Richard's POV
I'm Richard Augustin the NEW CEO of Augustin Corporation and I'm searching for my new secretary. I hope I could find as soon as possible ayoko nung pinaghihintay at pinapatagal ang mga bagay. Habang nakaupo ako dito sa swivel chair ay biglang umalpas malapad na ngiti sa labi ko ng mabasa ko ang resume ng susunod na maga-apply. So nandito na ulit siya sa Manila, humanda ka sakin dahil nakita na ulit kita hindi na kita papakawalan pa.
Dawn's POV
Papasok na ko ng opisina ng CEO kaya mas dumoble ang kaba ko sa dibdib ganito naman siguro lahat ng iinterviewhin lalo na at mismong Boss mo ang magi-interview sayo. Pagkapasok ko sa opisina umupo agad ako sa upuan na nakalaan para sa mga ini-interview dahil nangangatal na yung mga binti ko bukod sa lamig, mabuti na lang nakatalikod si Sir kaya lang nung nagsalita siya at humarap ay mas lalong nadagdagan ang kaba at panlalamig ko sa katawan, lupa kainin mo na ko gustong-gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko para makaalis dito.
Nasa harap ko lang naman ang Ex-boyfriend ko na iniwan ko para hindi na maging hadlang o makasira sa career niya mukhang naging maayos naman siya ng iniwan ko siya dahil hindi niya maaabot ang posisyon na ito kung hindi niya pinagbuti. Hindi ko na aasahan na makakapasok ako sa kompanya niya pagkatapos ng pang-iiwan ko sakanya. Naiintindihan ko siya kung galit siya lalo na kapag nalaman niya na may anak kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)
FanfictionSa buhay ng tao hindi mo matatakbuhan lahat ng problema. Kahit saan ka magpunta kahit saan ka magtago magtatagpo at magtatagpo kayo. Paano kung ang taong matagal mong tinaguan at matagal kang hinanap ay matagpuan ka sa di inaasahang pagkakataon? Paa...