Chapter 33

3.1K 88 21
                                    


 Richard's POV

Nakangising pumasok si Alexa sa loob ng opisina ko. Umalis si Dawn sa pagkakaupo sa binti ko

"Richard hindi ka na ba makapagpigil at talagang kahit nasa trabaho ay nasisingit mo pa 'yang kalandian mo?"

Alam kong si Dawn ang pinapatamaan ni Alexa at alam ko din na inaasar niya si Dawn kaya niya yun sinabi.

"Pwede ba Alexa ano na naman bang pinunta mo dito?"

Tumayo ako at pumunta na sa table ko para bumalik sa trabaho.

"Well nakalimutan kong sabihin na pumunta ka sa bahay ni Kuya mamaya-"

"Nasabi na nila sakin yun. Ano pang sasabihin mo?"

"Okay na ba kayo nung Girlfriend mo?"

Malakas niyang pagkakasabi niya na kay Dawn na naman ang patama. Lumingon naman si Dawn at umasta si Alexa na kunwari ay hindi alam na nakikinig si Dawn.

"Kasi kung hindi pa din kayo okay ngayon pa lang pinaalalahanan na kita nandito lang naman ako naghihintay sayo na pulutin mo"

Padabog na tumayo si Dawn kaya pareho kaming napalingon ni Alexa sakanya na may masamang aura. Magkadikit na ang kilay at labi na pansin mong nagpipigil ng gigil.

"Lalabas po muna ako Sir, tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo"

Pagkasabi niya nun ay mabilis niyang nilisan ang opisina ko at padabog na sinara ang pinto.

Bigla namang tumawa ng malakas si Alexa

"Ganun pala siyang magalit.. Infairness maganda pa din siya"

Tumatawa pa din'g sabi ni Alexa.

"Tumigil ka na nga Alexa pumunta ka lang ba dito para mangbwisit?"

"Hindi naman. Tsaka may purpose naman yung panga-asar ko sakanya , Oh tingnan mo galit na galit it means nagseselos siya!"

"Hindi ko kailangang makitang nagagalit o nagseselos siya"

"Nakausap mo na ba siya tungkol dun sa away niyo?"

Hindi ako sumagot at nagsimula ng magtype sa laptop ko.

"So ayaw mo pa din makipag-usap sakanya?"

Hindi ko pa din siya sinasagot.

"Eh ano yung nakita ko kanina?"

Wala pa din akong sagot.

"Alam mo... Ang tanga-tanga mo! Dati hinahanap mo pagkatapos ngayong magkasama na kayo inaaway mo-"

"Alam ko! Alam kong tanga ako!... Ang tanga-tanga ko dahil pinabayaan ko siya hanggang sa may ibang lalaki ng nakapasok sa puso niya... Ang tanga ko kasi hinahayaan kong may ibang lalaking lumapit sakanya"

Nanghihina kong sabi sakanya. Ito na siguro ang tamang oras para i-kwento ko sakanya lahat. Niyaya niya ko sa sofa para dun magkwento magkatabi kaming dalawa habang kinukwento ko ang mga nangyari samin ni Dawn this past few months. May mga pagkakataon na natatawa at nanghihinayang ako sa mga pangyayari.

Natatawa ako dahil sa mga kapilyohan at kalokohan kong pinaggagawa at nanghihinayang kung sana hindi niya ko iniwan mas madami na kaming lugar na napuntahan at madaming oras na nagkasama.

Napatingala ako kay Alexa na walang humpay sa paghaplos sa buhok ko. Nginitian niya ko na sinasabing

"okay lang yan"

"Wag kang mag-alala tutulungan kita"

Umiling lang ako at muling yumuko, nakasandal na kasi ako sakanya ngayon.

"Paano mo naman ako matutulungan eh kilala mo lang naman si Dawn sa pangalan"

"Basta... I have my own ways... Wala ka bang tiwala sakin?"

Muli akong tumingala sakanya at ngumiti.

"Syempre meron"

"Pagnatulungan kita syempre may kapalit"

Natawa naman ako sa sinabi niya

"Ano naman yun?"

" libre mo ko sa favorite resto natin.. Deal?"

Natatawang sumang-ayon na lang ako sa sinabi niya. Napatakaw talaga!

"Oo na po"

"Sige na alis na ko"

At tinapik niya ko sa braso.

"Sige. Mag-iingat ka"

Tumango lang siya.. Bago niya mapihit ang door knob ay muli ko siyang niyakap.

"Thank you. Thank you for being my Ate"

Kumalas ako ng yakap at hinarap siya.

"Syempre ikaw pa! Ang lakas mo kaya sakin"

Nakangiti niyang sabi at ginulo ang buhok ko na nagpangiti sakin dahil ito ang ginagawa niya sakin pagkakatapos naming magkwentuhan.

"Sige na alis na ko at mamimili pa ko ng ilang iluluto mamaya"

"Hatid na kita"

Hindi naman siya sumagot kaya inakbayan ko siya na parang kapatid.
Paglabas namin ng opisina ay nakita ko si Dawn na busy sa pagta-type sa computer niya kaya dere-deretso kaming naglakad ni Alexa. Pagkahatid ko kay Alexa ay bumalik din ako sa opisina para ipagpatuloy ang aking trabaho ng mag-alas singko ng hapon ay pinauwi ko na si Dawn at sinabing susunduin ko siya ng 6:30 makikipagtalo pa nga sana siya kaya kaagad ko na siyang pinigilan.

"Pwede ka ng umuwi... Dadaanan na lang kita mamaya"

"San tayo pupunta?"

"Kina Rocky pinapasama ka nila di ba?"

"Eh akala ko ba ayaw mo? Wag--"

"Dawn wag na nating pagtalunan 'to Sige na umuwi ka na. 6:30 ako dadaan sa bahay"

Kalamado kong sabi sakanya na sinagot niya lang naman ng tango.Umuwi din muna ako sa bahay para maligo at magbihis nagsuot na lang ako ng simpleng v-neck shirt at black jeans na pinartneran ko ng rubber shoes at ready to go na ko.

Nasa kalagitnaan na ko ng biyahe ng maisipan kong tawagan si Dawn kaya lang hindi niya sinasagot siguro ay nagbibihis na o di kaya ay naliligo pa,hindi ko na muna siya muling tinawagan ng nasa tapat na ko ng pinto ay hindi na ko nag-atubiling kumatok ng pinto at sa di inaasahang pagkakataon ay mas lalong nadurog ang puso ko sa nakikita ko.

💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

Broke-broke na naman si Papa Richard Hoy! Dawn ano Balak mong durugin puso ni Richard? Haha! Lols!

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon