CHAPTER FORTY ONE - Dramas (part two)

3.5K 77 8
                                    


Sa loob ng taxi buong biyahe kaming walang imikan hanggang sa nakarating kami sa hotel na tinutuluyan namin.

Nakahawak ako sa braso niya at nagpapasalamat na di niya naman tinatanggal ang kamay ko

"Baby" Tawag ko sakanya habang nakanguso. Hindi niya ako nilingon. Inalalayan niya lang akong makapasok sa loob ng elevator ng hindi nag sasalita

May apat na mga chinita na babae kaming nakasabay at halos marinig ko ang mahihina nilang hagikhikan sa gilid.

Yes! Anong bago? Maski dito nakakakuha siya ng atensyon sa mga babae. Kahit naka tayo at seryoso lang ang mukha niya at di ngumingiti halos mag lupasay at manisay na sa kilig ang mga babae.

Umirap ako sa kawalan. Kainis!

"Ya new here?" Tanong ng babae. Halos di niya maperfect ang pag eenglish niya. Oh back off!

"Sort of" Sagot ni Miguel na nakapag palaglag ng panga ko.

What?! Nung ako kumakausap sakanya ni one word di niya masagot sakin!

Mas lalong kinilig ang mga walanghiyang babae at umusod pa palapit. Dahil napapagitnaan nila ako napaatras tuloy ako ng wala sa oras dahil sa pag gigitgitan nila. Napahawak ako sa railing at tumayo ng ayos.

Hindi iyon nakita ni Miguel dahil di padin siya nagalaw. Ngayon nasa likod na nila ako habang siya nakapamulsa.

"Whatcha name handsome?" They asked in chorus habang ang isa masyado ng idinidikit ang dibdib niya sa braso ni Miguel.

Alright that's it! Tumikhim ako ng malakas at sabay sabay silang napasulyap sakin maski siya napatingin na. Tinitigan ko ng matalim ang mga babae.

"Excuse me miss. Can you please stop brushing your dirty silicon boobs on my Husband's arm? It's really disturbing" Mataray at mariin kong utas. Pareparehas silang nalaglag ang panga sa sinabi ko.

"And you" Ani ko sabay turo kay Miguel na ngayon ay bahagya ng nakanguso ang labi niya na halatang nag pipigil ng ngumiti.

"I'm hungry. I want some pizza and nuggets. Ya know CRAVING stuffs" Sabay haplos ko sa aking tiyan. Hinila niya ng marahan ang braso ko saka ako hinapit sa bewang.

"Alright alright. Damn.. Hindi ko magawang magalit ng matagal sayo" Aniya at binulong ang huling sinabi at bahagyang hinaplos ang tiyan ko.

Sumulyap ako sa mga babae na ngayon nakatikom na ang bibig at nag iiwas ng tingin. There! Know your place witches!

"Let's go" Untag ko sabay hila sakanya palabas ng elevator ng bumukas ang pinto noon.

Nag dirediretso kami sa room namin. Agad akong nahiga sa kama. I feel so exhausted. Parang pagod na pagod ako ngayong araw.

"You stay here. Bibili lang ako ng sinasabi mo" Aniya at dinampian ako ng halik sa labi.

"Gusto ko din ng smoothy" Nguso ko kaya siya tumango.

Nang umalis siya nag pasya muna akong matulog.

Nanlalaki ang mata ko ng makita kung nasaang lugar ako. Nasa isang malaking kwarto ako na puro apoy ang bawat sulok ng kwarto. May mga nasa sampung tao ang nasa harapan ko at nakasuot ng mahahabang saya.

Napabaling ako sa gilid at doon ko nakita si Miguel na nakaluhod,  naka gapos ang mga kamay at may tali na nakaikot sakanyang leeg habang duguan.

Napatakbo ako ng wala sa oras papunta sakanya saka lumuhod. Napahagulgol ako sa iyak ng makita ang duguan niyang mukha.

"W-what happened?" I asked him. Niyakap ko siya ng mahigpit pero di siya gumagalaw.

"You're too late" Utas ng hindi ko kilala. Napatingala ako sakanila at nagtindigan ang mga balahibo ko sa klase ng ngisi nila.
"What have you done?! What happened to him!?" Bulyaw ko habang yakap yakap padin siya.

"Sinasabi ko naman hindi ba? Hindi kayo mamumuhay ng normal" Ani ng isang lalaki na nasa unahan. Basang basa na ang mukha ko dahil sa luha at pawis.

"Who are you?!" Tanong ko. Hindi siya sumagot bagkus ay pinitik niya lang ang daliri niya sa ere at bigla nalang sumigaw si Miguel sa tabi ko.

"AAHHHHHGGG!" hiyaw niya at napahiga. Tinapik tapik ko ang kanyang pisngi. Napahagulgol na ako ng malakas dahil sa nakikita kong pag hihirap niya.

"Tama na! Parang awa n-niyo na. Tama na! N-nasasaktan na siya!" Pag mamakaawa ko.

"Nararapat lang sakanya iyan! Pagkatapos ng ginawa ay tatalikuran niya lang ako?! Ha!" Gigil na sabi ng lalaki kanina habang ng ngingitngit ang ngipin. Hindi ko masyadong makita ang kanilang mukha dahil natatakpan iyon ng hood.

Pumitik ulit siya sa hangin at napahiyaw ako sa sakit na naramdaman ko sa kalooblooban ng tiyan ko. Animo parang sinusunog at hinihimay. A-ang anak ko!

"Baby! Wake up!" Napabalikwas ako ng bangon. Inikot ko ang paningin at nakita ang pamilyar at malinis na kwarto.

Kinapa ko ang mukha ko at basang basa ito ng luha.

"Kakadating ko lang. Nananaginip ka" Napabaling ako kay Miguel at niyakap siya ng mahigpit habang patuloy ako sa pag hikbi.

May idea na ako kung sino ang mga yon..

Nakatitig lang sakin si Miguel at ganon din ako sakanya. Pinapahid niya ang mga luha sa pisngi ko.

"M-Miguel.. You need to go back"

"What?" He asked.

"Pag.. Nagpakita ulit sayo si Gabriel sumama kana sakanya" Yumuko ako at nagpunas ng luha.

Mahirap.. sobrang hirap. Pero para samin din tong gagawin ko.

"You're pushing me away. Aren't you?" May halong diin ang pagkakatanong niya. Pumikit ako at napasinghap bago tumango.

"You need to go.. As soon as possible" Untag ko. Rinig ko ang frustration sakanyang pag hinga.

"What's the matter with you? Nag dedesisyon ka nanaman mag isa" Matalim na ang titig niya sakin bago tumayo at lumayo sakin. Nakakuyom ang kanyang palad ngayon.

"It's for our own good!" Sigaw ko sakanya.

"Own good? Naririnig mo ba ang sarili mo?!" Aniya at hinampas ng malakas ang lamesa dahilan para mapatalon ako sa gulat

"Aalis ako kung kailan ko gusto at kung kailan matatapos ang araw na binigay sakin" Dagdag niya.

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang kamay ko.

"C-can you please leave me alone for awhile?" I mumble. Hindi siya nag salita  at narinig ko nalang ang pagbagsak ng pinto hudyat na lumabas siya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang. Natatakot na ako ng sobra

Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon