I really have no idea kung san kami pupunta. Tumingin ako sa kanya bago humalukipkip.
"Saan nga tayo pupunta?" Nakanguso na ako dahil baka maging effective at sabihin niya na.
"Relax. Matulog ka muna kung inaantok ka. Medyo malayo pupuntahan natin" Seryoso niyang sabi habang titig na titig sa daanan at di manlang ako nilingon! Sumandal nalang ako bago pumikit.
Nanaginip ako ng may humahalik ng paulit ulit sa labi ko kaya agad akong napadilat at nakita ang naka ngisi na mukha ni Miguel habang nakanguso ng kaunti. Hinalikan niya pa ako sa labi bago humiwalay.
"Effective ba?" Naka ngisi niyang sabi at tumawa. Namula tuloy ako bago mapangiti. Titingin na dapat ako sa labas ng takpan niya ang mata ko.
"Close your eyes and don't open it until I say so. Understand?" Napatango ako ng paulit ulit bago pumikit. Tinanggal niya ang kamay niya sa mata ko saka iyon nilagyan ng piring. Nangunot ang noo ko at nag taas ng kilay.
"Where are we?" I asked him. Hindi siya sumagot. Bagkus ay naramdaman ko pang hinubad niya ang sapatos na suot ko saka ko naramdaman ang paglagay niya ng slippers sa aking paa.
"Buti nalang naka dress ka" Bulong niya sa tenga ko bago iyon halikan. Tinikom ko nalang ang aking bibig ng marinig ko na bumaba na siya ng sasakyan. Naramdaman kong bumukas ang pinto sa gilid ko. Hinawakan niya kamay ko.
Dahan dahan din naman akong bumaba bago niya ako hapitin sa bewang.
"Careful baby" He mumbled ng mag umpisa kaming mag lakad. Naramdaman ko ang pag hampas ng malamig na hangin saking mukha at katawan kaya napakapit ako ng mahigpit sa kamay niya. Napasinghap ako ng lumubog ang paa ko sa parang buhangin at unti unti kong naamoy ang alat ng dagat at narinig ang mistulang mga hampas ng alon.
"Are we perhaps--"
"Hold that thought baby. Don't ruin my surprise" Aniya sa tabi ko kaya kinagat ko nalang ang ibaba kong labi. Nag lakad pa kami ng ilang sandali bago kami tumigil.
"Remember don't open your eyes. I will take off the blind fold and don't peek" Sabi niya ulit kaya tumango ako. Ano bang pakulo to? Ano bang meron? Bakit may surprise surprise pa siyang nalalaman? Napangiti tuloy ako bago pumikit ng marahan.
Naramdaman kong natanggal niya na ang takip kaya napalunok ako.
"Miguel?" Tawag ko sakanya ng hindi ko maramdaman ang prisensya niya sa tabi ko.
"Miguel? God baby. I swear mapapatay kita pag iniwan mo talaga ako--" Napatigil ako sa pag sasalita ng may magsalita sa malayo at kung di ako nag kakamali naka microphone pa yon.
"Now open your eyes baby" Pagkarinig ko non. Unti unti kong idinilat ang mata ko. Medyo nag adjust pa ako sa liwanag at sikat ng araw tsaka ko nakita ng maayos ang paligid.
Natutop ko ang aking bibig ng makita kong nasa beach kami at sa gitna may mga rosas na inihugis isang puso at sa loob non may lamesa at dalawang upuan. Hindi ko masasabing candle light dinner dahil hapon palang. Pero may bouquet of tulips sa ibabaw noon.
Nag lakad ako don palapit at ngayon ko lang napansin ang maliit na stage sa gilid. Nanlalaki ang mata ko ng makita sila Damon doon pati narin si Miguel na may hawak na gitara. Si Gavin ay naka pwesto sa drum set at si Leon naman sa Keyboard. Si Damon ay naka hawak din ng gitara.
"Baby. Happy monthsary. Mukhang nakalimutan mo kaya pinaalala ko na sayo" Nakanguso ngunit natatawa nitong sabi.
Napakagat ako ng labi dahil tama siya. Nakalimutan kong October 28 ngayon. At monthsary nga namin. Napaluha ako.
"Hey hey. Don't cry baby. Don't make me jump there just to wipe your tears. Di pa ako nag uumpisa" Ngiti niya kaya natawa nadin ako bago nag punas ng luha.
BINABASA MO ANG
Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)
RomanceMahirap mag expect na ganito o ganyan ang gusto mong mangyari sa huli, kung sa una palang komplikado na ang lahat.