Sa bawat salitang narinig ko galing sakanya hindi ko alam pero masyadong tumagos yon sakin.
Pinalaki ako ni mommy na may takot sa Diyos. Linggo linggo nagsisimba kaming dalawa para mag pasalamat.
Ngayon lang ako nakarinig ng ganon kalalim na salita galing sa isang lalaki. Well bukod sa mga pari.
Nakaka antig ng puso. Parang hinahamplos ang puso ko sa mga sinabi niya. Isa talaga siyang anghel.
Mataman ko siyang tinitigan ng may ngiti sa mga labi ko.
"Anghel ata to si Montemayor noon eh nag reincarnate lang" Halakhak ng isa para mawala ang tensyon.
Napapangiting tumango ang iba pero kaming dalawa lang ni Miguel ang natitigilan dahil sa utas ng lalaki.
Marahan akong tumayo at nag pagpag. Tumayo nadin si Miguel saka balewalang pinagpag ang pang upo ko gamit ang kanyang panyo.
Shit. This is not the first time na ginawa niya to pero kasi nasa harapan kami ng mga kaibigan namin.
May mga sumipol at nag tawanan sa ginawa niya. Para bang nakalimutan ng lahat ang usapan kanina.
"Miguel naman" Nakanguso na ako bago siya tingalain. Ngumisi lang ang unggoy.
"Hmm? Higit pa dito ang ginagawa ko sayo" Aniya. Binatukan ko na tuloy ng tuluyan. Nag hagalpakan sila sa tawa.
Nag martya na ako palayo sakanila. Rinig ko pa ang pahabol na sinabi ni Miguel bago sumunod sakin.
"Sundan ko lang. Gusto ata akong masolo. Na-turn on ata" Untag niya sabay halakhak at takbo papunta sakin.
Hinampas ko ang braso niya pagka lapit sakin.
"What?" Angil niya ng nakangisi bago ako akbayan. Pilit kong pinigilan ang pag ngisi din pero di ko na napigilan. Napaka landi niya kasi.
Naglalakad lakad kami ng bigla siyang nag salita.
"Baby. Gabriel showed up again" Malungkot niyang sinabi. Napasinghap ako at tumango.
Nag tungo kami sa isang sea side. Binuhat niya ako para makaupo sa pasemano. Nakaharap ako ngayon sa dagat habang siya naka hawak sa bewang ko.
"What did he say?" I asked. Half of me wanted to know what they talked about and the other half was not. I'm freaking scared. I unconsciously touch my belly.
"I don't want to tell you" He muttered while he was hugging me from behind.
"I want to.. know" Alanganin kong sabi.
"No, You don't" Napapikit ako sa sinabi niya. Kilalang kilala niya na talaga agad ako.
"I-I'm scared.." Hindi ko na napigilang sabihin. It's true. Natatakot ako.. Natatakot ako dahil alam kong ipag tutulakan ko siya palayo pag pinilit niyang mag stay dito.
"I know. Maski ako. Mas doble ang takot ko. Natatakot akong iwan ka. Hindi ko kayang umalis na nakikitang basang basa ang pisngi mo dahil sa luha at di ko magawang punasan. Pag binalikan kita alam ko sa sarili kong di na ako makakaalis pa" Pinilit kong mapigilan ang luha ko kahit alam kong nag iinit na ang gilid ng mga mata ko.
Ang plano ko.. Wag nalang ipaalam sakanya na buntis ako. Ayokong mas lalo siyang mahirapan.
"Takot na takot ako baby" Pumiyok siya at alam kong naiyak na siya ngayon. Base nadin sa panginginig ng katawan niya na ramdam na ramdam ko. Hinaplos ko ang kamay niyang namamahinga sa tiyan ko.
"Iniisip ko palang na magkaka pamilya ka sa ibang lalaki at may mag mamay-ari na sayo sobra akong nawawasak. Kulang nalang patayin ko sarili ko para di na maramdaman yung sakit" Tuluyan na akong napaluha sa mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)
RomantizmMahirap mag expect na ganito o ganyan ang gusto mong mangyari sa huli, kung sa una palang komplikado na ang lahat.