CHAPTER THIRTY FOUR - Insecurities

4K 89 10
                                    


Buong biyahe akong dilat na dilat ganoon din ang katabi ko na kanina pa hinahalikan ang ulo ko o kaya naman lalaruin ang buhok ko. Hinayaan ko nalang dahil gusto ko din naman.

Ng makalapag na ang eroplanong sinasakyan namin may sinabi pa ang FA bago kami pinababa.

"Oh my God. Ang sakit ng likod ko" Nakangiwing sabi ni Bea.

"Hindi lang likod mo ang sasakit pag nakasama mo ako sa kwarto" Sabi bigla ni Gavin habang naka ngisi.

Wtf. Napairap ako sa kawalan. Nag hagalpakan naman sila sa tawa dahil sa itsura ni Bea na ngayon parang natakot at namumula.

Nag umpisa na kaming lumabas ng airport. Malamig na ngayon dito siguro dahil mag papasko na.

"Dude. Saan kayo mag che-check in?" Tanong ni Damon kay Miguel. Napalingon ako sa boyfriend kong nakatuon ang pansin sa kanyang phone.

Napaangat ang kilay ko. Sinong katext nito?

"Already informed the hotel. 18 Salisbury Road Hong Kong Sky. Kayo?" Tumingin siya sakin. Nahalata sigurong nagtataka ako kung sinong katext niya.

Marahan niyang pinisil ang ilong ko bago ngumiti.

"Doon nalang din. Para sama sama na" Sagot ni Damon at nag umpisa ng kausapin ang iba para ipaalam kung saan kami tutuloy.

I fished out my phone then search for a nice place here in Hongkong.

First time kong makapunta dito dahil mostly NY and Paris ang pinupuntahan namin ni Mommy.

Kagat ko ang ibaba kong labi habang nag sscroll. Umangat ang tingin ko ng may kumalbit sakin

"Can we talk?" Tanong ni Chloe sakin. Nakita kong papalapit si Rein at nakasimangot na.

"Ah yeah. About what?"

"Oh hi Chloe" Biglang singit ni Rein ng nakangisi.

Napatalon pa ako sa gulat ng may mag patong ng jacket sa balikat ko.

"Wear that. You're freezing to death" Bulong ni Miguel at hinalikan ako sa pisngi bago humiwalay muna sandali samin at nagtungo kila Leon na nag uusap usap padin kasama ang iba.

Nakangiti ako ng bumaling kay Chloe na ngayon nakataas na ang kilay.

"About Jeydon" Seryoso niyang sabi. Kumunot ang noo ko.

"What about him?" Tanong ko. I honestly don't like the way she looked at me. Problema nito?

Lumingon siya kay Rein na ngayon naka angat nadin ang kilay habang nakikinig.

"Can you leave as alone?" Tunog nag pipigil na inis niyang sabi sa best friend ko.

"You're not my boss so why would I follow you?" Naka ngisi padin si Rein ng sabihin yon. Di talaga papatalo ang isang to

"Just tell me what is it Chloe. Masyado bang mahalaga?" Walang gana kong tanong. Sumulyap ako sa phone ko.

"I want you to stay away from him"

"What?" Natatawa na ako. Seriously?

"You heard me. Ayokong nilalapitan o tinatawagan mo siya. We're getting married!" Laglag ang panga ko ng sumigaw na siya. Napaatras ako ng bahagya.

Mga wala namang pake ang mga tao dito sa labas ng airport. Eto ang gusto ko sa ibang bansa. Di katulad sa pilipinas.

"Wait Chloe. I really don't get your point. Hindi ko siya tinatawagan o ano man. Like what the hell is wrong with that anyway? Mag kaibigan kami" Mahinahon kong sabi. Umirap siya at ngumit ng nang aasar.

Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon