko. I-Is this some kind of a bad joke?! A-ako mapupunta--

"This.. is bullshits.." Bulalas ko ng matapos yon basahin

"Indeed. That's the reason kung bakit biglaan nalang akong nakipag hiwalay sayo noon.." Sa sobrang galit ko, nalukot ko ang papel at nag angat ng tingin sakanya.

"Pati magiging anak natin idadamay?!" Nanginginig ako ng yakapin niya ko ng sobrang higpit. Umiyak ako sa balikat niya.

Sa sobrang dami kong nalaman parang kulang nalang sumabog ako.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kaya pagka gising ko gabi na. Wala na sa loob ng kwarto ko si Miguel. Umuwi na siguro.

Pupungas pungas akong bumangon sa kama at dumiretso sa banyo para mag hilamos.

"Shit" Mura ko ng bumaliktad ang sikmura ko. May naamoy akong di ko nagustuhan. Hinanap ko iyon at nakita ang lemon refreshiner sa gilid ng sink. Inamoy ko yon at nahilo sa baho nito.

What the heck?!

Lumabas ako ng cr at nag tungo sa baba.

"Mom!" Tawag ko. Nakabukas ang t.v sa sala pero walang nanunuod. Nakita kong may isang maleta doon. Nangunot ang noo ko. Pumunta ako ng kusina.

Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon