CHAPTER TWENTY FIVE - Say it

4.8K 92 6
                                    

Agad din naman akong bumalik sa table namin ni Rein saka ko inubos ang pagkain ko.

Nagkatampuhan ba sila?

I fished out my phone at my bag bago ako nag tipa ng message

To: Miguel

What's wrong? May problema ba kayo?

"Yang fafa mo talaga ang hot" Halakhak ni Rein habang nag susuklay ng buhok. Tapos na siya kumain at ako hindi padin.

"Minsan nga naiisip ko kung good idea ba na sobrang gwapo niya. Ang hirap ang daming linta na dikit ng dikit sakanya" Nakasimagot na ako ngayon saka ko pinag patuloy ang pagkain.

Totoo naman kasi yung sinabi ko. Every places na pupuntahan namin walang babae na di mapapatingin sakanya.

"Be thankful nalang" Aniya at bahagya pang napatalon ng biglang mag ring ang phone niya. Pinanuod ko siya habang sinasagot ang tawag

"Yes Ron?.. Yep nasa cafeteria na.. Seriously?" Bigla siyang sumulyap sakin.

"Alright. I'll tell her... Yeah I know" Irap niya ng binaba ang phone. Nag angat ako ng kilay at maghintay sa sasabihin niya.

"Besh. Your mom.. She's in the hospital sa Paris" After hearing it biglang gumuho ang mundo ko. Nanlamig ang buo kong katawan at ramdam ko na may namumuo na sa lalamunan ko.

"W-what happened? Kelan pa?" Halos bulong nalang iyon dahil sa pang hihina ko.

"Kahapon daw. Ngayon lang nakatawag sa daddy ni Ron yung doctor doon. Ayaw daw kasi ipaalam ng mommy mo" Bumilis ng triple ang paghampas ng puso ko. Nanginginig kong niligpit ang mga gamit ko saka nag madaling lumabas.

Saktong nakasalubong ko si Ron kaya agad ko siyang hinarap.

"Tell me what happened? Bakit nasa ospital si mommy?" I asked him. My sights were blurry.

"Nabangga daw yung kotse ni tita sa isang kotse din. And.. and ." Kita ko ang adams apple niya na nagbaba taas. Niyugyog ko ang braso niya dahil mamamatay na ako sa sobrang pag aalala.

"Ano?! Ron sabihin mo! And what?" Napahagulgol na ako. 

"What the hell? Easy cous. Easy. Tita's okay. She's doing good. Yung nakabanggaan niya ang kritikal. But still may nabaling buto sa kaliwang kamay ni Tita" Mahaba niyang litanya. Bumuga ako ng hangin. Kahit papano nabawasan ang pangamba ko.

"Bakit hindi manlang ako tinext? God!" Frustrated kong sabi saka ko nasabunutan ang sarili ko.

"Nine, Kailangan maiuwi dito si Tita. Mas maganda yon diba para mas malapit siya" Suhestyon ni Rein na ikinatango ng pinsan ko. Sumunod pala to.

"I'll tell Dad. Pupunta siya ngayon doon. Sinasama tayo pero sabi ko kasi malapit na exam so I can't. Maybe you can" Aniya sakin. Umiling ako.

Alam kong magagalit si Mommy pag umabsent nanaman ako. Ngayon pang malapit na ang exams.

"Tell tito na tawagan ako pag kasama niya na si mommy" I said saka nagpunas ng luha.

"Alright. Let's go" Tumaas ang kilay ko ng mapatingin sa braso niyang nakapulupot sa bewang ni Rein.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko saka humalukipkip.

"Sasamahan niya akong mag lunch" Ngising sagot ng walangya kong pinsan.

"Alam mo gagawin ko sayo Ron pag nasaktan yang bestfriend ko" Irap ko saka sila iniwan.

Nagpasya akong sa bench nalang muna magpalipas ng oras since mamayang 3 pa ang next class ko.

Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon