CHAPTER THIRTY EIGHT - Sweets

3.8K 86 6
                                    


Natapos kaming mag breakfast at napag usapang sa Lantau Island kami pumunta ngayon. Bukas naman sa Victoria Peak at Hongkong Disney land.

Kaya pag balik namin sa sari sarili naming room agad kaming nag handa.

Dumiresto na si Miguel sa bathroom samantalang ako mag bibihis nalang. Sinabi ko kasi sakanyang nakaligo na ako kanina.

Nag suot lang ako ng plain white fitted T-shirt at red maong shorts na mas lalong naipakita ang maputi kong hita. Sinuot ko nalang din ang white hoodie ko na may malaking check sa gitna.

Nag lagay lang ako light make up. Napadako ang tingin ko sa aking leeg. Hahayaan ko na nga lang. Maliit na pula lang naman to. Mapapansin lang to pag tinitigan maigi. Hahayaan ko nalang na nakalugay ang aking buhok.

Sinundan ko ng tingin si Miguel ng lumabas siya sa bathroom na ngayon ginugulo ang buhok niyang basa.

"Hinanda ko na damit mo. Gusto ko yan suotin mo" Ngisi ko sabay turo sa susuotin niyang nasa kama.

Isang white shirt at pants yon. Nandon din ang hoodie niyang katulad sakin. Binili ko yon last week at dinala dito.

"Shorts too short baby. I don't like it" Seryoso niyang sabi. Ngumuso ako at napatingin sa suot kong short na medyo natatakpan na ng jacket ko.

"My hoodie is too big kaya nag mukhang maikli. Don't be so conservative mister" Sagot ko saka ngumisi. Madali niyang nasuot ang kanyang tshirt at tumalikod pa ako ng tanggalin niya ang towel sakanyang pang ibaba.

"Who's conservative now" Nag init ang pisngi ko. Alam kong siya naman ang naka ngisi ngayon. Err Asshole!

Inayos ko nalang ang maliit kong bag pack at nilagay ang lahat ng kailangan.

"Let's go?" Anyaya niya sakin habang kinakabit ang wrist watch niya.

Kinuha ko ang phone ko bago siya pinicturan ng palihim.

Oh come on! Bakit kahit anong anggulo niya sobrang gwapo padin? Para siyang isang Greek God na tumakas sa mount Olympus.

Pagkababa namin nandon na ang lahat. Maski ang batch 2 kung saan nandon sila Jeydon. Napakunot ang noo ko ng makita ang masamang pukol na tingin sakin ni Chloe.

Sasakay kami sa isang Double Decked bus papuntang Ngong Ping 360.

"Careful" Bulong sakin ni Miguel ng alalayan niya ako paakyat ng bus.

Napili kong maupo sa bandang gitna.

Tumawa pa kami ng makitang magbatukan si Leon at Gavin dahil sa pag aagawan ng upuan. Damn childish.

"You scumbag! Madaming upuan leche!" Gavin started his trash talk again.

"Fuck you bro! Ikaw nakaisip edi ikaw lumipat" Nakangising sagot ni Leon. Oh boy.. Mabuti nalang at kami lang ang nag aakupa ng buong bus. Kaya din siguro ang lalakas ng loob nito nila mag ingay.

"Give me your bag" Untag sakin Miguel na ngayon nakakunot na ang noo habang nakatingin sa dalawa. Nakangiti kong binigay sakanya ang bagpack ko bago maupo malapit sa bintana.

Napapailing nalang ako habang naririnig ang bangayan ng dalawa at ang tawa ng iba.

"Will the both of you shut your dirty mouth?!" Matigas na saway ng boyfriend ko na hanggang ngayon nakatayo padin

"Dude, Gavin is acting like a brat again" Rinig kong sabi ni Damon. Lumuhod ako saking upuan at bumaling sa likod.

Looks like Gavin is really not in his mood. Kanina ko pa iyon napapansin.

Sex Demon Incubus (FALLEN ANGEL #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon